8 1 0
                                    


SANA AKO RIN


Ako 'yong nandito, pero hanap mo siya
Ako 'yong kausap mo, pero isip mo siya
Ako 'yong hawak mo, pero nakatingin ka sa kaniya
Ako 'yong kasama mo, pero ang atensyon mo'y nasa kaniya

Pwede bang sa'kin ka lang?
Pwede bang ako na lang?
Pwede bang ako rin?
Pwede bang ako muna?

Nakangiti ka, kahit alam kong hindi ako ang dahilan
Hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mong kay tamis
Hindi ako ang dahilan ng lahat

Masaya tayo noon, pero ngayon?
Parang nag-iba ang ihip ng hangin
Panahon ka ba? Nagbabago bigla eh

Pinili mo siya kaysa sa'kin
Minahal mo siya kaysa sa'kin
Pinahalagahan mo siya kaysa sa'kin

Sana ako rin
Sana ako rin ang piliin mo
Sana ako rin ang mahalin mo
Sana ako rin ang pahalagahan mo
Ang mga salitang ito ay nagsimula sa salitang Sana ako rin
na magtatapos sa salitang Sige, Siya na lang

Poem For A PoetWhere stories live. Discover now