Prologue

1.2K 8 1
                                    


Gabing-gabi na pero ang init pa rin sa pakiramdam. Paano ba naman, nasira ang aircon sa kwarto namin ni Gizzer. Pero 'tong baklang 'to, ang himbing ng tulog. Naisipan ko tuloy bumaba para uminom ng malamig na tubig. Pero bago pa ako makababa ng tuluyan, may narinig akong, "Ahhh... Yes, f-faster... Baby. Oh my God, feels sooooo.... G-good", nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ako. Ano ba 'yan, ang hahalay naman ng mga taong yan.

Para atang mas lalong uminit a. Ramdam ko nang bubukas ang pinto kaya naman dali-dali akong bumaba. Pang higante na ang mga hakbang ko para lang hindi maabutan na nakikinig sa kanila. Whooo! Ang hahalay talaga ng mga tao ngayon.

Pagkarating ko sa mismong kusina, wala man lang bukas na ilaw, tanging ilaw lamang ng kapit-bahay ang nagsisilbing gabay ko. Kaya hindi na rin ako nag bukas ng ilaw, mamaya magreklamo na naman ang land lady namin sa taas ng bill ng kuryente namin. Tumambay ako sa tapat ng ref habang nakabukas, malamig kasi, isa pa, ang init talaga.Nakakadagdag pa sa init yung narinig ko. Peste, mga balahura. Narinig kong may bumababa, tunog ng high heels e. Napatingin tuloy ako sa mga nagsasalita habang umiinom ng malamig na tubig.

"That was mind blowing, babe. Maybe, you should come in my place, sometimes", malanding sabi nung babae at hinalikan sa labi si Zimmer. Hindi naman sumagot si Zimmer sa sinabi ng babae at inihatid niya ang babae papalabas ng boarding house. Dahil duon, bumalik ang atensyon ko sa ref, "Aba! Dito naisipan talagang mag-usap tungkol sa bagay na 'yon".

Napapitlag ako dahil rinig ko ang mga yabag na papalapit sa kinalalagyan ko. Wala naman na akong magawa kung hindi lingunin kung sino ang papalapit. Si Zimmer naman 'yon, sino pa ba? Nakita kong walang saplot pang-itaas ang hinayupak na ito. Huwag mong ibababa ang tingin mo Maxie, sa mukha lang!

"Ay! Hehe, makikiinom lang, uhaw e", saka ko tumalikod sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa Ref.Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.

"Mukhang bitin ako, mind to fulfill my needs?", may halong nerbyos kong inalis ang mga kamay niya na nasa bewang ko at napalayo sa kanya ng kaunti. Kahit ba ang sexy ng pagkakasabi niya, naiilang pa rin ako, di dahil wala siyang saplot pang-itaas kung hindi sa suot kong pantulog. Duon ko lang napansin ang suot ko, ang puting satin na night dress tapos wala pang bra. 

Putragis naman oh! Ngayon ko pa talagang naisipang mag suot ng ganito. Mahabaging Diyos, hindi ko po sinasadya ang mga nangyayari ngayon. Ilayo niyo po ako sa tukso.


-


This story is much different from past The Boarder's Playmate, yet the plot of the story would also be more circular and not simple as before. I hope you'll love this more. Thank you guys. 

VOTE! 

COMMENT! 

SUPPORT!  

The Boarder's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon