EPISODE 19 - SHE WAKES UP

318 8 0
                                    


" Boss, nandito ang mga damit mo na ipinadala sa akin ni Aling Martha. Limang araw na daw kasi kayong hindi umuwi." sabi ni James na kanina pa nakamasid kay Marco. Kakarating lang niya sa hospital, ngunit hindi niya maiwasan ang hindi maawa sa sitwasyon ngayon ng kanyang boss. Lumingon sa kanya si Marco na halatang namumugto parin ang mga mata mula sa pag-iyak. Araw-araw na yata ang boss niya umiiyak at naghihintay kung kailan magising ang kanyang asawa.

" Salamat, James. ilagay mo nalang diyan at bumalik na muna sa opisina. Dalhin mo nalang dito sa hospital ang lahat ng mga papeles na kailangan kong pirmahan." matamlay na sagot ni Marco sa kanya.

Tulalang nakatayo sa gilid ng pinto si James habang nakatingin sa kanyang boss. He's on the side of Katleah's bed while holding her hand. Napabayaan na niya ang sarili. Magulo ang buhok, gusot ang damit, at kahit sa oras ng pagkain nito ay halatang nakakalimutan na niya. Hindi na siya nagtagal pa sa silid na yon. Agad na siyang umalis pabalik ng opisina.

Samantala sa parking lot ng mall, akmang uupo na si Sandra sa driver seat ng kanyang kotse, nang biglang may humatak sa kanyang kamay.

"Aray!" napangiwi siya sa lakas ng paghatak sa kanya.

"Raven?" nagulat siya nang makita ang galit na anyo nito. "Ano ba ang problema mo!? " pagalit na tanong niya sa lalaki.

"Sandra! kumikilos kana ngayon ng hindi nagpapaalam sa akin!?" galit na tanong sa kanya ni Raven.

"So what!?" Nagsisimula palang ako sa mga plano ko Raven! Huwag mo akong pakialaman." galit ring sagot ni Sandra.

"Huwag pakialaman!? Sandra! nababaliw ka na ba ha!? Sa tingin mo ba sa ginawa mo hindi ako babalikan ni Marco? Mga tauhan ko ang ginamit mo Sandra. At sigurado ako na pinaghihinalaan na ako ngayon ni Marco!.

" Ano ba ang pinag puputok ng botse mo Raven? Malinis akong magtrabaho. Walang natira sa mga tauhan mo dahil naubos na silang lahat patayin ni Marco. Sino pa bang tatanungin niya kung sino ang nag-utos sa kanila? Wala na di ba?"

Tulalang nakatingin si Raven kay Sandra. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. "Demonyo ka talaga Sandra! Inutusan mo ang mga tauhan ko na e-kidnap si Katleah, pagkatapos mong makuha ang gusto mo ay ikaw na rin ang nag suplong, sa kanila kay Marco? Isa ka talagang traydor!"

"Bravo! Raven, ang talino mo." pumalakpak pa ito habang tinitingnan ang lalaki. "Alam mo ba kung ano ang tawag sa ginawa ko?, Hitting 2 birds with one stone. Sa ginawa ko, hindi ko lang unti-unting kinukuha ang loob at tiwala ni Marco, kundi nakukuha ko pang burahin si Katleah sa landas ko. Hahahaha.. Ayaw ko nang umasa sayo Raven, isang kang palpak!" sigaw nito sa kanya.

"Subukan mo lang na galawin ulit si Katleah, ilalantad ko ang baho mo kay Marco!" banta ni Raven kay Sandra.

"We'll!... just do it,... if you can make Marco believe you. Dahil sa ating dalawa, ako ang anghel, samantalang ikaw ay isang demonyo niyang kapatid ____mortal na kaaway."

"Bakit hindi mo subukan Sandra!? at makikita mo kung anong kaya kong gawin sayo!?" tinapunan muna niya ng galit na tingin si Sandra bago tumalikod at paika-ikang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Hindi pa siya ganap na magaling-may hawak parin siyang sungkod upang suportahan ang paglalakad niya.

Naiwan si Sandra sa labas ng kanyang sasakyan habang matalim na nakatitig sa papalayong sasakyan ni Raven. "Hindi mo ako matatakot Raven, Sisiguraduhin kong mawala sa landas ko si Katleah. Itutuloy ko pa rin ang plano kong paghihiwalayin sila ni Marco." sinusumpa niya sa sarili.

Dumeretso si Sandra sa hospital kung saan naka confine si Katleah. Pagkakataon na niya itong makuha ang loob ni Marco. Nadatnan niya ang sampung bodyguards na nakabantay sa labas ng pintuan ng silid ni Katleah.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon