Ang pagkawala ni Ryan

6 1 0
                                    

Andrei's POV

  Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag uwi namin, isang araw palang kaming nagbabakasyon at ang balak namin ay isang buwan. Pero wala naman akong magawa. Pagbalik namin sa bahay. Napansin kong may iba. Parang may bagay o ala alang nawala sakin. Mula noon ay madalas na akong managinip ng kakaiba. Palagi kong napapanaginipan ang isang matandang babae na walang mukha, naroon siya sa gubat sa probinsiya namin at paulit ulit niyang sinasabj ang katagang "sumama kana sakin". Dahil sa gabi gabing nananaginip ako nun ay pinabendisyunan nila mama ang bahay.

  Naging normal naman ang lahat hanggang sa naging binata na ako. 23 years old na ako katatapos lang sa kursong BSCE o Bachelor of Science in Civil Engineering. Dahil masaya kami ay nagkayayaan kaming magtotropa, sina Ryan, Joseph,Angel,Jane at Christine na mga kaklase ko rin noon. Dahil nga nagiging indepent nako, hindi ko na kasama sila mama sa pagbabakasyon, naiwan sila mama at papa sa bahay habang kami ay nagbakasyon sa Boracay. Gustong gusto nilang makapunta roon, ako naman ay gustong malinawan dahil Hindi naalis sa isip ko ang nangyari noon. Nakarating nmn kami sa pupuntahan namin, pero nagsuggest ako ng isang resort kung saan kmi pde magstay. Yung resort malapit sa bahay nila lolo. Abandunado na ang bahay ni lolo dahil iniwan na nila ito kasama ng mga pinsan ko at nakatira sila ngayon sa Valenzuela kung saan nakatira ang Asawa ni tita Lea.

  Pumayag naman sila sa alok ko at mas mababa rin ng babayaran namin doon dahil hindi nmn ito masyado kilala. Inabutan na rin kami ng dilim sa daan. Habang nasa Daan kami ay natanaw ko ang gubat, at sabi ko "malapit na tayo" maya maya'y lumamig pa lalo ang hangin na parang may kakaiba ngunit di namin pinansin. Pagdating ay nag ayos na kami, dalawang kwarto lng ang kinuha namin, isa para sa mga babae at isa para samin. Maayos naman yung kwarto at yung bintana ay nakatapat sa gubat kaya naisip kong tingnan ulit yung gubat tulad ng ginawa ko dati. Ngunit walang kakaibang bagay na nangyari o nakita ko kaya di ko na pinansin. Kinabukasan ag nagswimming kami at nagpakasaya buong maghapon at naglagay din kami ng bonfire sa gitna nung magagabi na. Doon ay bumuo kami ng bilog at nagsimulang mag usap usap. Nabanggit ko rin ang nangyari noon pero tinawanan lng nila ako.

Angel:Sus tinatakot mo lng kami purket nanggaling kana dito dati hahahah.
Ryan:Oo nga hahahah, gusto mo pumunta ako ngayon sa gubat na yan, hanapin ko pa yung bahay niyo sa kabilang dulo.
Andrei:Bahala kayo khng ayaw niyoko paniwalaan, basta binalaan ko kayo
Jane:2020 na Andrei. Naniniwala ka pa rin ba sa mga ganyan?

Pinagtawanan lamang nila ang babala ni Andrei pero hindi naman niya ito dinibdib at inisip nalang din niya na baka nga dahil bata pa siya noon at imahinasyon niya lang ang lahat.

  Kalaunan ay pumasok na sila sa kwarto at natulog na rin. Muling nagpakita sa panaginip ni Andrei ang matandang babae na walang mukha at sinabing"Malapit na tayong magkasama apo".Biglang nagising si Andrei, ginigising pala siya ni Joseph.

Joseph:Andy! Gising!
Andrei:bakit ba?

pagtingin niya sa oras ay hatinggabi palang 12:43am

Andrei:hatinggabi nanggigising ka ano ba yun?
Joseph: Si Ryan nawawala.
Andre:ha? Baka naman nagcr lang o ano
Joseph:Hindi walang tao sa CR, pero tingnan mo yung bintana bukas na bukas

Biglang napatayo si Andrei at naalimpungatan.
Nakita niya ang ilaw sa gubat na tila ba kapareho ng nakita niya noong siya ay walong taon palang siya, pero iba yung ngayon dahil mas malinaw niyang nakikita, ang kaibigan niya ang may hawak ng flashlight at tila ba tatawid sa gubat tulad ng sabi niya. Dali daling bumangon si Andrei sinundang ang kaibigan.
"Seph jan kalang bantayan mo sila Angel, susundan ko lang si Ryan." Sabi niya bago kumaripas ng takbo dala ang isang flashlight at isang punyal na binigay ng kaniyang lolo.

Ryan's POV

  Hindi ko alam bakit ako nagpunta sa gubat nato pero natauhan lang ako nang makarating nako sa gitna ng gubat kaya tumuloy nalang ako dahil nakita ko ang liwanag sa isang bahay. Lumapit ako sa bahay. Tingin ko ito na yung bahay nila Adrei, pero bakit may liwanag at tila may nakatira pa. Nagtaka ako pero naisip ki na baka may ibang tumira dito kaya may liwanag. Kumatok na ako at may sumagot naman.

