Payment #16

139 3 0
                                    

Nandito na kami sa hotel, magkakasama kami ng triplets sa hotel room. Excited na excited ang mga bulinggit na lumangoy. "Mom, where's my broad shorts?" Tanong sa akin ni Zack. Hala, wala nga pala dito sa pinas ang wardrobe ng mga bata. "Anak, nalimutan ni Mommy ang mga broad shorts niyo. Nasa Newark pa", ngumiti lang sa akin si Zack.

Narinig kong may kumakatok kaya nakita kong tumayo si Zoom para buksan ang pinto. "DAD!" , "DADDY'S HERE, EVERYONE!" Sigaw ni Zoom. "You're ready to swim?" Tanong ni Zimmer.

"Well, mommy forgot our broad shorts in US, so I guess no swimming will be held today", malungkot na sabi ni Zeke.

"We have money. We can buy. May nakita akong swim wear shop duon. Tara?" Para namang lumiwanag ang mga mata ng mga bata. Lumakad na sila palabas ng kwarto, at naiwan ako dito. Naka-upo sa kama. Gaga ka talaga Maxie, yun pa nalimutan mo. Para tuloy wala akong kwentang nanay.

"Sweetie, come. Sasama ka, hindi pwedeng hindi", nagulat pa ako nang balikan ako ni Zimmer. Saka hinila palabas ng kwarto.

Nasa harap namin ang triplets naglalakad, nagulat ako nang hawakan ni Zimmer ang kamay ko. Akmang babawiin ko, mas lalo naman nyang hinigpitan kaya hindi na ako pumalag. Gusto mo din naman kasi e. Sabi ko sa sarili ko. Lumingon sa amin si Zoom tapos nagbulungan ang tatlo. Saka tumawa ng tumawa. "Why are you laughing?" Tanong ni Zimmer at tinuro sa kanila ang direksyon. "You guys are sweet", sabi ni Zoom. "More like idiots", sabi naman ni Zeke saka tumawa ng tumawa ang tatlo. Napapailing lang ako sa tatlo, sana hanggang sa pag laki ng tatlong to, ganyan pa rin sila ka-close.

Nakarating kami sa swim wear shop na sinasabi ni Zimmer. Pero tang ina lang, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Tarantado talaga.

Naglilibot-libot ang mga bata at nag paalam naman si Zimmer na samahan ang mga bata. Ako naman nilibot ko din ang shop pero ibang direksyon naman. May nakita akong pamilyar na mukha. At sigurado akong siya yon. Tang ina, buhay pa pala yon. Pero hindi ko siya inintindi. Kinuha ko ang swim suit na nakita ko. Ang ganda ah. Pagka-kita ko sa presyo, agad kong binalik sa kinalalagyan ang item na yon. Grabe, sampung libo mahigit na yon? Maganda lang naman, tang inang yan.

"Hindi ka mag susuot ng ganyan", narinig kong sabi ni Zimmer na nasa may gilid ko. "Uh-ow, groun-ded", tukso ni Zoom kaya nag tawanan naman ang mga loko pati na si Zimmer. Nakita kong hawak-hawak nila ang kanya-kanyang broad shorts at may goggles pa. "Zimmer?". Boses babae. At ramdam kong papalapit ang taong iyon. Nakatalikod kasi ang direksyon ko sa kanya. "You alone?" Tanong pa nito. "No, I'm with my family"

"Family?"

"Yeah. And here are my kids. This is Zoom, Zack and Zeke", pakilala ni Zimmer sa mga bata. "Kids? Wait, you're kidding, right?" At nagtawanan ang mga bata. Mga mapang-asar talaga. "Actually, no. I'm not kidding", "Kids this is Raven, my old friend", pakilala ni Zimmer.

"Then who's the mom of these kids?" Bigla naman akong pinaharap ng mga bata sa babaeng ito. Nang makita niya ako, halos lumuwa ang mata ng gaga. "Maxie?" Sabi nito at biglang nag walk-out. Ano ba nangyari sa gagang yon?

Palabas na kami ng shop nang marinig kong nagtatawanan ang triplets. "You, kids, what are you laughing at?" Zimmer.

"The girl, what's her name again kuya?",Zoom.

"Raven", Zack.

"Yeah, yeah, Raven. She looked shocked, and the face, that's really funny"

------------

Akala ko babalik na kami sa hotel room para makapag-palit ang mga bata. Hindi pala. Kakain daw muna, kaya eto kami lalapang na. Ang daming pagkain, akala mo bibitayin ang mga anak ko sa sobrang lalakas kumain. Hindi pa kami natatapos kumain, may nag serve pa ng lobster. Nanlaki ang mga mata ko, kahit sabihin kong diet ako, walang diet diet, lintik. Lobster na to, lalantakan ko to.

The Boarder's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon