Chapter 3

1 0 0
                                    

Apologize

“Sy, tara kape?”ani Venice na nagtatatalon na naman sa gilid ko habang naglalakad kami palabas ng university.

“Sige, tara!” I exclaimed!

I told Kuya Carlo, my driver to give us a ride to the nearest coffee shop. It's already 10PM pero kakalabas lang namin ng university.

Tumambay pa kasi kami sa library para hanapin ang libro na naglalaman ng mga informations na kailangan namin para sa susunod na topics.

Bukas naman ang school library 24/7 para sa aming mga mahilig tumambay sa gabi at sa mga nananatili sa malapit na apartments at dorm sa loob ng university.

“What happened pala kay Tristan? Did you meet na ulit? Ang tagal mo na siyang crush tapos ngayon mo lang nalaman na takot siya sa pusa?” tanong niya bago kami makasakay sa kotse.

“I don't know, I heard nothing about him for the past few weeks,” I stated.

Nanahimik siya sa buong byahe at dahil nga malapit lang ang pupuntahan namin ay agad din naman kaming nakarating. Bumaba ako ng kotse at sumunod naman siya.

Pumasok kami sa coffee shop at hinayaan siyang umorder. I let her pay for my coffee since nahihiya na raw siya at palagi na lang ako ang nagbabayad.

“Wala ka na bang ibang nabalitaan sa kaniya maliban sa takot siya sa pusa?” Tanong niya pagkatapos magbayad.

“Hmm, wala na. It's okay though. I'm comfortable having Nabi around than him naman.” I answered.

“Sino ba iyong pinuntahan? Babae raw ba?” Venice asked. Naglakad naman ako papunta sa bakanteng upuan malapit sa dulong bahagi ng coffee shop.

After the dinner, umalis na rin siya agad at naunang nagpaalam kaysa sa iba dahil sa biglaang pagtawag ng kung sino sa kaniya. He told Kuya na susunduin niya ang kaibigan niya malapit sa school dahil nasiraan daw ito.

“I don't know, hindi naman ako nagbigay masyado ng atensyon sa paalam niya. Basta ang sinabi niya lang ay may susunduin siya kasi nasiraan daw ng kotse and the same school as ours,” I explained.

Binuksan ko ang phone ko para itext si Mom at Kuya kung may gusto ba silang ipabili.

To : Mom
Hi! Nasa coffee shop ako, My. May ipapabili ka po ba?

To : Kuya Wryzen
Hi! Nasa coffee shop ako. May ipapabili ka?

Ibinaba ko ang phone ko nang dumating ang order namin. I smiled as the woman served it. Sinulyapan ko pa ang name plate nito saka ngumiti.

Nang maubusan si Venice ng kwento ay sakto namang naubos na namin ang coffee at sweets na naorder namin.

“Tara na?” She asked. Sinulyapan ko ang phone ko at tiningnan kung may reply si Mommy at Kuya.

From : Mom
Nothing. I am baking cookies, dear.

From : Kuya Wryzen
One latte. Don't buy cookies, Mom's baking.

“I'll just order Kuya's latte,” saad ko kay Venice.

Tumango naman ito at ngumiti. Pumunta ako sa counter para sabihin ang order ko at sakto naman na ang babaeng nagserve kanina ang nasa cashier.

“Hello, Ma'am. Ano po ang order ninyo?” Magalang niyang tanong.

“Two latte, please,”I stated. She smiled at me.

“Take out po o dine in?” tanong niya.

“Take out,” I said then smiled.

“Pahintay na lang po ng order, ma'am.” She excused herself.

Take It Away, Wild WavesWhere stories live. Discover now