Ang Mamamatay Tao

5 1 0
                                    

  Pagdating sa lugar ay agad na nakaramdam sila ng kakaiba, tila ba tinataboy sila at ayaw patuluyin ngunit nanatili silang matatag. Nang makarating sa abandunadong resort ay doon sila naghintay ng gabi habang naghahanda ang mga albularyo at paranormal experts na kasama nila, nagsasagawa ang albularyo ng ritwal bilang proteksiyon samantalang kinakausap ng paranormal expert ang mga ligaw na kaluluwa na naroon sa lugar. Pagsapit ng dilim, kataka taka ang biglang pagtahimik ng lugar. Ang hampas ng tubig sa dalampasigan, ang malakas na hangin at ang huni ng mga kuliglig ay naglaho. Walang kahit na anong bagay ang kanilang naririnig maliban sa kanilang sariling mga hininga. Nakaramdam ng takot ang lahat at tumindig ang balahibo ng biglang may marinig silang ingay na tila ba may fiesta sa gita ng gubat. Hindi gaanong malakas ang tunog kaya't hindi nila matukoy kung talaga nga bang may naririnig silang fiesta. Habang nakikinig sila ay may narinig silang mga yapak na tila ay may parating at palapit ito nang palapit at nang tingnan nila ay wala namang tao. Nakarinig sila ng malakas na sigaw ng tao mula sa malayo ngunit nawala rin ito agad. Maya maya pa ay bumulagta ang isa sa mga albularyong tumutulong da kanila at nakita si Andrei na nakangi at puno ng dugo ang kamay, hawang ang isang matalas na kutsilyo.

Andrei's POV

   Hindi ko alam kung nasaan ako, bigla nalang akong nawalan ng malay at paggising ko nakita ko sila mama at ang nawawala kong kaibigan na si Ryan Naroon si Lola at ang iba ko pang mga kaibigan, kasama ng mga albularyo at ang paranormal expert na kasama namin. Narito kami sa dating bahay ni Lolo, pero mukhang bagong bago pa rin ito. Hindi ba dapat ay sira na ito dahil iniwan na nila lolo ito mula nung walong taon ako. Kakaiba ang pakiramdam ko, iba rin ang kilos nila. Maya maya pa, nakita ko si rayan na nakatali habang si papa ay may hawak na itak. Unti unting hiniwa ni papa ang leeg ni Ryan kaya napahiyaw ito sa sakit. Sabi ni mama yun daw ang hapunan namin. Tumindig ang balahibo ko at hindi na nag isip, tumakbo ako agad palayo sa bahay. Wala akong ibang choice kundi sa gubat dumaan, ang daming matutulis na tinik na naapakan ko at yung iba ay sa mukha ko tumatama kaya duguan ako ngunit hindi ko ito ininda dahil hinabol pa ako ni papa at ni lolo, ibinato sakin ang itak na tumama sa paa ko. Ang sakit, nahiwa ang kaliwang paa ko, ang laki ng sugat. Nakapagtago ako at hindi nila ako nakita. Gusto kong sumigaw ng malakas pero ayaw kong mahuli nila. Bakit ganto? Anong nangyari sa kanila? Kahit iika-ika au nagpatuloy ako sa pagtawid aa gubat para makarating sa resort kung saan naroon dapat sila mama. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong ako. Natulala na lamang ako at hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. Nakita ko ang sarili ko, pero sa pagkakataong ito saka ko lang napagtanto na ako rin pala yung tinakbuhan ko noon at kinatakutan ko. Naiwan yung flashlight at isang punyal na nakatulong sakin para makita ko ng maayos ang daanan, umaasa akong pagtawid ko ay makikita ko sila mama at mga kasama ko. Pagdating ko ay nakita ko silang nakatalikod, tila ba nagsasagawa ng ritwal at nakita kong nakangisi silang lahat sa akin katulad ng ngisi nila habang kinakatay si Ryan. Nang makita ko ito ay nagdilim ang paningin ko at nawala ang takot. Isa isa ko silang pinagsasaksak ng punyal na hawak ko. Pagkatapos ay narinig ko si Mama. At natauhan na rin ako."Anak bakit?" Naghihingalong sabi ni mama at unti unti na rin akong nawalan ng lakas at tumumba, ramdam ko ang pagkamanhid dahil sa mga dugong nawala sakin. Nararamdaman kong malapit na kaming magsama sama kaya ngumiti nalang ako hanggang sa mawalan ng malay.

  Nagising ako at puro puti ang nasa paligid kaya sinapo ko ang mata ko at tiningnang maigi ang paligid. Hindi ko maigalaw ang paa ko, nasa Hospital pala ako. Agad akong nagsalita para mapansin nila agad ngunit tila ba walang mailabas na boses ang bibig ko. Pero nakita ng isang nurse ang pag galaw ko kaya agad siyang lumapit at tiningnan ang kalagayan ko. Hindi ko pa kayang magsalita at sinabihan akong wag komg pilitin ang sarili. Dalawang buwan na akong nagpapagaling ngunit di ko pa rin alam bakit hindi pa rin ako makapagsalita at makalakad. Isang araw kinuha ako ng isang nurse na nakamask ngunit pamilyar sakin ang mukha. Dinala niya ako sa labas at inikot namin ang lugar, nakita ko ng isang doktor na tila kamukha ni papa at ang ibang mga nurse na kamukha nmn ng mga kaibigan ko. Sila ba yun? Paano? Hindi nmn sila kumuha ng kahit anong kurso na konektado sa pagiging doktor o anumang health worker. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita silang nakangisi sakin at lumapit. Nagsisigaw ako at nagpumiglas, pinakalma ako ng nurse na kamukha ni mama at unti unting luminaw ang paningin ko, hindi si mama ang nurse at hindi rin si papa ang doktor, wala ni isa sa kanila ang naroon kaya nagtanong ako kung nasaan ang mga kasama ko. "Wala na sila, hindi na ibabutang buhay pa, ikaw lang ang nakaligtas" sabi sakin ng nurse at bumulong pa "naniniguro kaba na napatay mo silang lahat?" Sumakit ang ulo ko kaya nagrequest ako na ibalik sa kwarto upang matulog. Pagpikit ng mata ko ay napanaginipan ko ulit ang babaeng walang mukha, ngunit sa pagkakataong ito ay nakita ko na ang mukha niya, ang babae ay walang iba kundi si lola, kasama niya Sila mama, papa, mga kaibigan ko at ang mga nakasama naming mga albularyo at paranormal expert at sabay sabay nilang sinabing "sumama kana samin, masarap ang mga pagkain dito." nakita ko ang ulo ni Ryan sa lamesa at ang pagkaing nakahain na puno ng matatabang karne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Sumama ka na"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon