WE ARE BROKEN

96 0 4
                                    

WE ARE BROKEN

By: airabhlue

I’m not in to him in the first place, He’s just my friend..

I saw his eagerness on courting me..

I never expect to fall inlove with him. I’m still in denial..

But, in the end I realized that I love him.

That’s the time that WE ARE BROKEN..

______________________

“Bulol ka naman sa S eh..” ang epalogs talaga nitong si Elbert! Hindi nga ako bulol? Imbento to masyado!

“Hindi nga sabi, kulit nito!” Naiinis kong sagot sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa sahig, dahil naparusahan lang naman kami ng adviser namin. Ang kalat daw masyado, ni hindi man lang kami maglinis! Kaya ayun sabi maupo kami sa sahig. Gawin naming panlinis yung palda at pants namin. At yung kalat? Iniwan lang sa lapag para talagang madikit sa uniform namin. Ang mean talaga!

“Sige nga sabihin mo ahas!”

“Ahas!” akong si uto-uto sinabi nga..

“Oh tignan mo, Ahat ang sabi mo.. HAHAHAHAH” Alam ko ang corny ng classmate ko, napaka-big deal sa kanya nung pinaggagawa-gawa nya. (=,=)

“Muka mo! Ahas nga sabi ko!” Readers! Una sa lahat hindi po ako bulol sa ‘S’ Sinasabi lang nila yun dahil wala silang maipang-asar sakin!

“Ulit nga..” sabi naman ni Matthew. Sabatero naman to, kanina ko pa sya nakikitang gustong sumali sa conversation namin ni Elbert eh, tinatawanan nya lang naman ako. Anyway, second week pa lang ng klase namin ngayon kaya ayan kapaan pa sa mga ka-close. Pero eto kasing si Elbert matigas mukha kaya nung in-arrange kami alphabetically, chinika na agad ako. XD

“Ayoko nga, tapos tatawa ka rin?” mataray na sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

“Sungit oh!” Talaga! Ingudngud kita dyan eh.. Hahaha XD

“QUIET!” Ayan nandyan na si Sir, ang adviser namin na walang awa! Nanahimik na nga kame, may choice ba kame?

Nag-start ang klase, masaya naman kahit na wala talaga akong kilala kahit isa dito sa room lalo na nung 1st week. Pero marami naman nakipag-close sakin kasi tahimik daw ako. Hahaha kala nyo lang yun! Pagtapos ng ilang weeks magwawala na ko..

Kinabukasan pinabalik na kami sa upuan, since nag-promise naman kami na lagi na kaming maglilinis. At dahil “Alcantara” ang surname ko, syempre group 1 ako. Ay! Nagpakilala na ba ko sainyo? OMG! Hindi pa? Where’s my manners?

Okay, I’m Akiesha Alcantara period. XD

[a

: Ito po ay isang example lang ng short story or matatawag ko na ring one shot. Kaya hindi ko na masyado ipapakilala ang bidang girl. Makilala nyo rin sya sa takbo ng story.]

Syempre tumatakbo ang panahon. 3 months na ko sa klaseng to, marami na rin akong naka-close! As in lagi ko na silang kasama sa galaan man or group works. Parang turing nila sakin ay bunso dahil iyakin at childish ako. Masaya silang kasama, hindi nang-iiwan.

And I want you to know na may suitor na rin ako sa room. Sino sya? None other than Matthew Del Rosario. Nakakainis lang kasi kaibigan lang turing ko sa kanya. Hindi ko sya talaga gusto. But I don’t want to turn him down kaya pumayag akong magpaligaw. Though nagkaron na ko ng 1st ever boyfriend na hindi naman seryoso. Classmate namin sya. Sinagot ko lang naman sya kasi cute sya at may tao akong gustong pagselosin. Sige pwede nyo naman akong sabihan na masama kasi Oo bad naman talaga yung reason ko.

WE ARE BROKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon