Chapter 14: The Talk

927 42 5
                                    

FLASHBACK...

BLABLABLAH WAHAHAA NATAMAD AKO BASTA ALAM NIYO NA YEEENNN XDDD


CONTINUATION...

"What if I kiss you right now?" 



Cassandra's POV

"H..h..ha..???" nanlalaking mga mata na tanong ko. I swear I'm not breathing right now and my cheeks are somehow burning. Ang seryoso ng mukha niya!

After a while of silence, still holding my breath.. he grinned wide. 



"Kidding!" Isang salitang sabi niya bago dumistansya ng konti sakin at tumawa. Dun ako parang nakabuga ng isang baldeng hangin. Exage I know pero 'yun talaga ang naramdaman ko pero may iba ba. Disappointed?? Oh no of course not. Bakit naman??

"Adik ka Raph! Hindi magandang biro 'yun!!" singhal ko sa kanya pero nakatawa pa rin siya at dahil nakakahawa kasi ang ganda pakinggan sa tenga, natawa lang rin ako ng mahina.

"Yes it is! I I swear I had that expression on your face imprinted in my mind. Clearly. Hahaha!" 

"Hmph! Diyan ka na nga!"

"Ui Cassie! Galit ka na niyan?" nasa gilid ko na siya ngayon habang papasok kami sa loob ng bahay.

"Hindi." Sagot ko kasi hindi naman talaga pero kasi, pero ano nga ba? Kasi nga sinong hindi maano dun sa ginawa niya? Maano? Aish! Ang gulo ko!

"Cassie? Okay ka na? What's on the next list?"

Hindi ko na nga iisipin 'yun. Magpapatuloy na lang muna kami sa Lesson 101 namin.


Third Person's POV

Sa araw na iyon, natutunan ni Raphael kung paano gumamit ng iba't ibang gadgets at binigyan na rin ito ni Cassandra ng isang cellphone para naman may magamit si Raph kung sakali. Sunod ay nanood sila ng iilang movies kung saan mas maiintindihan ni Rap hang mundo ng mga tao. Ang pakikihalubilo, pagta-trabaho, pagiging malungkot, at kahit ang pagiging sawi sa pag-ibig.

"Kawawa naman siya Cassie. Bakit pa kasi namatay 'yung lalaki nuh?" seryosong komento ni Raph na nakatukoy sa lalaki. Ngayon ay kasalukuyan ng pinapakita kung paano nasira ang buhay ng babae dahil sa pagkamatay ng kabiyak nito dulot ng cancer.

"Sa tingin ko mas kawawa 'yung babae. At least 'yung lalaki, wala na siyang sakit na mararamdaman at kontento na siya sa nagging buhay niya tapos nasa heaven na rin siya. Eh yung babae? Naiwan sa lupa. Devastated. Basag ang puso kasi ganun niya kamahal ang lalaki."

Tumango-tango si Raphael at biglang binigyan ng malungkot na tingin si Cassandra. Bigla kasing may sumagip sa isip niya.

"Bakit Raph? Is there something wrong??" nagtatakang tanong ni Cassandra.

Umiling ito at ngumiti. "Nothing."

Nagdalawang isip si Cassandra kung magtatanong pa siya pero hindi na niya lang ginawa at nagpatuloy na sila sa panunuod.



***

The next day...

Pagkatapos talagang kumain, dumiretso sila sa garahe kasama ang isang Driving Instructor dahil patuturuan ni Cassandra si Raphael kung paano magmaneho ng kotse. Kalahating araw talaga ang lumipas bago sila pumunta sa mataong lugar para makapag-drive si Raphael.

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now