Payment #18

113 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pero nakakagago yung sasabihan niya 'kong "I'll marry you", "I want to claim what's mine, and you are mine", AY, DE PUTA, KUNG GANON. T'as eto yung maririnig ko, tang ina talaga.

Gusto kong matapos 'tong kung anong meron kami, pero ayoko namang maging malungkot ang mga anak ko. Yung aming dalawa lang, at hindi yung commitment niya sa mga anak niya.

Para akong tanga na nakikipagtitigan sa kanya. Pero sa isang sandali pa ay akmang lalapitan niya ako, at agad akong tumalikod at umalis. Ayokong marinig kung anong sasabihin niya, wala rin naman akong dapat marinig. Hindi naman kami, walang kami. Yung nangyayari samin, that's only for human desire. Mainit siya, nag init din ako. Siguro naman, hindi bago sa kanya yung nakikipag sex tapos later on, wala na.

Gumising ka nga Maxie, ang lalaki, hindi na mag BABAGO yan. Lalo yang si Zimmer, walang kasawaan yan. Nagpapaloko ka lang, nakikipag-gaguhan ka lang. Nakuha na niya yung gusto niya, tama na. Tama na ang pag papakatanga na mamahalin ka niyan e hindi naman marunong MAGMAHAL yan. Demonyo nga yan diba? Wag tanga Maxie, hindi ka yayaman sa pagiging tanga.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Gago ka talaga Maxie.

Dumiretso ako sa kwarto ng mga bata at inayos na ang mga gamit namin. Kasi mamaya, aalis na rin naman kami mamayang hapon. Pero tang ina lang, bakit ako umiiyak? "Mom!" Sigaw ng mga anak ko kaya bigla akong nagpunas ng hula.

"Yes?"

"Mommy, are we going back already?" Tanong ni Zoom saka ako niyakap.

"Opo, kaya maligo na kayo, para ready na kayo, dali", nagtakbuhan naman sila papunta sa cr para maligo. Ako naman inihahanda na lang mga damit nila.

Maya-maya pa ay may kumatok at pag lingon ko, si Zimmer pala. "Sweetie, what's the meaning of this?" Sabay yakap sa akin. Bigla naman akong humiwalay sa pagkakayakap niya. "May biglaan meeting kasi ako, sayang yung kliyente habang nandito ako sa Pilipinas", pagpapalusot ko.

"Cancel it", napatigil ako sa pagtutupi ng damit sa sinabi niya. "Zimmer, pwede ba, tigil-tigilan mo nga ang pagmamando sa akin. Hindi tayo mag-asawa"

Akmang sasagot pa sana si Zimmer pero, "Dad'", sabi ng mga bata at tumakbo papunta kay Zimmer para yakapin ng hubo't hubad.

Hindi ko na lang pinansin at nag ayos na lang ako.

----------------------

Alas siyete na ng gabi nang makarating kami sa mansion ni mama. Tulog ang triplets sa kotse. Pinakuha ko naman kila Manang ang mga gamit at ako na ang bubuhat sa tatlo. Kukunin ko na sana Si Zack pero pinigilan ako ni Zimmer. "No, I'll get them",saka binuhat sina Zack at Zoom ng sabay. Kaya sa akin na lang si Zeke.

Pag pasok sa kwarto ng triplets, agad kong binihisan ang tatlo. Pero ramdam kong may
nakatigin sa akin. "Sweetie",

"Zimmer, pwede ba, pagod ako", at saka ako tumayo para umalis. "This won't take long", saka ako hinapit at hinalikan ang leeg ko. Pilit kong pinipigil ang pag sigaw ko dahil baka magising ang mga bata. "Zimmer ano ba? Gago ka ba? Sinabi ng pagod ako e. Di ka ba marunong umintindi?"

"Sorry", yuko nitong sabi.

"Kung hindi ka talaga matigil, pumunta ka sa bar, madaming pokpok don, parausan mo. Tutal yon naman ang madalas mong ginagawa e. Gawing parausan ang bawat babaeng nagugustuhan mo", saka ako tumalikod sa kanya. "'Yan ba ang tingin mo sa'kin? Maxie, I have dignity"

"Wala akong pake. Hindi ko naman tinatanong kung may dignidad ka o wala e"

"What's wrong with you? Parang kaninang umaga lang ayos tayo a? What happened? Maxie, say it, I'll listen"

The Boarder's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon