CHAPTER II

17 0 0
                                    

EMERALD'S P.O.V

"Emmmm!!!" Wow! Sino ba 'to? Kung makasigaw wagas? Pero familiar ang voice niya ah.

"Uy! Wait up naman girl!" Sabi na nga ba si Kiray 'to eh. Huminto na lang ako tapos lumingon. Alangan namang tumakbo ako? :D

"What's up?" I asked her nung nandun na siya sa tapat ko.

"Ang dami! There's a new student and take note boy daw. Galing U.S!" Sabi naman niya na super kilig. Tumawa na lang ako.

"Kilig much lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango na lang siya.

"Eh, malay mo gwapo tapos bakla naman pala or paano kong taken na aber?" Pangungulit ko sa kanya.

"If kung girlalu man ang heart niya, edi may addition na naman sa barkada. Malay mo single." Ganti naman niya. Bale naglalakad na pala kami ngayon papuntang classroom, para iwan lang 'tong mga bag and meet up with the barkada.

"Hi Kiray. Hi Em." Sabi ng isang gwapong boses mula sa likod namin. Hahahah! Joke lang. Pero familiar na naman. Hay naku! Ano ba kasing nangyari sakin, amnesia mode lang? Siyempre si Kiray talikod agad then greet the guy behind us. Tapos ako lumingon tapos nagpamewang. Hahahah! Bet ko 'to!

Gusto niyo malaman kung sino 'yun? Secret! Hahahaha! Joke lang! Si Quen lang naman. Ang gwapong crush ng bayan. XD

"Quueeenn!" Being me. I hugged him. Yep! I hugged him. Eh, sanay na ako eh. Pag barkada or someone close to me. Kaya Emmy Bear ang nickname ko eh.

"Miss me?" Tanong niya sabay tawa. Kumalas ako dun sa hug then hinampas ko siya sa arm. Feeling niya din noh? Pero infairness na-miss ko siya.

"Joke lang. Eto naman di na mabiro." Sabi niya sabay ayos ng polo niya. Haaayyy naku!

"Ewan ko sa'yo" Ganti ko sabay maldita mode. XD

"Ehem! I'm still here. Kung nakakaistorbo ako, puwede naman akong umalis if you want." Singit naman ni Kiray sa moment namin. Moment talaga? Hahahah!

"Grabe ka naman." Sasagot sana siya pero may tumawag sa kanyang student.

"Quen. Em. Una na ako ah may aasikasuhin lang ako. See 'ya later na lang ah. Enjoy."  Paalam niya sabay kindat. Nag-sigh na lang ako habang ung unggoy naman na katabi ko ay tumatawa.

(A/N:Unggoy talaga Em? XD)

(A/N: Author’s Note)

(Actually ang karamihan ng notes ay tungkol sa pag-singit ni Author sa story. XD)

"Halika na nga!" Sabi ko. Tapos hulaan niyo ang ginawa. He stole a kiss, in my cheeks of course.

"Uy! Ano ba! Chancing yan ah!" Sabi ko sabay hampas sa kanya ng mahina.

"Sabi mo halikan na. Eh ‘di I kissed you." Depensa niya. Hayy naku! Ang sarap talagang ipakain nito sa pating! Hahahah!! Joke lang at naku, malamang ako pa ang mapatay. Sa dinamidami ng admirers nito. Tumba ako! XD

"Sabi ko. HALIKA. NA" I said it emphasizing each word.

"Eh, linawan kasi minsan." Sabi niya sabay smirk.

"Bingi ka kasi. TARA NA nga!" Sabi ko na naka-emphasize 'ung TARA NA.

"Ayun! Mas malinaw." Tango niya sabay tawa. I sighed and shook my head while smiling.

“Let’s go!” sabi niya tapos kuha ng bag ko. Heheheh. Bait noh? Minsan lang yan, kaya lubus-lubusin na. XD

“How was your summer by the way?” He asked me habang naglalakad kami papunta ng classroom. Alangan namang gumapang? XD

“It was… Amazing.” Amazing nga, lalo namang gumugulo. Magulo kasi hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko.

“But?” Tanong niya. Actually alam ni Quen lahat. As in lahat and he’s also the one who’s helping me. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

“I don’t know Quen. Feel ko ang sama ko. Kasi it feels bad that I’m hiding something from my own best friend at feeling ko sobrang sama ko.” Iyon talaga ang nararamdaman ko. Kasi nag-promise kami noon ni D na dapat walang secrets between us.

“It’s okay. Hindi naman masama ang magkagusto sa isang tao eh. Normal lang naman ‘yun. It’s not your fault Em.” Pag-comfort naman niya sa akin.

“But Quen, normal bang magkagusto ka sa bestfriend mo? Dun sa taong parang magkapatid na ang turing mo?” Tinignan ko siya sa mata. He sighed. Pero hindi na siya nagsalita kasi malapit na kami sa classroom. Nung pagpasok namin, everyone fell silent at tinignan kami. Lalo na dun sa kamay ni Quen na may hawak ng bag ko.

“Em! Quen!” Sigaw naman ni Kath. Then everyone went back to their own worlds.

(A/N: Own worlds talaga? XD)

PAANO NA KAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon