Chapter Thirteen - *Kidnapping

65 5 6
                                    

[CrazyLittleWriter : Hi readers ^_^ Kung ano man po mababasa niyo dito pagpasensyahan niyo na ha?? Bangag po kasi ang author niyo nung ginagawa ko ito. Hahaha. Yun lngs]

Xyla's POV

After 5 hours, nakarating din kami sa baguio. Haba ng biyahe pero ayos lang, kasama ko naman si Tristan e.

Teka asan nga ba kami?? Teka.. Don't tell me.. >:D

Yah! Tristan thank you for bringing me here ^_________^ Yea anlawak ng smile ko. Nandito kasi kami ngayon sa isa sa pinakapaborito kong puntahan sa baguio.

Ang STRAWBERRY FARM *O* Yaaaah. Favorite ko talaga yung strawberries dito e. Tulala parin ako sa kinatatayuan namin. Hahah sobrang saya ko :DDD

"So, shall we go?" - Tristan

ayy oo nga. hahah

"Sige :D"

Pumasok na kami sa loob, at ano pa ba?? Pitasan time >:))

"Hey boss, di ka naman galit sa strawberry?? Baka mamaya niyan maubos mo lahat ng bunga ha :P Hahahah"

"E sa ngayon lng ulit ako makakakain nito e :)) Alam mo namang favorite ko to."

"Ohh" tas pagtingin ko kay Tristan sinubuan niya ako ng strawberry.

Yuuuuum ^_______________^

Haha kulitan lang kami habang namimitas, nakakatawa kasi siya e pati maliliit kinukuha. Naka ilang basket din kami tas nung nakuntento na ako sa nakuha namin, binayaran nanamin tas sumakay ult kami sa sasakyan.

Pumunta naman kami sa Burnham Park. Handaming pipol. Palibhasa matatapos na ang vacation, sinusulit na rin nila.

Hmm. Past forward na natin :)) Kasi napakahaba pa kung ikkwento ko mga nangyari dto. Tsaka d naman importante mga napag-usapan namin. Hahah baka kiligin pa kayo e >:P

At kung saan saan pa kami pumunta :)) Sobrang nag-enjoy ako, Di ko namalayan yung oras mag ggabi na pala.

Magkasama kami ngayon ni Tristan sa sasakyan, kararating lang namin sa last stop yata namin to?? Mukhang madilim sa paligid pero dun sa bandang unahan maliwanag naman.

Pagbaba namin ng sasakyan.. Huwaaa ang dilim na.

"Cassy una ka na maglakad, may nakalimutan ako sa sasakyan."

"Ahh. o-okay."

Anong ggwin ko?? Hangdilim e, di naman super pero natatakot talaga ako e.

Medyo malayo na ako sa sasakyan.

Tuloy lang ako sa paglakad ng biglang..

"Wag kang sisigaw. Sumama ka nalang sa amin."

Wala akong makita, tinakpan nila yung mata ko, pati yung bibig ko.Ano na mangyayari sa akin?? Tristan help T_______T asan ka na ba kasi, bat ang tagal mong sumunod??

Dahil natatakot ako sa mga taong kumidnap sakin, d na ako nakapalag. Sumunod nalang ako kung saan nila ako hatakin.

Teka ano to?? Nasa loob ba kami ng elevator?? bat may elevator?? Haaaa.. Asan ba kasi kami.

Mommy daddy kuya Tris !!!! Help !!!!! >_____________<

Bumukas na yung elevator tas naglakad na ulit sila at hinatak nnaman ako, tas sandali huminto na ulit sila at may narinig akong pintong bumukas.

Naglakad nnaman kami, tas tinulak nila ako kaya napaupo ako. WHEW! Buti may upuan.

Tas tinanggal na nila yung takip sa mata at bibig ko.

Blur pa yung paningin ko kaya kinusot ko muna ung mga mata ko. And I was shocked.

"Teka, asan ako?? Bakit niyo ako dinala dito?"  

sosyal na mga kidnappers, ang ganda ng pinagdalhan sa akin ahh. Parang hotel yata to.

Pero hndi sumagot yung mga kidnappers ko tapos. Tapos.

"Hey saan kayo pupunta?? Huyy?? Hello wag niyo akong iwan dito."

Mangiyak ngiyak na ako. Pero wala parin.

Tas may biglang pumasok na mga lalaking nakasuot ng puti tas may ribbon sa leeg. May dala dala silang mga pagkain.

"Kuya, asan po ba ako?? Yung mga kidnappers ko po?? Si Yung kasama ko?? Nasaan na siya??" Ano ba kasi talaga nangyayari sa akin?? Ang kulit kulit ko na ah.

"Ma'am kain na po muna kayo," Yun lng ang sinabi nila tapos lumabas na ulit.

Sobrang pagod na ako at gutom kaya kinain ko nalang ung pagkain nila. Bahala na kung may lason ito.

Pagkatapos kumain wala ng dumating. Nakalock sa labas ung pintuan. Wala akong magawa kahit sumigaw pa ako T.T

Pagtingin ko sa relo ko, 6pm palang. Pero bat parang ang dilim dilim na kanina?? Parang may mali e, ang alam ko kasi dapat may ilaw sa mga ganong lugar, ung lugar kung nasaan kami ni Tristan kanina.

Sumasakit na ung ulo ko kakaisip. Kaya nahiga nalang muna ako sa kama. 

Tristan :"(( asan ka na?? di ko din siya matawagan kinuha kasi ng mga kidnappers ko yung cellphone ko. Ano bang kailangan nila sa akin? Bakit dito nila ako dinala?? Hindi ba ako hinahanap ni Tristan??

Umiyak nalang ako ng umiyak habang nakahiga parin hanggang sa nakatulog ako.

"Miss. Miss. Gising na po."  nagising ako ng may marinig akong boses.

*blink blink*

Isang babae naman ung nakita ko sa harapan ko.

"Huwaaaa. Ate tulungan mo po ako, kinidnap po ako. Kailangan ko na po makita ung kasama ko. Please ate tulungan mo po ako." Ayan umiiyak nanaman ako T____T

"Sorry ma'am pero di ko po kayo pwedeng tulungan. Bumangon na po kayo."

"Bakit po?"

"Nandito po kami para ayusan kayo."

Haaaaa?? Ano daw?? O_O o_0 O_o

July RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon