Drop 1: Perfect

2.2K 31 4
                                    

Hermes' Thirst

"Napakasaya mo yata, Kaibigan?" Malamig ang tinig na tanong sa akin ng akin matalik na kaibigan at ang aming bagong hirang na pinuno na si Hell Theo Seth.

Ngumiti lamang ako sa kanya bilang tugon. Ayokong maging walang konsiderasyon sa damdamin ng aking kaibigan... mag-tatatlong taon palamang mula ng mangyari ang trahedyang iyon na nagpabago ng lahat sa aming lahi.

"Hindi mo kailangang mailang sa akin Hermes. Masaya ako para sa iyo... kaibigan kitang matalik at sa kabila ng nararamdaman kong walang hangang sakit at pangungulila ay masaya pa rin akong makita kitang masaya kaibigan." Aniya at may isang pilit na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi

Kinikilabutan ako sa ngiting iyon... tila ang ngiting iyon ang nagsasabi ng kanyang kalungkutan at pighati sa pagkawala ng kanyang minamahal.

"Seth..." hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin.

"Ikwento mo sa akin..kung bakit tila napakasaya mo ngayon? May maganda bang nangyayari?" Tanong niya at nilagok ang alak na nasa baso niya.

Narito kami ngayon sa Kastilyo.

Ngumiti ako at tumingin sa kawalan... "Napakasaya ko..dahil sa wakas ay mag-iisang dibdib na kami ni Luna..ang aking pinakamamahal... " kwento ko sa kanya.

Tila natigilan siya sa sinabi ko. Ngunit nakabawi siya at ngumiti...

Isang napakalungkot na ngiti.

Alam ko...

Naaalala niya ang kaniyang namayapang minamahal.

"Masaya ako para sa iyo kaibigan... you deserve the happiness..dahil isa kang napakabuting bampira." Aniya at tumayo at nilapitan ako tinapik ako sa balikat... at sabay sabing "I wish you the best life..you and Luna. Pangalagaan...at protektahan mo ang magiging pamilya mo Hermes... ayokong maging katulad ko ang kapalaran mo. Mahirap.. at masakit. Huwag mo akong tutularan...na hanggang paghihinatay na lamang ang kayang gawin..sa isang walang kasiguraduhang bagay... sana maging masaya ka..." aniya sa napakalungkot na tinig.

Napatingin ako sa kanya.

Kababakasan ng matinding kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Pangako. Susundin ko ang payo mo Seth. Isa kang napakabuting bampira ...at alam kong hindi masasayang ang paghihintay mo..dahil babalik siya... babalik siya tulad ng pangako niya.. kilala natin si Heaven Seth... kung gaano kalaki ang pagmamahal niya para sa iyo..kaya alam kong babalikan kanya..tulad ng nakita ni Luna at Erika sa propesiya. Babalik siya." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya ng malungkot. "Sana nga... Hermes.. " aniya at tumingin sa malayo.

"Ikaw ang bestman ko sa aming kasal. Dumalo ka. Hindi ko papayagang wala ang matalik kong kaibigan sa araw na iyon... ikaw lamang ang tinuturing kong pamilya dahil alam mong wala na ako niyon... kaya wag mo akong bibiguin Hell !" Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin... totoong ngiti.. "Dadalo ako...Kaibigan." aniya


Matapos ang paguusap namin ni Seth ay dumiretyo ako sa tahanan ng mapapangasawa ko... upang tulungan siyang magasikaso niyon.

Ayokong mahirapan sya sa pagaayos niyon...

Nang makarating ako sa bahay ng mga Femour ay agad kong nakita si Luna kasama sina Erika, Hope, Brilliant at Cielo Marie .

"Hermes! Mahal ko!" Salubong sa akin ni Luna na nagmamadaling lapitan ako habang binubuhat ang ibaba ng kanyang mahabang bestida.. (victorian dress)
Sinalubong ko siya ng yakap at halik.

"Naninindig ang mga balahibo ko tuwing nakikita ko kayong ganiyan. " komento ni Cielo Marie na ikinatawa na lang namin.

Hawak-hawak ni Cielo Marie ang isa sa mga nakarolyong papel sa mesa... mga imbitasyong ipamimigay para sa kasal namin...

"Tinutulungan nila ako sa pagaayos para sa kasal natin. Hindi pa din ako makapaniwalang ikaw at ako ay magiging isa na sa susunod na kabilugan ng buwan mahal ko." Aniya. Binalot ng kasiyahan ang puso ko sa narinig.

"Ako man. Mahal na mahal kita Luna. Ikaw lang" sambit ko sa kanya.

Lumipas ang isang buwan at natapos ang pagiisang dibdib namin ni Luna..

Napakasaya namin sa araw na iyon...

Dahil sa wakas...

Ako at ang mahal ko ay iisa na...


Lahat ay nasa tamang lugar...

Perpekto ang lahat.


Lalo na't malapit na kaming magkaanak ng pinakamamahal kong si Luna...


Ngunit hindi ko alam na lahat ng ito ay nakatakdang mabago....

Sucker's Love 4: Revenge Thy Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon