chapter 13

217 2 0
                                    

Chapter 13


"ms.Nadine!" napalingon ako sa tumatawag sa akin, pagkatingin ko yung staff pala naming yung tumatawag sa akin


"oh bakit ?" ang usisa ko mukha kasing hinihingal sya


"ms. Nadine pinapasabi po kasi ni direk na hanapin nyo daw po si sir James, hindi daw po kasi sya mahagilap ni direk eh"


"ah ganun ba .. cge wag kang mag alala hahanapin ko agad sya"ang sabi ko kaya dali daling umalis na yung staff


"Pinapahirapan talaga ni direk .. ang laki talaga ng galit sa akin nun" ang sabi ko sa sarili ko


Napakalaki talaga ng building na ito san ko naman kaya hahanapin yung taong yun..


Kung saan saan ako nagpupunta para lang mahanap yung taong yun yari na naman ako kay direk pag di ko nagawa yung pinag uutos nya.


Tapos napunta ako dun sa bandang office ng chairman baka sakaling nagawi sya doon kaya lakad dito lakad doon maya maya ay parang nakarinig ako ng boses at parang boses ni James yung naririnig ko..kaya medyo lumapit ako ng kaunti sa pinto ng chairman

"anu ba James wala ka na bang ginawang tama.. anu tong naririnig ko na pati director sa set inaaway mo dahil sa babae huh! Lagi mo nalang akong pinapahiya! Paano ko ipapamana itong kompanya na ito kung pati ikaw hindi ka marunong makisama sa mga nasa paligid mo!"


"tito.. sumosobra na kasi yung director nay un.. lagi nyang pinag iinitan si Nadine porket alam nyang bago lang ito at walang kalaban laban.." napakagat nalang ako ng labi sa narinig ko dahil sa akin pinapagalitan tuloy si James ni Chairman


"kahit anu pang sabihin mo hindi ps din tamang sagot sagutin mo ang direk mo.. bakit gumaganti ka padin bas a akin dahil sa ex girlfriend mo?!"


"tito ayoko na pong pag usapan pa yan.. "


"James pinalaki kita ng maayos hindi para mabaliw sa isang babaeng walang kwenta..sa isang babaeng walang maidudulot na maganda sayo..hanggang nagyon ba ginagawa mo pa din ito para makaganti sa akin huh? James hindi ka talaga minahal ng babaeng yun.. binigyan ko lang sya ng kaunting opportunity sinunggaban nya agad at iniwan ka! Wala syang kwenta! " bigla tuloy akong kinabahan kasi masyado ng seryoso yung pag uusap nila


"tama na tito! Ayoko ng maalala kung paano nyo sinira ang buhay ko! hindi naman talaga sana sya aalis eh! sigurado ako dun! Peroi inakit nyo sya ng mga pangarap nya kaya iniwan nya ako! Ganyan din naman ang ginawa nyo kay mommy di ba? Kaya kami iniwan ni mommy dahil inakit nyo din sya ng pera nyo para layuan kami ni daddy! Kaya namatay si daddy! Iniwan kami ni mommy dahil binigyan nyo sya ng opportunity! Bkit tito! Bakit nyo ginagawa sa amin ito! Bakit nyo sinisira ang buhay namin " tapos biglang bumukas yung pinto at nagulat ako at halatang nagulat din sya dhil nandun ako kaya bigla nyang hinawakan yung kamay ko at bigla akong hinila


Tapos dinala nya ako sa may fire exit at hinila nya ako paakyat


"anu bang ginagawa mo dun huh? Bakit ka nakikinig ng usapan ng may usapan" ang sabi nya hang tuloy tuloy padin yung pangangaladkad nya akin paakyat at nung nasa rooftop na kami


"aray"ang nasabi ko nalang ng bigla nyang bitaw at tulak sa akin grabe sadista talaga itong taong to


"magsalita ka! Bakit ka na kikinig sa usapan naming ni Chairman!"natatakot na tuloy ako sa reaksyon nya


"eh kasi pinapahanap ka ni direk eh.. eh narinig ko yung boses mo at chineck ko kung ikaw talaga yun.." ang sabi ko nalang


"totoo ba yang sinasabi mo!"ang sabi nya na medyo ikinalma naman nya


"oo.. kaya wag ka ng magalit" ang sabi ko


"sorry din kung nasigawan kita"


"ok lang yun medyo sanay na ako.. tara nab aka pagalitan na naman ako ni direk dahil di kita nadala dun hinahanap ka kasi nya at inutusan nya ako"ang sabi ko


"pinaglalaruan ka lang nun..alam nyang pinatawag ako ni chairman gusto ka lang nya mapahamak kaya hayaan mo sya" ang sabi nya


"grabe naman.. ang sama talaga nya! Lagi nya akong pinagtrritripan!"


"wag kang mag alala hindi kita pababayaan.. hanggat andito ako proprotektahan kita" ang sabi nya tapos parang biglang bumillis yung tibok ng puso ko anu ba itong nararamdaman ko..

To be continue..bbbbb

Loveteam (jadine ) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon