EPISODE 18 - DON'T LEAVE ME KATLEAH!

351 8 0
                                    


Nagising si Katleah sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. "Nasaan ako?'' tanong niya sa sarili. Akmang babangon na siya nang mapabalik ulit ang katawan niya sa pagkakahiga sa kama. Parehong may tali ang dalawa niyang kamay at paa. Ang kanyang bunganga ay natatakpan ng makapal na tela upang hindi siya makapagsalita. Tuluyan nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Mamatay na ba siya na hindi man lang nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang? Sasapitin ba rin niya ang katulad sa sinapit nila? "Dad, Mom, help me please..." taimtim niyang dasal sa sarili nang biglang may pumasok na lalaking naka masked at may hawak itong baril.

"Isuot mo na ang damit mo at umalis dito." sabi ng lalaki sa kanya habang tinatanggalan siya ng tali at busal sa bibig.

"Isuot?" Nasindak siya ng makita ang sarili na walang kahit anumang saplot sa kanyang katawan.

"Mga walang hiya kayo, anong ginawa niyo sa akin? Mga hayop kayo? agad niyang sigaw ng matanggal na ang busal sa kanyang bunganga.

"Tumahimik ka!" sabay tutok nito ng baril sa kanyang sintindo. "Kung gusto mo pang mabuhay, tumahimik ka na lang at sundin lahat ng mga pinag-uutos ko sayo!"

Ngunit hindi pa rin siya gumagalaw sa sobrang pagkagulat" Nakatulala pa rin siyang nakatingin sa lalaki na naka masked. Takot na takot siya sa baril na nakatutok sa kanyang noo. after a few second,...

"BANG!"

Biglang nanilim ang paningin ni Katleah. Pakiramdam niya sooner or later magkikita na sila ng kanyang pamilya. Mabilis na sinuot ni Katleah ang kanyang mga damit habang umiiyak. Akmang tatakbo na sana siya nang maramdaman niyang biglang may pumasok na libo-libong kuryente sa pinaka sulok ng utak niya. Sobra itong napakasakit. Hindi niya maihakbang ng maayos ang kanyang mga paa dahil sa sobrang tindi ng sakit na kanyang nararamdaman sa buo niyang katawan. Maraming boses ang kanyang naririnig galing sa kanyang utak na hindi niya maintindihan.. "Amarah takbo, bilis.!" "Anak mahal ka namin ng daddy mo." "Tumakbo kana Amarah.! Amarah! iligtas mo ang sarili mo anak.!" "Nakita mo ba ang palasyo na ito anak? Pinatayo namin ito ng daddy mo para sayo." "Momy, bakit po kayo tinawag na Eagle Queen?" " Kapag nasa tamang edad kana, maintindihan mo ang lahat anak.! Ikaw ang papalit sa akin bilang EAGLE QUEEN." "Pinatay mo ang mommy ko..! " "Anak tumakbo ka na!." Ang gulo-gulo ng kanyang utak.

Hindi na kinaya ni Amarah ang sobrang sakit na nanggaling sa kanyang ulo at balikat.. "Aaaaahhhhhh! Tama na...Ang Saaakkkkiiitt...Huhh tama na..." Namamanhid na ang kanyang buong katawan, hanggang sa nawalan na siya ng malay at bumagsak sa sahig."

Pumasok ang isa pang lalaki sa loob ng silid na yon ng marinig niya ang putok ng baril. "Anong ginawa mo? Diba sabi ni boss pakawalan mo lang yung babae.? Bakit mo binaril?"

"Sa balikat ko lang naman siya binaril.. Hindi kasi kumikilos ng mabilis eh. Paano tayo makakatakas kaagad kong pabigat pa siya." pagda dahilan nito sa kasama.

"Masyado kang mainitin ang ulo. Paano na ngayon yan? Binaril mo siya.."

"Itapon mo na yan sa basurahan." bilisan na natin dahil papunta na ang mga kalaban."Hindi tayo ililigtas ni Boss kapag nahuli tayo ni Marco Dela Vega."

"Bang! Bang!" Magkasunod na palitan ng mga putok ng baril ang maririnig sa labas ng silid.

Ilang sandali pa ay nasira ang pintuan nito sa lakas ng pagkaka sipa at niluwa ang madilim na anyo ng lalaking kinakatakutan ng lahat.

Lalong dumilim ang kanyang paningin ng makita niya ang asawa na nakahandusay sa sahig at wala ng malay. May mga punit ang damit na suot nito at may lumalabas na dugo sa kanyang kaliwang balikat."

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon