Chapter 3

22 1 1
                                    

Chesca's POV

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiing*

Finally, natapos din ang lecture namin. Teacher kasi ang lumilipat ng room samin para daw hindi mapagod ang mga students. Buti nga naisip nila yun. Vacant time na namin tapos after nun, last class na namin then uwian na.

"Ches, tapos ka na ba? Let's eat na dali. Gutom na ko eh." Tawag sa'kin ni Carly na kasulukuyang nasa labas na ng room.

"Wait lang, malapit na kong matapos."

Nang matapos na kong mag ayos ng gamit, lalabas na sana ako ng room, kaya lang tinawag ako ni ma'am. Hindi lang pala ako pati rin pala si Drake. Bakit kaya?

"Ms. Sta Maria, since bago lang si Drake dito sa Eastwood High, can you help him cope up with the past lessons? Since, ikaw naman ang top 1 ng class. Is it okay Ms Sta Maria?"

What? Ako? Ako pa talaga? Pwede naman yung iba kong mga kaklase e. Kaso tsk, ako nga pala ang top 1. Hay, no choice.

"O-okay ma'am"

"Good, so kayo nang bahala sa schedule ng pag rereview niyo okay? Goodluck." Then lumabas na si mam ng room, sumabay na rin kami sa kanya.

"Uh, Chesca.. pwede ba kong sumabay sa inyo? Since wala pa naman akong kaibigan dito."

Uhh, papayag ba ko? Aish. Sige na nga.

"Sure." I smiled at him. Then sabay na kaming naglakad papunta kay Carly.

"Ches! Ang tagal mo--este niyo ata? Anyare?" Tss.

"Ay nako. Uh, Drake meet Carly my bestfriend. Carly meet Drake our new classmate."

"Hi, Carly." Nakipag shakehands siya kay Carly.

"Hallo. So, bakit nga kayo natagalan?"

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na ko ni Drake mag explain.

"Sabi kasi ni Ma'am Fortalejo na tulungan ako ni Chesca na humabol sa lessons."

"Aa, yun lang pala. Gusto mo tulungan kita Ches? Alam ko naman na.. "

"Oo na oo na. Magpapatulong na. Pwede bang kumain na tayo? Nakaharang kasi tayo dito eh."

"Sabi ko nga. Lika na."

At sabay sabay na kaming pumunta ng cafeteria.

Nag presenta na si Drake na siya na daw ang oorder ng pagkain namin. Pumayag naman kami ni Carly.

"Uy, ches. Bakit ganun sayo si Drake?"

"Hmm, I don't know. Bakit mo nga pala natanong?"

"Kasi eh, first day niya dito sa Eastwood High pero ang close niyo na agad."

"Carly, ano ka ba. Ganun talaga, kasi nakikipagkaibigan yung tao. Haha. Ikaw talaga."

"Eh, basta. Feeling ko may kakaiba." Sakto namang dumating si Drake sa table namin.
"Kain na tayo guys." Sinunod naman namin ang sinabi niya. Pero habang kumakain kami ng tahimik biglang may napatumbang babae sa harap ng table namin.

"What the hell?!" Sigaw ni Carly. Natapon kasi yung pagkain niya.

"S-sorry.. s-s-sorry po." Sabi ng babae sa kanya. Bakit ang gulo ng damit at buhok niya? Tsk. Alam ko na kung sinong gumawa nito.

Tatayo na sana siya ng biglang may tumulak sa kanya kaya napaupo ulit siya.
"Ha! You think you can hide? Tsk. You can't my dear, YOU.JUST.CAN'T." Nangingiyak ngiyak na yung babae hawak kasi nung bruha yung buhok niya. Bigla namang tumayo si Drake at tinulak yung bruha palayo at pinrotektahan yung babaeng umiiyak habang inaayos yung salamin niya. Hay, kawawa naman siya.

"Bakit niyo ba siya sinasaktan?!" Sigaw ni Drake sa 3 babae na nananakit sa babae habang tinutulungan ko na itong tumayo.

Nag cross arms pa yung leader nila, "Look who's speaking. The new student. You're brave. But. You don't know anything here so SHUT UP."

"Maybe I don't know anything. Pero isa lang ang alam ko.. na MALI.ANG.GINAGAWA.NIYO."

"Really? Let's see kung hanggang saan yang tapang mo. At ikaw" tinuro niya yung babae kanina. "Hindi pa tayo tapos."

Umalis na siya kasama ang kanyang kampon ng kadiliman at nag flip pa ng hair ang mga gaga. Eh, maiikli naman ang buhok. Tsk.

"Are you okay?" Tanong ni Drake sa babae.
"Yes, o-okay na ko. Thanks for saving me."

"That's nothing." Then he smiled at her. Ang friendly naman neto. Tsk.

"By the way, what's your name?" Tinanong ko siya.

"I'm Maria Imogen Luis. You can call me Imogen."

"Maria Imogen Luis? Ikaw yung top 2 diba ng 4th year diba?" Nakakagulat naman tong si Carly.

Nag-nod naman si Imogen. Ibig sabihin kaklase namin siya? Pero bakit hindi ko alam?

"Classmate ka namin? Pero bakit hindi kita kilala?" Tanong ko, out of curiousity.

"Kasi lagi lang akong nasa likod ng room."

"Bakit ayaw mong tumabi samin? Marami namang vacant seats near us." Tanong ni Carly.

"Nahihiya kasi ako sa inyo eh. Tsaka, natatakot ako sa mga mean girls. Binabalaan kasi nila ako na bawal akong makipag kaibigan." Nakayuko niyang kwento.

"WHAT? THEY SAID THAT?! WALA SILANG KARAPATAN!" napa facepalm na lang ako after kong sumigaw. Pinakalma naman ako ni Carly.

Kumalma na ko dahil sa inis ko. "Don't worry Imogen, we are your friends now. We'll protect you. Wag mong pansinin si Rebecca, Victoria, Mikaela. They're just jealous. I know them, at once na saktan ka ulit nila, malalagot talaga sila sakin."

"Thanks Chesca, Carly, Drake!" Then nag group hug kami.

*riiiiiiiiiiiiiing*

"I guess we need to go back to our room." Sabi ni Carly samin.

Habang palabas ako ng cafeteria, nauna na sila Carly at Imogen. Nagiging close na sila a. Sumabay naman sakin si Drake.

"Ches?"

"Yea?"

"Bakit mo nasabi kanina kay Imogen na kilala mo sila Rebecca?"

"Hmm, well. May past eh. Don't worry, marami ka pang malalaman tungkol sakin." I winked at him.

"Hmm, okay. By the way, you're cute." Ginulo niya yung buhok ko at nauna nang pumasok ng room. Okay.. what was that?

New friends? Hmm, not bad.

*End of Chapter 3*

[A/N: Hey guys! What do you think about Chapter 3? Comment below. ^_^ thanks goys ^_^ ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon