Chapter 4:Raphael Warren Davis

1.9K 77 12
                                    

Raphael on the side ======>

---------------------------------------------------------------------------------------------

~~~7 am~~~

Cassandra's POV

Kinusut-kusot ko ang mga mata ko at pagdilat ko... 

"AAHHHHHHHHH!!!!!!" napasigaw ako ng di oras.

May kumatok agad ng ilang beses sa pintuan ko.

"Ma'am? Okay lang po ba kayo??" boses ng isang katulong mula sa labas. 

".A..Ah... O..okay lang ako.." 

Pero yung mannequin kasi.. yung mukha niya agad ang nakita ko habang nasa gilid siya ng kama ko nakaupo. Nasobrahan lang siguro ako sa alak kagabi pero teka nga din... nasa boutique ako ah?? Paano ako napunta dito?? 

"Paanong.. hindi.. hindi nga ito totoo. This is all a dream. Tama tama.." pagkukumbinsi ko sa sarili ko at humiga tsaka pumikit ulit. 

....

.........

...............

.........................

......................................

Okay sabi na nga ba panaginip lang. Wala na. 

Kaso may biglang kumulbit sa braso ko. 

"Hey."

Dahan-dahan akong dumilat at lumingon ulit sa gilid. Nandun pa rin siya!

"KYAAAHHHHH!!!!!" I shouted once more kaya napatakip siya sa dalawang tenga niya.

"Shh!" 



Third Person's POV

Hahawakan sana ng mannequin si Cassandra para pakalmahin ito pero umalis naman si Cassandra sa kama niya at pumunta sa pinakasulok ng kwarto niya sa gilid.

"Hu..huwag na wag kang lalapit! Isusumpa kita!" sabi nito na puno ng kaba at naka form pa ng cross ang dalawang hintuturo.

"Hey! I'm not a ghost. I  swear." naka-pout na sambit ng mannequin na ngayon ay tao na kaya napatitig si Cassandra sa kanya.

Ang kinis ng mukha, may pagka singkit yung mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Napaisip siya bigla. Ang gwapo ng nilalang na nasa harapan niya.

"B..Bakit ka naging t..tao?" nauutal na tanong ni Cassandra sa lalaki habang pilit pinapakalma ang sarili. Umupo ulit ito sa dulo ng kama.

"Naalala mo yung note na nakadikit sa dibdib ko? It says, 'Not a dummy, must take care, a teardrop will repair' It means, mabubuhay ako kung mapatakan ako ng luha. I didn't know that Master Z would send me to you." simpleng paliwanag ng lalaki.

"Wh..Who's Master Z?"

"My creator." nakangiting sagot niya na siyang paglitaw ng dalawang malalalim na dimples sa pisngi nito.

"Isosoli ba kita sa kanya? Saan siya nakatira? Teka, since sa England ako nag-order, taga dun ka rin diba? Sige, magpapa-book na ako ng flight----"

"Hep! no, no no. My master wouldn't send me here for no reason. You might be lonely? If so, I'll accompany you. Don't worry, I won't stay forever."

"Teka, naguguluhan ako sayo. Kailan ka naman aalis o mawawala?"

"Depende kay Master but for now, I'll stay here with you. Alright?" 

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Cassandra sa sinabi nito. 

"Eh ano nalang ang sasabihin ko sa mga kaibigan ko, nina yaya, ang parents ko? Na isa kang mannequin na naging tao, ganun? For sure, di ako paniniwalaan."

"I don't know. Hey, I'm hungry." sabay himas nito sa tiyan niya.

"Kumakain ka?"

"Of course."


Cassandra's POV

Halaa. Totoo ba talaga to??? Grabe ah, hindi ako makapaniwala! Pero ano pa bang magagawa ko? Alangan namang palayasin ko to ng basta basta? Baka ma rape pa to eh, gwapo pa naman at mukhang ang inosente kasi ang amo ng mukha.

Haayyy. Bahala na nga.

"Sige, dito ka lang. Kukuha akong pagkain. Huwag kang magpapasok ng iba."

"Okay! Hehehe."

Pansin ko lang, englishero ang mannequin na yun. Pansin niyo rin siguro noh?

Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng pang breakfast.

"Oh neng, magandang umaga." bati sakin ni Nay Lucia.

"Magandang umaga rin Nay."

"Dun ka sa taas kakain? Tinawag mo nalang sana ako." tapos napatingin siya sa tray na hawak ko. Parang pang-dalawang tao sa dami ng pagkain.

"Ba't ang dami ata Ineng?"

"Ah.. kasi nay... gutom na gutom ako! Sige, akyat muna ako sa taas." palusot ko at bumalik na sa kwarto ko.

Nilapag ko yung tray sa lamesa ko sa kwarto.

"Eto."

"Thanks." he smiled. Palagi rin siyang nakangiti pero bagay na bagay naman.

Kinuha ko na yung kutsara't tinidor ko. Hiniwa ko narin yung pork.  Kumain na ako at napansin kong nakatingin lang sakin yung mannequin.

"Oh?"

"How do you use that?" he asked with an innocent face.

Owkaayy?

"Di mo alam?"

Umiling lang siya na parang bata. Naku. Hiniwa ko yung pork steak niya.

"Ganito lang yan." tapos pinasunod ko siya sakin kung paano gamitin ang kutsara't tinidor.

"Oohhh." sabi niya ng na gets na at nagsimulang kumain.



***

"Psst."

"Yes?"

"What's your name?"

"I don't know."

"Wala kang pangalan?"

He just shrugged his shoulders.  E di papangalanan ko siya. Hmm.. ano kaya. Matagal-tagal akong nanahimik para mapag-isip hanggang sa...

"How bout... Raphael Warren??" sabi ko.

"That's a nice name!" he said with a thumbs up.

Okay. So now.. since galing siya sa england, ang last name niya ay.......... Davis.

"Okay. From now on, you are Raphael Warren Davis."

"Got it!"


Nginitian ko rin siya pabalik. He ain't that bad after all.


to be continued....

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Sooo how's the update? ^O^

Comment naman kayo dyan o kaya vote! :D

tnx for reading!

-Claire Montecino

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now