CHAPTER III

10 1 0
                                    

Daniel's P.O.V

“Uy pre! Bakit ‘di mo kasama si Em ngayon? LQ ba?” Pangbungad naman sakin ni Neil. Hanep ‘tong taong ito, kita na ngang masama ang mood nambabara pa.

“Anong LQ pinagsasabi mo diyan Neil?” Singit naman Kath. Sasagot sana si Neil, tapos biglang tumahimik ang lahat. Lahat talaga pati si Kiray at Julia na nagdadaldalan napatahimik. Nakatingin lahat sa doorway ng classroom. Bakit nandyan na ba si Ma’am? Tumingin na rin ako. Si Em at si Quen lang pala.

SI EM AT SI QUEN?! Oo sila nga. Hawak pa ni Quen ‘ung bag ni Em. Siyempre alam ko itsura ng bag niya. Ako ata kasama niyang bumili at ako ang  BESTFRIEND. Hindi ko alam pero nainis ako. I balled my fist. Pinandilatan ako ni Kath ng mata, pati si Neil inakbayan ako.

"Relax lang dre." Bulong sakin ni Neil. Kung alam mo lang kung gaano ka-weird 'tong nararamdaman ko. Ang gulo!!! Normal lang naman na magalit ka pag may pumoporma sa best friend mo diba?

"Of course, it only shows that you care." Sagot ng isa kong konsiyensya

"Hindi 'yan normal dre! Selos na yan! S-E-L-O-S!" Sagot naman ng isa na hindi nakatulong

"Tumahimik nga muna kayo." Bakit ko ba kinakausap sarili ko? Umayos ka nga DJ.

"Em! Quen!" Sumigaw naman si Kath. Breaking out the tension.

"Hi guys!" Sagot naman ni Em sabay hila kay Quen papunta sa puwesto namin. Anak ng sinangag nga naman isasama talaga 'yang Quen na iyan!

"What's up?" Bati ni Quen pagkaupo nila. Tumahimik ka kung ayaw 'mong mabasag mukha mo!

"Ang daming chix!" Sagot naman ni Neil kaya nagtawanan lahat kasama na sila Kiray, CJ, at Julia na kakarating lang. Pati rin ako natawa. Eh, paano 'tong katabi 'kong unggoy chix na naman ang unang naisip.

"Ikaw talaga Neil! Kung maka-chix ka diyan kala mo naman gwapo." Pang-aasar ni Julia.

"Gwapo naman talaga ako ah." Ganti naman ng mokong sabay kindat. Binatukan na lang ni Kath. Salamat Kath, para magising! Hahahah!

"Aray naman Kath! Maawa ka naman!" Reklamo naman ni Neil.

"Hey! Stop na nga 'yan. First day of class nag-aaway kayo." Nagsalita naman ang magaling mamansin simula kanina.

(A/N: Check the sarcasm! I like this guy ;D)

"Oo nga tama na. Buti pa 'tong si bunso ang bait." React naman ni CJ sabay tawa.

"Hahaha. Funny." Ganti naman ni Emmy ko.

(A/N: Wow! Kanina maka-emote wagas. Tapos ngayon may nalalaman pang Emmy ko! XD)

"Bakit nga pala ang tahimik ni Dj ngayon? Himala" Salamat Kiray sa pagpansin. A round of applause naman para kay Kiray!

(A/N: Ikaw na DJ!)

"Eh, nagtatampo ata eh." Sige Neil ikaw na ako.

"Nagtatampo?" Tanong ni CJ. Eh kung kalbuhin ko kaya kayong dalawa.

"Eh di kay-" Hindi na natapos ni Neil kasi nag-bell for flag ceremony. Saved by the bell! Yessss! Iba talaga pag GWAPO ka! ;)

(A/N: Sige shaddap na ako. Kakahiya naman sa GWAPO diyan! XD)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAANO NA KAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon