CHAPTER 2

14 1 0
                                    

Chesca's POV

"Ches.."

"Hmm?"

"Ches.." pakiramdam ko lumilindol ang mundo.

"Ches.."

May tumatawag saking lalake.

"Ches!"

Malapit na siya.

"Cheeeeeeeeees!!! Nasusunog na yung bahay natin!!! Waaaaaaah!!!"

Ha? Sunog? Bahay?

WHAT?!

Nagising ako at nagmadaling tumayo sa kama nang malaman kong nakapulupot pala sakin yung kumot. Kasi naman ang lamig lamig kagabi. Kaya ang nangyari..

*PAK!*

"Aw. Aray aray ang sakit. Juskopo. Aray!"

"HAHAHAHAHA! Goodmorning princess! Kumusta ang pangingisda? Marami ka bang nahuli? HAHAHA!"

Pano ba naman kasi nasubsob ako sa sahig at imbis na tulungan ako ng mabuti kong ama e, pinagtawanan pa ko. How great. -_-

"Wow. THANKS DAD. THANKS A LOT FOR HELPING ME." -_-

Alam niyo yung 'kakagising mo lang tapos bi-bwisitin ka pa' feeling? Ugggh.

"Oh. Sorry na po princess. Kasi naman, anong oras na kaya at hindi ka pa bumabangon diyan. Hahaha!" Tinulungan na ko ni dad mag ayos ng kama ko at tsaka na siya lumabas ng kwarto ko.

Bago ako maligo, chineck ko yung phone ko.. to know na.. meron lang naman akong 55 missed calls from Carly (my bestfriend). Ano naman kayang kailangan neto at naka ilang missed call siya? Tawagan ko na nga lang.

'Uy.'

'Chescaaaa!! Bakit di mo sinasagot mga tawag ko kagabi?!'

'Duh, friend.. chineck mo ba orasan niyo? Anong oras kang tumatawag madaling araw? Di mo man lang naisip na baka tulog na tulog ang maganda mong bestfriend nun? Tsk.'

'Aish. Oo na oo na. Makapag sabi ng maganda to. Anw, sa school ko na ikukwento. Ma-late pa tayo e.'

'Okie, mamaya ah. Babaaay!'

Then I ended the call. After that, nag prepare na ko for school.

"Dad, alis na ko. Baaay! Mwah!"

"Okay princess! Take care!" And then I finally grabbed my bag and left. Since malapit lang naman yung Eastwood High School (yan yung school ko) nilakad ko na lang. Okay lang naman na lakarin kasi maaga pa at masayang makalanghap ng fresh morning air dito sa subdivision.

*30 minutes later..

Pagkarating ko sa school, pumasok na ako sa room ko.. [A/N: Guys, ang scene po dito is 2nd grading na. So yeah. Mas marami pa kayong malalaman about sa kanila.. later on.] .. nakita ko kagad si Carly na katabi lang ng seat ko, tumabi ako kagad sa kanya at kinalabit siya. Pano ba naman kasi, aga aga naka tulala. Tsk.

"Huy."

"Umaygahd. Chesca anuba!"

"Anong anuba? Ikaw nga tong nakatulala kay aga aga eh. Ano na yung ik-kwento mo? Dali, habang wala pa tayong teacher."

Nga pala, I'm Chesca Marie Aliyah Charlotte Sta.Maria and this is my bestfriend Carly Red Allison Cruiz. We're 4th year students of Eastwood High. From Section A. Nandito ang mga pinakamatatalino at magagaling sa lahat lahat ng bagay. Kaya grabe ang pressure ang competition. And I hate it. But what can I do? I just have to deal with it and go with the flow.

"Kasi naman Ches, nanaginip ako ng hindi maganda eh."

"Really? About saan? Dali."

"Eto na nga. Atat naman neto. Kasi diba si Matt.. napanaginipan ko siya.. na makikipag hiwalay na siya sakin." Mangiyak-ngiyak niyang kwento sakin.

