Someone's POV
"Angelo, pakasal na tayo!"
"Angelo, ahhhh! Ang gwapo gwapo mo talaga! Isa ka talagang angel!"
Nandito pa ako sa loob ng sasakyan ko. Hindi pa nga ako nakakalabas rinig na rinig ko na ang mg tili nila... Minsan nga naiisip ko, "Ang hirap talaga maging gwapo." Hindi sa pagmamayabang, gwapo naman talaga ako...
Pinarada ko ang kotse ko sa harap ng gate at lumabas. Bago ako lumabas naka-abang na ang mga school guards sa labas ng kotse ko. Paglabas ko sa kotse , binigay ko ang susi ko sa isang guard, alam na niya kung ano ang gagawin niya... Sabi kasi ng Ms. Principal, sa gate na lang ako lumabas at ipa-parada na lang sa guard yung kotse ko sa parking lot dahil baka doon daw ako dumugin ng mga fangirls ko... Minsan nagtataka lang talaga ako eh, parang mga 'di anak mayaman kung umasta...
Ako nga pala si Ian Angelo Smith... Isang model sa sarili naming company—SGOC, isang MVP sa basketball, swimming, soccer, etc. Kaya maraming nagmamahal sa'kin... pwera lang siguro sa kanya...
'Di ko namalayang nakapasok na pala kami sa campus... "'asan na kaya siya?" tanong ko sa isip ko... impossible kasi na hindi pa siya dumadating, eh early bird 'yun eh...
Riiiiiiing.........
Nag- belle na, siguro nandoon na classroom yun... Hinatid ako ng mga school bodyguards hanggang sa classroom at tumambay sa labas ng room... Baka daw pagkaguluhan ako bigla, mabuti na ang handa...
.
"Good morning, Angelo!"
"Hi Angelo!"
"Good morning!"
.
Ganyan naman dito sa room namin araw-araw, binabati nila ako... Ngiti lang sinusukli ko sa kanila...
Bakit 'di pa siya dumadating sa room, eh nag-bell na... 'Di naman pwede mag-pa late 'yun." tanong ko sa sarili ko.
...
Dumating na ang first subject teacher namin.
"Good morning class."
"Goodmorning Ms. Dimakatarungan, pffft..."
Pigil tawa kaming lahat bumati kay Ms. Dimakatarungan, hahahaha, bakit ba kasi 'yun ang apelyido niya, hahahahaha....
.
"So, we will do the same routine during first day of classes, after the introduction, you will have no class until the afternoon."
Pagkatapos sabihin ni ma'am 'yon, naghiyawan agad ang lahat. Sino ba naman ang hindi diba? Kung pagkatapos mo'ng magpakilala sa klase ay pwede ka nang maglakwatsa...
"Class quiet!"
Huminto naman ang lahat. Nagsimula na silang magpakilala, 'di na ako makikinig, paki ko kung sino sila?
"My name is bla bla bla bla..."
Naka-upo ako dito sa panakadulo kaya mamaya pa ako... Makatulog nga muna...
...
"Mr. Smith, it's your turn."
"Uhmm..."
"Mr. Smith."
Medyo malakas na ang boses niya ngayon... ma-pikon nga to'ng si Ms. Dimakatarungan...
"Mr. Smith."
"Hmmm..."
Konti na lang... Hindi naman talaga ako nakatulog kasi ang iingay nila... Ang papangit pa ng mga pangalan.
"Mr. Smith!"
Ayun, sumigaw na siya! Konting-konting-konti na lang talaga... May karugtong pa 'yun eh...
"Mr. Smith! Get out and go to the detention room, now!
Yown oh! Mabilis pa sa kidlat ako'ng tumayo at iniwan silang nakatanga sa pintong nilabasan ko...
............
Ganito ako...
... I always get what I want...
.
And
.
...What's mine is mine...
...I don't like sharing...
.
That's my rule...
BINABASA MO ANG
Hidden Desire
Teen FictionAng damdamin ng isang tao, hindi dapat tinatago… . . . Lalo na ang pagmamahal…