The Witness

632 32 45
                                    

This is a work of fiction. Names, character, businesses, places, events, and incidents are product of the author's imagination in a fictitious manner. Any resemblance to real events are purely coincidental.

******

The Witness

"Yedda, buti nakarating ka!"

Papasok pa lang ako ng function hall ay sinalubong na ako ni Mina ng yakap.


"As if naman hindi ako pupunta, eh isa kaya kayo ni Pinky sa organizers."

"Dapat lang. Dahil pepektusan talaga kita 'pag di ka pumunta." Nakahalukipkip na wika ni Pinky habang papalapit sa amin.

"Naks!" Sabi ko na ikinatawa naming pareho.

Iginiya ako ng dalawa sa uupuan kong table habang pinapaliwanag sa'kin ang mangyayari buong gabi.


This is a fundraising event held here at Batasang Pambansa Complex para sa ipamigay sa chosen charity and foundations. So parang naging reunion rin ito ng mga kasamahan kong pulitiko dahil invited lahat.


Magkakaroon ng auction for dresses, bags, and other accessories na gawa ng mga sikat na designers. Meron ding bidding ng cars, karamihan ay vintage, at real estate.


Everything that will be put into auction are all donations. Ang bongga!


'Yan ang paraan ng ibang mga nag-retire na para tumulong sa fundraising. All the proceeds kasi ay mapupunta sa foundation.


"Sara, is that you? Oh my!"


Nakuha ng pansin ko ang tili ng isang babae sa katabi naming mesa kaya napalingon ako sa direksyon niya.


Tinitigan ko 'rin 'yung tinutukoy ng babaeng tumili.


Hala! Si Inday nga.


"Girls, di man lang nagbago ang itsura ni Sara no? 3 years ago ganiyan ganiyan din ang itsura niya nung huli natin siyang makita." Wika ni Grace sa tabi ko.


"Ganun talaga." Sagot naman ni Mina. "Ganyan kasi ang magaganda. Tulad natin."

"Ang kapal." Bulong ko kay Cynthia na katabi ko rin.


"May sinasabi ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Mina.


"Ha? Wala naman ah?" Pagmamaang-maangan ko.

"Psh."

Aba, inirapan ako ng gaga.


Siyempre, gumanti rin ako ng irap na ikinatawa ng mga kasama namin sa table.


"Hi guys!"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.


"Sara, it's been three years." Nakipagbeso din si Pia.


THREE YEARS.

Tama. Tatlong taon na rin nang huli ko siyang nakita. Nung huli ko silang nakita.


Between Two Hearts (ONE SHOTS)Where stories live. Discover now