Ryan:Tao po.... Tao po.
Vergillio:Sino yan
Ryan:Ako po si Ryan
Vergillio:ha?
Ryan:Ryan po, ako po si Ryan

  Biglang nawala ang liwanag sa loob ng bahay at nakita ko ang papa at mama ni Andrei na nakangisi at bigla nalang akong tinali, maya maya ay nakita ko rin si Andrei na tila takang taka. Maya maya ay nakita ko ang itak unti unting nilalapit sa leeg ko, narinig ko pa ang sabi nila kay Andrei na "Anak ito na ang hapunan natin" napasigaw na lang ako sa tindi ng sakit hanggang nawalan ako ng malay.
 
   Pagtungtong pa lamang niya sa gubat ay ramdam niya na ang kakaibang hangin at mabigat na pakiramdam, unti unting tumayo ang balahibo niya ngunit hindi niya ininda ang takot para sa kaibigan. Tuloy sa paglakad si Andrei kahit nangingig pa hanggang sa nakarating sa kalagitnaan ng gubat, sinusundan niya lang ang ilaw ng flashlight mula sa kaibigan ngunit nawala ito kaya hindi niya alam kung nasaan na ito. Nagpasiya na siyang bumalik ngunit nakaririg siya ng isang malakas na sigaw na tila ba nakakaranas ng napakatinding sakit nagmumula sa kung nasaan ang bahay ng lolo niya noon kaya nagpatuloy siyang muli. Habang binabagtas ang masukal na daan na hindi niya sigurado kung saan patungo, may nakasalubong siyang isang lalaki na duguan at iika ika maglakad. Nanlaki ang mata at tumindig ang balahibo niya nang makita niya ang mukha ng lalaki, ang lalaki ay kamukhang kamukha niya at nung nagkaharap sila ay napakaripas na siya ng takbo naiwan na rin niya ang flashlight at ang punyal.Tumakbo pabalik sa resort si Andrei at nang makabalik ito ay tila ba naging abandunado ang resort, lumang luma na ang gusali at wlang liwanag maliban sa mga flashlight na nakabukas. Naroon ang mga kaibigan niya at naghihintay sa kaniya. Napag usapan nilang umalis muna roon ngunit wala na silang masakyan dahil gabing gabi na nga ito. Walang silang magawa kundi magpalipas ng gabi doon sa resort pero hindi na sila pumasok sa mga kwarto nila, nagbukas sila ng tent at nagpaapoy para may liwanag. Sinubukan din nilang tumawag ng tulong ngunit walang signal at walang malapit na kabahayan. Kaya nagsalitan silang matulog, may dalawang maiiwan na gising kada 2 oras ay nagpapalitan. Kinaumagahan ay nagpunta sila sa pulis upang humingi ng tulong sa nawawala nilang kasama ngunit pinagtawan lamang sila ng mga ito dahil sa kwento nila at hindi pinaniwalan. Hindi na nila malaman ang gagawin pero gusto na nilang umuwi para makalayo sa lugar. Nang makauwi sila ay agad nilang kinausap ang magulang ni Ryan.

Andrei:Tita Sorry po tlga di ko po alam gagawin ko hindi ko po alam kung nasaan si Ryan
Luz(Ryan's mom): Ha? Sinong Ryan?
(Napaisip bigla si Luz dahil pamilyar ang pangalan ngunit di niya maalala)
Andrei: Tita si Ryan po yung anak niyo.
Luz:wala naman akong anak na lalaki ah. (Naguguluhan ngunit mariing sagot niya)

Andrei's POV

   Bakit ganito, anong nangyayari? Bakit ganto? Kasalanan ko to eh, kundi ko sana sinuggest sa kanila yun hindi naman to mangyayari.
  
   Umuwi at nagpahinga muna ako, di ko namalayan na nakatulog ako mula alas tres ng hapon. Nagising lang ako nang mapanaginipan ko ulit ang yung babaeng walang mukha ngunit kasama niya na ngayon ai Ryan. Humihingi ng tulong si Rya, nagmamakaawa siya pero nakangiti siya at mukhang okay lng nmn. Napasigaw ako at ginising nman nila mama.

Lydia:Anong nangyayari sayo, sabi ni mareng Luz umiiyak ka daw kanina at nagsosorry sa kaniya. Sino ba si Ryan at ano ba ang nangyayari sayo anak?
Andrei: Ma, meron kabang kilala na nawala sa gubat sa malapit sa bahay ni lolo?(nanginginig at maluha luhang tanong niya)

Napaisip bigla si Lydia tungkol sa nanay niya naisipan nilang bumalik sa Boracay kasama ng isang paranormal expert at ilang mga albularyo doon sa bahay nila dati, sumama rin ang mga kaibigan ni Andrei dahil gusto rin nilang makatulong.

"Sumama ka na"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon