Chapter 2

1 0 0
                                    

Afraid

“It's raining, do you have any umbrella with you?” dinig kong taong niya habang naglalakad kami.

“Saan ka ba nag park?” takhang tanong ko.

Ang alam ko kasi ay covered lahat at siguradong hindi kami mababasa hanggang makarating sa parking lot.

“I parked outside. My car ca‘t be inside the parking lot, ibang kotse ang gamit ko. May pasok at wala akong orange card."

Napapikit ako sa narinig. Naalala kong saka lang pala nagbubukas ang guard ng parking for unregistered cars and outsiders kapag may program o ganap sa school at kapag may orange card itong dala kapag class days. Ang isang student kasi ay may karapatang mag park ng sasakyan sa parking lot if, only if may car talaga sila and isa lang talaga ang inirerehistro na car kada student.

“May payong ako pero maliit lang, mababasa tayo pareho kung dalawa tayo,” I explained.

Ngumiti lang ito at sinimulang hubarin ang hoodie na suot nito na naging dahilan para pagtinginan kami ng mga nagsisiuwian na ring mga estudyante dahil magkaiba kami ng suot na uniporme. Malamang ay pre-med student ako at siya naman ay nagtitake ng pre-law course.

“Wear this and stay here,” he said then gave me his hoodie. Agad ko naman itong sinuot. “Pahiram muna ng payong mo, kukunin ko lang ang payong ko sa kotse.”

Agad kong binuksan ang bag ko na bitbit niya saka ko kinuha ang payong na nasa loob nito. Agad din naman siyang umalis dala ang bag at ang payong ko.

Nakatitig lang ako sa sapatos kong medyo basa na dahil nga sa ulan at pinapanood ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa ilalim ng malakas na ulan.

Nang mamataan ko siya sa malayo ay tumayo ako ng tuwid at hinintay siyang makarating sa pwesto ko. Nang makalapit siya dala ang payong niya, iniabot niya sa akin ang payong na kinuha niya sa kotse.

Halatang hindi kasya ang payong sa kaniya dahil sa tangkad nito, basa na rin ang ibabang parte ng pants ng uniform nito dahil sa paglalakad sa ulan.

“Can we switch? I'll use mine,” I stated. Umiling naman ito saka iniabot sa akin ang payong niya. “What? Mababasa ka lang sa payong ko, ang tangkad mo o!”

“I'll use your umbrella then you use mine. Mahirap na at baka lagnatin ka tapos ako pa ang sisihin ni Zen.”

Nakasimangot kong kinuha ang payong niya saka kami naglakad palabas ng school. Hindi ko alam kung saan siya nag park ng kotse niya kaya hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad.

He owned a silver MUX and bagay naman sa postura niya. Also considering his course, pre-law, magandang tignan sa kaniya.

Nang makasakay sa kotse niya, bumungad sa ilong ko ang amoy ng kotse niya. Hindi ko alam kung amoy ng kotse niya o pabango niya, hindi kasi ito katulad ng pabango ni Kuya na masakit sa ilong kaya nagdadalawang isip ako kung pabango ba iyon ng lalaki o hindi.

He went inside and started the engine. Halatang halata ang pagkabasa ng magkabilang balikat niya dahil sa payong na ginamit nito.

“I told you to use your own umbrella but you used mine instead, hindi ko na kasalanan na nabasa ka because you insisted to use mine,” I told him but he just started to maneuver his car.

Tahimik lang kami buong byahe. Minsan ay tinanong niya ako kung may dadaanan ba ako o wala and i just answered him a no kasi wala naman talaga akong dadaanan.

Nang makadating kami sa bahay ay saka naman ang pagtila ng ulan, papansin lang talaga siya at umulan kung kelan nasa labas pa ako kanina at ngayon naman na nakauwi na ay saka naman siya mawawala o titila, nakakadagdag ng sama ng loob.

“Alaena, anak! Hindi mo ba pinahiram ng payong si Tristan? Bakit basang basa siya?” Mom asked when I ran towards her to give her a kiss on her cheeks.

“You should've asked me first, right?” Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

“She let me use her umbrella, Tita. Her umbrella's just so fine and I see nothing wrong with it, I am just that tall for me to get wet with the heavy rain outside,” he explained to Mom.

“Oh! I see, do you have spare clothes with you?” Mom asked him. He then nodded.

“Sa kwarto lang ako, My,” I excused myself. Mom nodded then I started to walk upstairs.

Bumungad sa akin ang pusang si Nabi na prenteng natutulog sa higaan niya. I tapped her head before walking inside my walk-in closet.

Pumili ako ng susuoting damit para sa dinner na hindi naman dapat ako kasali saka dumiretso sa banyo para mag shower.

Pagkatapos magshower ay nagpalit agad ako at inilapag ang mga school papers sa study table ko para simulan ang pagbabasa para sa susunod na topic namin sa school.

I was searching something about the topic on the internet when Nabi came to my laptop's keyboard to interrupt me from studying.

Hinaplos ko ang ulo nito na agad naman nitong nagustuhan dahil sa paghiga nito sa keyboard ng laptop ko.

“Nabi, I am busy studying, get down,” bulong ko rito at agad naman siyang tumayo para lumipat sa kama.

Inilapag ko sa kama ang mga yarns at toys na para sa kaniya at hinayaan na siyang maglaro. Tumayo ako para kunin ang phone ko sa study table para kunan ng litrato si Nabi na naglalaro na sa kama.

“Here, tingin sa camera,” malambing kong tawag pero ayaw nitong lumingon dahil sa paglalaro.

I took some more photos of her until I heard a knock from my room's door.

“Come in,” I shouted while editing some Nabi's photos for me to post it on my ig story.

“Uh, Alaena..” I heard a familiar voice which made me lift my head up. There, I saw Tristan. Sumulyap siya sa kama ko bago nagsalita. “Inutusan ako ni Tita na tawagin ka raw, dinner's ready,” he stated.

“Uh, okay. Sunod na lang po ako,” I said then stood up to fix my books and papers na nakakalat sa mesa.

Umalis naman siya agad. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay saka naman umakyat si Kuya para kausapin ako.

“Why?” I asked him.

Tumingin lang siya kay Nabi na ngayon ay tulog na sa kama. Nilingon ko rin si Nabi at nakakunot ang noo kong sinulyapan si Kuya.

Anong problema kay Nabi? Everyone looks so worried about her. Nothing's wrong with her naman ah! Matagal na nga siya rito sa bahay e!

“Hindi naman lalabas ng kwarto mo si Nabi, no?”Kuya asked.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya. Lumapit ako sa kama para buhatin si Nabi palipat sa higaan niya.

“What's wrong? She's sleeping. Saka lang naman ito lumalabas kapag pass 9 na at kapag kukuha lang ako ng gatas sa baba. She‘s been with me for 3 years now,” I explained.

“Pakisarado na lang muna ng pintuan mo at hayaan mo na muna siya rito, huwag mo na rin muna siyang palabasin,” Kuya stated. I nodded kahit na naguguluhan ako sa nangyayari.

“Tristan‘s afraid of cats,” he said before turning his back to me.

Take It Away, Wild WavesWhere stories live. Discover now