Ang Ilaw sa Gitna ng Gubat

9 1 0
                                    

Ako po si Andrei, kasalukuyang nakakulong sa Cebu City Jail sa salang pagpatay. Nagsimula ang lahat noong ang Pamilya namin ay nagbakasyon sa probinsiya nila mama. Ang probinsiya ng nila ay sa Boracay kaya excited kaming lahat. Sa mga panahong iyon ay walong taon palang ako. Masaya ang lahat pagdating namin doon.  Pumunta kami sa iba't ibang lugar kung saan nakatira ang iba pa naming mga kamag anak. Pagtapos ay Nagpunta kmi sa bahay ng lolo at lola namin na matatagpuan malapit sa isang di kilalang resort. May gubat sa pagitan ng bahay nila lolo at sa resort, medyo malayo pa rin pero yun lng ang pinaka trade mark ng bahay nila lolo dahil wala namang masyadong mga bahay at mga building doon. Napakasukal at maraming mga hayop na maririnig mo mula sa gubat, medyo malaki rin ang mga puno na tila ba matanda pa kay lolo. Ang sabi nila'y wlang nagpupunta sa resort na dumadaan dun sa gubat at delikado daw doon lalo kapag gabi kaya sinasabihan kami ni lolo na huwag na lumapit sa gubat at huwag rin lalabas sa gabi. Kinagabihan habang nanonood kami ng TV sa sala, nabored ako kaya nagpunta muna ako sa tabi ng bintana at sumilip. Mula roon at tanaw ko ang bukid, pinagmamasdan ko lng at iniisip kung bakit ayaw kaming palabasin ni lolo kapag gabi.
Maya maya pa ay nakita ko ang isang ilaw na nagmumula sa gubat. Agad kong sinabi kila lolo na may tao sa gubat, naalala o kasi ang sabi nilang wag magpupunta sa gubat. Nakita ni lolo ang Ilaw na sinasabi ko ngunit pinagalitan niya ako. Wag ko daw masyadong pansin yun sabay sarado ng bintana. At pinatulog na ako, agad naman akong nagpunta sa kwarto kasama ng mga pinsan ko.

Lydia:Pa bat mo naman pinagalitan si Andrei? Ano bang meron? Sinabi niya lang naman ang nakita niya eh.
Vergillio:Anak pasensiya na, natatakot lng naman ako para sa kaligtasan niyo. Sinabi ko nmn sayo hindi na kayo dapat magbakasyon dito eh.
Lydia:Bakit pa? Ayaw mo bang makilala ka ng apo mo?
Vergillio:Hindi yun anak, nagsinungaling ako sa inyo nung sinabi kong malubha ang sakit ng nanay mo kaya siya namatay.
Lydia:Bakit pa? Ano ba nangyari kay mama? Tatlong taon na siyang patay, tapos hindi ko man lang nalaman kung anong totoo, ni hindi ko nakita ang bangkay niya. Bakit pa ano ba ang totoo?
Vergillio:Ang mama mo, nagpunta siya jan sa gubat pero hindi na siya nakabalik, tatlong araw  namin siyang hinanap kasama ng mga pulis pero hindi na namin siya nahanap. Nakalimutan ko na rin ang mukha ng mama mo mula noon, hindi ko alam kung paano, pero bigla nalang hindi ko matandaan ang itsura niya.

Lydia's POV

Itsura ni mama? Ano nga bang itsura ni mama? Hindi ko rin matandaan. Palagi kong kasama si mama noon, bakit hindi ko siya maalala?
Si mama? Si mama?
Ano nga ba pangalan ni mama?
Hindi ko na rin matandaan, bakit ganto?

Lydia:Pa, ano nga ulit pangalan ni mama?
Vergillio:Wag mong sabihing pati ikaw hindi mo siya maalala ?

???:Tao po.... Tao po.
Vergillio:Wag mong bubuksan.

Kumuha siya ng itak at dahan dahang lumapit sa pinto

Vergillio:Sino yan
???:Ako po si R#@&_$
Vergillio:ha?
???:R}¢✓¢= po, ako po si R%\¢{{

Hindi niya ito maintindihan dahil tila may sumasabay rito pag binabanggit niya ang pangalan niya kaya nag pasya si Vergillio na buksan na lang ngunit nakaamba ang itak, pagbukas ay wala silang nakitang kahit na sino.

  Nakaramdam sila ng kakaibang takot, kinabukasan din ay agad silang nagpasyang umalis sa probinsiya at sinabihan ni Lydia ang ama na sumunod nalang sila sa Manila.

"Sumama ka na"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon