Payment #14

208 2 0
                                    

Maxie's P.O.V

Kakatapos lang ng usapan namin nila mama. Ang gustong mangyari ni mama, maging parte ng pamilya si Zimmer. Okay na naman kami sa ganito e. Bakit kailangan pa siya? Minsan hindi ko maintindihan si mama e.

Nandito ako sa kusina, magluluto na ako para sa tanghalian namin. Trip kong mag luto ng caldereta. Nako, mapapadami ang kain ng triplets nito. Hiniwa ko na ang lahat ng kailangan, kinuha ko ang beef sa may ref, baka kasi mamaya, yelo pa yon. Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.

"I missed you so much"

"Zimmer, tigil-tigilan mo na muna ako, pwede ba? Mamaya makita tayo ng mga bata, kung ano pang isipin ng mga yon e"

"Then think what they want to think"

"Gago to", saka ko pilit na inalis ang braso niya. "What's for lunch?" At umupo sa bar ng kusina. "At bakit? Dito ka makikikain?"

"Sabi ni mama"

"Mama? Kelan mo na naging nanay ang nanay ko?"

"Ngayon lang. Apparently, she's the one who insisted to call her mama", yun naman pala e. Tang ina, pahiya ako don a.

"Want me to help you?"

"Kung kelan matatapos na saka ka mag aalok ng tulong. Gago ka talaga e", at tumawa naman siya, "So tell me what to do", sinabi ko naman ang mga gagawin niya kaya umakyat na ako lara tawagin ang mga bata.

Pagbaba namin nakita namin si Zimmer na naglalagay ng mga kubyertos sa lamesa. "Hey kids", tawag niya. Lumapit naman si Zoom sa kanya at si Zeke. Si Zack nasa tabi ko pa rin. Malaki talaga ang galit ng batang to sa ama niya.

"Yo, Poppa", sabi ni Zoom saka nakipag high five kay Zimmer. "What's with the accent, lil guy?"

"He's copying Eddie Murphy, dad", sabi Zeke. Saka nagsalita ng mabilis si Zoom, hindi ko na nga naintindihan e. Tumawa naman ang tatlo. Gago talaga, mana mana na lang. "Hey big guy, want to join us?" Tawag ni Zimmer kay Zack. Pero hindi naman lumapit si Zack sa halip, umupo na lang a upuan niya.

"Inday, paki-tawag naman sina Gizzer at si mama oh! Oh kayo, upo na, kakain na tayo", sabi ko.

Nang mailagay na ang lahat ng kubyertos, umupo kami sa upuan namin, si Zimmer, eto katabi ko, sa harap naman namin ang triplets. Nakita na rin namin si mama na papunta sa amin. Nakita kong may tinitignan si Zimmer kaya tiningnan ko din. Ah, si Gizzer at Hill. Kaya umupo na sin sila.

"Mommy, what's for lunch?" Tanong ni Zoom

"Hulaan niyo", nakita kong mukhang nag iisip naman ang bunso ko kaya napatawa si mama. May lahi talagang joker to e. Pag dating ng ulam, nanlaki ang mga mata ng triplets. "This is what I'm talkin' 'bout", at pumalakpak pa. Dali dali namang kumuha ng kanin ang tatlo. "Dahan-dahan naman kayo, jusko hindi naman kayo mauubusan niyan. Marami akong niluto", pero hindi pa rin nagtigil ang tatlo. Napailing na lang ako sa Nangyare.

Kukuha na sana ako ng kanin nang,"Here", aba nilagyan ako ni Zimmer. Himala. "This is what we call a family", sabay sabay kaming napatingin kay mama. "Not really", singit naman ni Zack.

---------------

Natapos kaming kumain at ngayon nandito kami sa theater room, nag aya kasi sina Zeke at Zoom na manuod kaya nandito kami. Wala nga lang si Gizzer, Hill at mama, may mga aasikasuhin daw. Usually, pag nag aya ang mga bata ng ganito at may nag sabing may work, iiyak ang mga to. Bakit ngayon hindi?

The Boarder's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon