Spoken Poetry

6 0 0
                                    

Sabi nila masaya raw kapag nasa tamang tao ka
Oo, sobrang saya ko dahil kapiling kita
Mga plano nating akala natin ay matutupad na
Ngunit mapaglaro ang tadhana
Ibinigay ka pero babawiin rin pala

Sa tuwing tayo'y nagsasama ay lumiliwanag ang mundo
Isang planeta ngunit ikaw ang mundo ko
Kompleto ang araw ko sa tuwing ika'y nakikita
Ako'y sumasaya kahit may problema

Ngunit bakit ganoon, sobrang bilis
Dahil sa sobrang bilis ay 'di ko na namalayan na
naging mabilis din tayong natapos
Isang bagyong sumira sa relasyon at tumapos

Sabi nila, ang ulan bubuhos 'yan kung kailan niya gusto
At aalis din 'yan kung kailan niya gusto
Siguro nga ay ganoon ka
Mamahalin mo ako at iiwan mo kung kailan mo gusto

Ngunit bakit ngayon ay parang nagsasawa ka na
Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan
Ako pa ba ang minahal mo?
O minahal mo nga ba ako?

Iniwan mo ba ako para sa kaniya?
Iniwan mo ba ako dahil sa kaniya?
Iniwan mo ba ako dahil siya na?
O iniwan mo ba ako dahil sawa ka na?

Sa mga tanong kong 'yan ay ni isa ay walang sagot
Mahirap bang sagutin?
Oo at hindi lang naman
Gaano ba kahirap 'yon?

Oo, tanggap kong wala nang tayo
Tanggap kong tapos na tayo
Pero ang hindi ko matanggap
Ay bakit ganoon kabilis?

Covid ka ba? Mabilis kumalat at lumala?
Pero wait, anong connect?
Covid ka, alam mo kung bakit? Dahil kaunting dikit lang niya ay nakuha ka na
Kung dumikit kaya ako sa'yo? Makukuha rin ba kita?

Siyempre hindi, 'di ba?
Pero bakit nga ba ako nagkakaganito?
Gusto mo bang malaman?
Sandali, ikukuwento ko


Naiinis ako sa sarili ko dahil mahal pa rin kita
Nakakatawa 'no? Naka-move on ka na pero ako, hindi pa
May bago ka na, pero ako, wala e, ikaw pa rin
Masaya ka na, sana nga gano'n din ako


Pasensya na, ha? Mahal pa rin kita e
Pasensya na kung ikaw pa rin talaga
Ngunit huwag kang mag-alala dahil alam kong darating din ang araw na makakalimutan din kita


Ngunit sa paglimot ko sa iyo ay araw-araw kong babalikan ang ating ala-ala sa isa't isa
Dahil hindi ko makakalimutang minahal mo ako
Hindi ko makakalimutang nakilala mo ako
At hindi ko makakalimutang tayo'y pinagtagpo ngunit hindi tinadhana

Poem For A PoetWhere stories live. Discover now