Mae's POV
Makalipas ang ilang minuto matapos mag-belle, pumunta na ako sa locker room ng mga babae. Siguro naman meron pa akong extrang damit 'don no?
.
Pagdating ko doon, kapag minamalas ka nga naman... Nakakapanlumo... Nakalock ang locker room...
Haaaayyy... kalian kaya sila titigil sa pang-aapi sa'kin? Sanay naman din ako... Konting tiis na lang talaga...
Ayaw ko nalang sanang pumasok sa klase at umuwi na lang... Pero paano naman ao uuwi kung ganito ang itsura ko? Bukod kasi sa locker room na 'to ay wala nang ibang locker rooms para sa mga babae. Siguro pupunta na lang ako sa football field.
.
Pagdating ko doon, sinalubong agad ako simoy ng hangin... Napaka-fresh ng hangin dito. Maghihintay na lang siguro ako ng mga 15 minutes kasi first day pa naman ngayon, hindi pa magsisimula ang klase kasi introduction lang. Minsan nga mga 5 minutes lang at pwede ka ng umalis ng classroom. Maghihintay na lang ako...
.
Maghihintay...
.
Bigla na lang tumulo ang luha ko...Bumalik 'yung sakit na naramdaman ko noon...
Palagi na lang akong naghihintay... Hinitay ko siya... Binigay ko ng buong-buo 'yung puso ko sa kanya... Pero ano'ng ginawa niya? Winasak niya ito at binasag ng pinong-pino...Ang sakit-sakit, hindi ko alam kung paano ulit bubuohin ang puso ko...Ano ba'ng ginawa ko? Minahal ko lang naman siya ng lubusan , eh...
Pinunasan ko ang luha ko na tuloy-tuloy paring umaagos sa mata ko... Alam ko na baling araw, makikita ko rin ang taong mahal ko at mahal din ako... *sigh*
Tumayo na ako at babalik n asana ng locker room para tignan kung bukas na ba nang may tumawag sa'kin...
"Ma'am Mae! Ma'am!" si manong guard pala.
"Manong bakit po?" tanong ko.
"Ma'am may nagpapabigay po." sabi niya sabay abot ng isang isang paper bag.
Nagtaka naman ako...
"Man...." nakaalis na pala si manong...
Tinignan ko yungpaper bag kung may note, at meron nga! Ang sabi ay...
_________________________________________
Minsan, hindi masamang lumaban...
'Di porket nerd ka ay 'di ka na nilang ituturing na tao...
Sincerely yours,
I
BINABASA MO ANG
Hidden Desire
Teen FictionAng damdamin ng isang tao, hindi dapat tinatago… . . . Lalo na ang pagmamahal…