EPISODE 46 - HINAHAMON KITA MARCO

119 0 0
                                    


AUTHORS POV


Nasa kalagitnaan si Marco ng pagbubukas ng mga files sa kanyang laptop ng bigla siyang nakarinig ng mga kalabog mula sa pinto. Galit siyang nagtungo sa pintuan at binuksan ito.


"Tang'na naman Troy! Kung makakatok ka parang sisirain mo ang pinto! Ano bang problema mo?!"


"B-Boss, ma..malaking problema, nakatakas ang dalawang Aeta." Humihingal na pagbabalita ni Troy. Agad na umakyat ang dugo ni Marco sa ulo ng marinig ang sinabi ng tauhan niya.


"Ano? Put**ng ina naman Troy! Isa talaga kayong kampon ng mga katangahan! Paano sila, nakatakas? Di ba mahigpit kong bilin sayo na bantayan mo silang mabuti? Anong nangyari?!"


"Yun nga Boss eh. Inutusan mo akong sunduin si Dr. Nicolai, pagbalik ko nawala na sila. Sigurado talaga akong nilock ko ang basement bago ako umalis."


"Ni-lock mo? Paano sila nakatakas? Huwag mong sabihin sa akin na may hudas sa loob ng lungga natin?!"


Sabay silang nagkatinginan dahil pareho sila ng naiisip. May hudas nga sa loob ng kanilang hideout.


"Tangina, bilisan mo! Hanapin nyo sila!"


"Sino Boss?"


"Sino pa!? Ang dalawang Aeta at ang hudas na tumulong sa kanila upang makatakas! Bobo mo talaga!"


"Pero Boss natagpuan na namin ang dalawang Aeta sa loob ng kagubatan. Kaya kita pinuntahan dito para isama doon kung saan namin sila nakita."


"Ano? Bakit mo pa ako isasama doon, kung pwede mo naman silang dalhin pabalik!"


Nagkamot ng ulo si Troy, hindi alam kung ano ang sasabihin.


"Troy! Tang'na naman! Kanina mo pa ako binibitin kapag nagsasalita ka! Ano! sasabihin mo ba o puputulin ko na lang yang dila mo at nang may silbi naman!


"Putol na po kasi ang ulo ng mga Aeta Boss." Agad siyang nasindak sa biglang pag-amin ni Troy.


"What!? Anong sinasabi mong putol na ang ulo nila?!"


"Totoo ang sinasabi ko Boss, napugutan sila ng ulo. Tapos may nakapatong pa na karton sa kanilang dibdib at may lamang mensahe para sayo."


"Yung cctv!" bulalas ni Marco ng maalala na mayroong cctv ang basement. Mabilis siyang pumasok sa cctv room at tiningnan mula sa screen monitor kung sino ang tumulong sa dalawa upang makatakas.


Ganun na lang ang pagkasindak niya ng makita kung sino ang tumulong sa dalawang Aeta.


"Fuck! Drako!" Sinasabi ko na nga ba, traidor ka." Galit na binalingan niya si Troy. "Saan ang mga Aeta? Samahan mo ako!"


LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon