Prologue

3 0 0
                                    

“Congratulations, Alaena!”

I heard everyone shouting out of excitement as I open our main door. Hindi ko rin inexpect na ganito pala karami ang dadalo sa sinasabi ni Mommy na simpleng celebration.

“Thank you so much, po!” Masiglang sagot ko sa kanila habang nakangiti.

“Hinihintay ka ni Venice sa may pool, Sy.” Pasimpleng pagpapaalam ni Kuya Wryzen sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya saka ko pinuntahan ang kaibigan. Napansin ko rin na mayroong bilang na mga tao rito sa pool, siguro ay mas gusto nilang dito na lang tumambay dahil sa dami na rin ng tao sa loob, para magpahangin o para tumanggap ng mga tawag.

“Hi, best girl. Congratulations,” bati agad sa akin ni Venice nang makalapit ako sa kaniya. “Here‘s my gift pala, don‘t worry that‘s the latest kaya pwedeng pwede mong ipagmayabang na ako talaga ang best friend mo,” anito sabay abot sa akin ng mamahaling paper bag na paniguradong naglalaman ng mamahaling bag.

I smiled at her, “Thank you, nag-abala ka pa talaga.”

“Alam ko naman na afford mong bumili ng ganiyan pero kaya ko namang iregalo sa ‘yo kaya iyan na lang ang binili ko.” Sagot nito. “Iyon ba ‘yung crush mo? Hinahanap ka yata,” dagdag nito bago ngumuso sa bandang likuran ko.

Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang mga katagang iyon. Agad akong lumingon sa likuran ko at tama nga siya dahil naglalakad ito at nakatingin patungo sa amin. Ngumiti na lamang ako nang kumaway ito.

“Uh, excuse me ha? Parang I‘m hungry na eh,” palusot ni Venice nang tuluyang makalapit si Tristan sa amin. Naglakad na nga palayo sa amin si Venice, tuluyan na akong iniwan dito kasama si Tristan, ang kaibigan ni Kuya Wryzen.

“Hi, congrats!” Nakangiting bati nito sa akin. I smiled back at him. “Wryzen told me that you love pink and I don‘t really know what to give as my gift so I came up with these pink tulips,” anito saka ihinarap sa akin ang isang bouquet ng tulips, and it is really pink.

“Oh! Uh, thank you, Kuya!” sagot ko agad nang abutin ko ang bouquet na ibinibigay niya.

“I told you, drop the formalities and the Kuya thing. Dalawang taon lang naman ang agwat natin,” he said as he gave a chuckle. “I know you excel academically and I want to say good luck na rin for entering college.” Dagdag nito.

I smiled at him, “Yeah, medyo kabado nga talaga ako sa college. Parang hindi ko yata kakayanin.”

“Kaya mo ‘yon, magaling ka naman. Just choose what your heart wants you to choose. Always choose what makes you and your heart happy. Choose the course you are passionate with para kapag dumating ‘yung oras na nahihirapan ka, wala kang pagsisisihan at wala kang poproblemahing ibang course na dapat ay kinuha mo,” mahabang litanya nito. “I‘ll excuse myself now, Alaena. Wryzen might think that I‘m trying to get into you. Congrats ulit.”Paalam nito.

Tumango naman ako agad sa kaniya at nagbalik ng ngiti saka siya naglakad paalis sa kinatatayuan niya at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod lang din ako sa kaniya papasok ng bahay pagkalipas ng ilang minutong pagpapahangin sa labas, lumalamig na rin kasi ang hangin dahil gabi na rin.

Pagkatapos kong kumain ay hinahanap ko agad si Venice pero nang mahanap ko siya ay bigla na rin siyang nagpaalam na mauuna na umuwi dahil walang magbabantay sa pamangkin nito. Hinatid ko na lang din siya sa labas para mahintay ang sundo nito saka ako pumasok muli sa loob ng bahay.

Nakipag-usap ako sa mga kaibigan ni Mommy and even with Dad‘s friends. Nakipag socialize ako hanggang sa mapunta sila sa puntong unti-unti na silang nababawasan dahil gumagabi na rin at nagpapaalam na ang iba dahil nga may pasok pa sila kinabukasan.

Umupo rin ako sa pwesto nina Kuya Wryzen at ng mga kaibigan niya para makinig lamang ng mga kwentuhan nila habang nag-iinuman. Lagpas 10PM na at halos paubos na rin ang social battery ko pero inaya kasi ako ni Kuya na sumali sa kanila para naman daw mahasa ang tenga kong marinig ang mga problema nila sa kolehiyo.

Huli na rin nang mapansin ko na katabi ko pala si Tristan. Nang umupo kasi ako sa tabi ni Kuya Wryzen ay walang nakaupo sa gilid kaya roon ko napiling umupo. Bale ang pwesto namin ay si Tristan ang nasa kaliwa ko habang si Kuya Wryzen naman ang nasa kanan ko.

“Anong balak mong kunin na course, Sy?” Francine asked, friend ni Kuya.

“Uh, Nursing, Ate.”

“Oh, nice choice. I can help pala!” sagot nito dahil Nursing din ang kinuha nitong kurso. Ngumiti na lang din ako sa kaniya.

“Hindi mo mababantayan ang kapatid mo, Wryzen,” si Kean, kaibigan din ni Kuya.

“Tristan can,” ani Kuya na parang siguradong sigurado na siyang mag-eenroll ako sa parehong university kung saan nag-aaral si Tristan.

“Oh, why me?” Tristan asked calmly.

“Ayaw kong maging pabigat sa ibang tao, Kuya. Kaya ko ang sarili ko,” agap ko kay Kuya Wryzen saka yumuko.

“No, I didn‘t mean that I don‘t want to look over Alaena. I was just asking why me though? Francine also studies there,” pagkaklaro ni Tristan.

“Oh, my pleasure naman talaga to look over Alaena. Girl crush ko kaya ang batang iyan!” masiglang sagot ni Francine.

“Ayaw mong bantayan kasi gusto mong bakuran, ganoon ba?” Kuya Wryzen asked which made me lift my head up kung sinong tinatanong niya. There, I saw Kuya Wryzen look at Tristan with a smirk on his face.

Nagtawanan naman ang ibang kasama nila Kuya Wryzen at ngumiti lang sa akin si Tristan. I was clueless with their conversation. I needed space, na parang hindi ko rin maprocess ‘yung usapan nila. Really, college students nga naman talaga sila. Hindi ko nga masabayan kung anong sinasabi nila kaya nag-isip na lang ako ng palusot para makaakyat na ako sa kwarto ko dahil ramdam ko na rin ang pagod sa buong araw.

“Uh, excuse me. Mom‘s calling me,” I excused myself. Kuya Wryzen‘s friends smiled at me and gave me a nod as I excused myself.

Dumiretso na lang din ako sa kwarto ko para makapag shower at makapagpahinga dahil sa tuluyang pagpaparamdam ng antok at pagod sa aking sistema.

Take It Away, Wild WavesWhere stories live. Discover now