NAGBAGO
Ang lapis noon, ballpen na ngayon
Ang papel noon, notebook na ngayon
Ang tsinelas noon, sapatos na ngayon
Ang akin noon, sa'yo na ngayonAng dating mahal ako, mahal ka na ngayon
Nagbago, nagbago ang lahat nang dumating siya
Siguro nga ganoon talaga, sabi nga ng iba,
" Everyone Change "Nagbago ka, ngunit wala akong magawa kundi tanggapin
Tanggapin na hindi talaga tayo para sa isat isa
Masakit man pero kakayanin
Kakayaning panoorin kang masaya sa kaniya
Habang sa akin ay wala ka nang gana