DANIEL'S P.O.V
"Hoy! Daniel! Wake up! Malelate na naman tayo! Buti sana kung hindi ka kasing bagal ng pagong kumilos." Sigaw ng bestfriend ko habang niyugyug ako. Daig pa ang World War II kung sumigaw.
"Mamaya pa..." Bulong ko naman, habang tinakpan ang gwapo kong mukha ng kumot (talaga naman eh. ;D).
"Hindi puwede. May flag ceremony pa naman ngayon." Sabi niya sabay hila ng kumot ko. "Dali na kasi. Kung hindi ka pa babangon..." Pangungulit niya.
"Sige nga anong gagawin mo? Hahalikan mo ba ako?" Pang-aasar ko naman habang nakasubsub ang mukha ko sa unan.
"EEEwwww! You? Hahalikan ko? NEVER!" Sagot naman niya sabay hampas sa akin ng unan.
"Aray ko naman! Hindi mo naman kailangang manghampas kung gusto mo ng kiss eh." Pang-aasar ko sa kanya sabay nguso. Bumangon na rin pala ako. Bale naka-indian sit ako ngayon habang siya nakapamewang. Daig pa ang kontrabida kung makataas ng kilay. Pero kahit ganyan yan kataray, lab na lab ko yan. Bestfriend ko ata simula pagkabata.
"Ew! Ewan ko sayo. Basta maligo ka na. Hintayin na lang kita sa baba." Sabi niya tapos walk-out. Mataray ba? Sakin lang, pag makulit ako. Ang bait-bait niyan, lalo na sa crush niya na si Quen, daig pa ang candy sa ka-sweetan. Naku! Ewan ko nga ba anong nakita niya sa Enrique na yun, eh MAS GWAPO naman ako. Oo nga pala BESTFRIEND ako eh. Ayoko naman na mas gwapo ang maging boypren niya kesa sakin diba?
Nang dahil sa pagdaldal ko. Tapos na pala akong maligo. Tapos na rin pala magbihis. Tingin muna sa salamin, huling ayos ng buhok. Ayos! Kinuha ko na yung bag ko tapos bumaba na ako. Nandun na siya, kumakain ng pancake habang nanunuod.
"Spongebob? Ilang taon ka na ba?" Pang-aasar ko sa kanya sabay tawa. Tinignan na lang ako ng masama. Ano kayang problema nito? SOBRANG SUNGIT niya ngayon.
"Ewan ko sayo. Just go eat, para makaalis na din tayo." Pagsusungit niya. Tumahimik na langako. Alangan namang asarin ko pa, mag-away pa kami nang wala sa oras. Monday pa naman, first day of classes.
Tahimik na lang akong pumunta sa kusina para kumain, may naka-ready na kasi akong breakfast. Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang parents ko, BUSY sila. May business trip, may real estate company kasi kami. Bale sa madaling salita pero hindi sa pagmamayabang, we're rich. Pati sila Emerald, may company rin, except it’s on hotels and restaurants.
Dahil na rin ulit sa pagdaldal ko, tapos na pala akong kumain.
"Let's go?" Aya ko sa kanya. Tumayo na siya tapos kinuha yung bag niya ng walang imik. Tapos nauna nang lumabas.
Ano kayang problema nito? Akala ko ba excited ng pumasok? Mga babae nga naman!
Sumunod na rin ako sa kanya. Alangan namang maiwan ako? Hehehehe.
"Manong tara na po." Sabi ko pagkasakay ko. Nandito kaming dalawa sa backseat. Magkatabi. Pero dedma lang siya, walang pansin. Nakatingin lang sa labas. Pati nga si manong nakakahalata eh, palipat-lipat yung tingin niya sa aming dalawa dun sa rearview mirror. Sanay na kasi silang maingay kami, nagkukulitan at nagtatawanan. Kausapin ko nga 'to mamaya.
Dahil na rin ulit sa pag-iisip ko, di ko namalayan na nandito na pala kami sa school at nakababa na rin si Emerald sa sasakyan. Hindi niya ako hinintay ngayon ah.
"Sige po manong. Thank you po." Nag-thank you muna ako kay Manong Driver, dahil sa isa akong mabait na tao. ;D
"Daniel, nag-away ba kayo ni Emerald?" Usisa ni Manong Driver. Sabi ko sa inyo eh, nakahalata na.
"Ah. Hindi po. Kahapon naman po okay lang naman kami eh." Pati nga ako nagtataka eh, kaya pagpasensyahan niyo na lang ako kung wala akong matinong sagot.
"Sige. Basta ayusin niyo yan. Sayang naman." Sagot ni Manong.
"Sige po." Tapos lumabas na ako. Alangan naman pumasok ako sa labas diba? Try niyo muna, tapos pag gumana gagawin ko rin. ;D
BINABASA MO ANG
PAANO NA KAYA
FanfictionPaano kung ma-inlove ka sa bestfriend mo at kung kailan balak mo ng magtapat ay sinabi niya sayo na inlove na ata siya. Kaya hindi mo na lang tinuloy. Pero ang hindi mo alam ay ikaw pala ang tinutukoy niya, pero ayaw niyang sabihin dahil ayaw niyang...