Sila kasi ni Blue Matthew Fojas mula nung 1st year pa kami. Yun nga lang si Blue nasa section B kaya di niya nakakasama palagi. Pero kapag magkasama naman sila.. third wheel naman ako. Pero grabe 'almost perfect na ang relationship nilang dalawa. Kaya naman nagulat ako sa napanaginipan ni Carly.

"Carly, panaginip lang yan. Hindi yan magkakatotoo."

"Pero Ches, may possibility na mangyari yun ee. Kasi.. lagi nang kulang yung oras niya sakin.. dati naman kahit sobrang busy niya.. hahanap siya ng paraan para makausap ako. Sa text, tawag, or chat. Pero ngayon, hindi na. Ang huling pakikipag usap na lang niya sakin is nung last last last week pa. Tapos kapag kasama ko siya ng personal, tahimik na siya.. hindi na siya masyadong lively tulad dati." At hindi na niya napigilang umiyak. Kaya niyakap ko na siya agad at hinagod hagod ang likod niya.

"Carly, trust him okay? Stop overthinking. It will destroy your relationship. Let your love for each other rule. Not those bad dreams. Dreams are just dreams. Okay?"

"Okay. Thanks Ches." She smiled sadly.

Saktong pagkatapos namin mag usap ay dumating na si Ma'am Fortalejo ang aming adviser.

"Goodmorning class! Sorry kung na-late ako, may inasikaso lang kasi ako sa office. We have a new student." Tumingin si ma'am at nag mouth sa lalake na 'Come in' kaya naman pumunta siya sa tabi ni ma'am. Pagkakita ko sa kanya, nagulat ako.
"Please introduce yourself Mr. Diaz."

"Uhh, goodmorning everyone I'm Drake Caesar Diaz. You can call me Drake"

Narinig kong may mga nagtilian after niayang mag introduce maliban lang sa mga lalake at samin ni Carly. Pano ba naman kasi..

SIYA YUNG NAPANAGINIPAN KO KANINA!

"Ches! Ches! CHES!"

PANO NANGYARING NAGING TOTOO SIYA?!

"CHES!!"

"AY BITUKA MO NALAGLAG!"

"Huy ches! Are you okay? Ang putla mo eh."

"H-ha? A-ako? M-maputla?"

"Oo ches ikaw. Wala nang iba. Sayo nga ako nakaharap eh diba? Tsk. Bakit ka ba namutla bigla? Para kang nakakita ng multo."

"H-ha? W-wala. O-okay lang ako." I smiled.

"Hmm.. okay. Sabi mo eh." Haay. Buti na lang.

"Mr.Diaz, take your seat beside Ms. Sta Maria."

"Hi."

Huh? Tumingin ako sa ceiling para tingnan kung sino yung nag hi. Wala naman eh.

"Hi. Ms Diaz"

Chineck ko ulit ang paligid ko ng pagtingin ko sa kanan ko nakita ko si Drake na nakaharap at naka ngiti sakin.

"Ay. Hehe. Sorry. Hello. ^_^v"

"Haha, okay lang. I'm Drake and you are?"

"Chesca." Nakipag shake hands ako sa kanya.

"Chesca, bakit ang lamig ng kamay mo? Okay ka lang ba? Tsaka ang putla mo." Kinuha ko kagad ang kamay ko sa kanya. At napakamot ng ulo.

"H-ha? M-malamig ang kamay ko? W-wala yan. Ignore it." After nun, humarap na ko kay ma'am at nakinig sa tinuturo niya.

Pero bago pa ko makinig kay ma'am, narinig kong may binulong si Drake. And I heard it clearly. He said, "Cute"

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya, siguro ako yun. Tsk, ang assuming ko naman. Hay, nakinig na lang ako sa lecture ni ma'am.

*End of Chapter 2*

[A/N: Hey readers! What do you think about Chapter 2? You might think you know what will happen next but there's a twist. Just wait and see. ;) ]

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon