Chapter Eight - *Happy Valentines Day :*

78 7 1
                                    

Xyla's POV

Ang bilis ng panahon >_< February 13 na ngayon. 

6 months na kami ni Tristan, bukas mag seseven months na. Nung mga nakaraang buwan, ganun pa din siya sa akin, sobrang sweet tsaka simula nung nanggaling sila sa HongKong gusto niya araw-araw, minu-minuto kami magkasama. Hangga't maari ayaw niyang mahiwalay sa akin.

Nung Last Christmas, dun sila sa bahay namin nag celebrate kasama parents niya. Niregaluhan niya ako ng Teddy Bear na pag pinindot mo maririnig mo ung boses na sinasabi "I love you Cassy." Hahha corny pero ang sweet.

Ako naman I gave him a simple mug na may pictures naming dalawa. Wala na akong maisip na ibigay eh. Nasa kanya na naman lahat.

Kahit nung New Year magkasama padin kaming nag celebrate.

Kung hindi lang talaga namin mahal ang isa't-isa baka nagkasawaan na kami. Hahaha joke lang.

7th Monthsary na namin bukas tas Valentines Day pa. Eto nanaman ako nahihirapan mag-isip ng ireregalo >____<

"Huyyy!!" 

"Ayy palakang bakla" Nagulat ako ng mula sa likod ko ay sumulpot si Tsuna classmate din namin siya.

"Palakang Bakla ka jan? Sa gwapo kong ito?? Ang mean mo naman Xyla! =_="

"Hahahaha joke lang. Eto naman! Bakit ka ba kasi nanggugulat ha Tsuna??"

Ayan tuloy nasabihan kitang palakang bakla. Huwahahahha

"Eh bakit naman kasi ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sa akin.

"Eh kasi si Tristan ehh."

"Oh anong nangyari sa kanya?? Dahil ba sa di kayo magkasama ngayon?? Hahahaha dahil ba napaghiwalay ang laging magksamang couple?" *PAK!* Sabay sapok ko sa kanya. adik to ah!

"Aray ko naman :3 bakit ka nananapok??"

"Ikaw kasi mapang-asar eh." namomobrelama na nga ako =_-

"Joke lang naman. Ano ba kasing problema mo kay Tristan? Eh nagppractice lang naman sila ng basketball." 

"Oh hihirit ka pa eh! Hindi yun ung pinoproblema ko."

"Eh ano nga?? Patagal kasi eh.."

"Excited much?? Eh kasi eh, 7th monthsary na namin bukas tapos valentines day pa."

"Oh? Eh ano ngayon.?!" *POK*

"Aray naman Xyla >____< Nakakarami ka na ha!! Eh ano ngayong problema mo kay Tristan kung 7th monthsary niyo nga bukas? 

"Naloloka na ako mag-isip kung ano ireregalo ko sa kanya! Ang hirap kaya mag-isip >__< lahat na kasi nasakanya eh."

"Hahahahahahhahahahah" Hala?? Anyare dito??

"Huy!! Ano nakakatawa??" naiinis na ako ah. haha

"Eh kasi naman ang babaw ng problema mo eh."

"Ang babaw ka jan. Bakit ikaw may naiisip ka bang magandang iregalo??"

"WALA =_=" 

"Wow!! Makatawa naman kala ko pa naman may magandang suggestion. Jan ka na nga! Humanap ka ng kausap mo!"

"Hahaahahah" tawa pa rin siya ng tawa. Mapuntahan na nga lang sila Shaine. Nasa photography club yung mga yun for sure. Tapos na kasi ung klase eh. Tinatamad naman ako umuwi. Kailangan ko ng makabili ng gift for Tristan.

July RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon