FIRST BEEP

10 0 0
                                    


Isang gabi, habang paalis na ako ng opisina, 

nakasalubong ko sa daan si John Lerry, ang aking kaibigan sa trabaho.


Hoy Marlon! Alis na ako, mauna na ko sayong umuwi. 

Ang sabi ni John Lerry.


Ingat! 

Ang sagot ko sa kanya.


Habang tinitignan kong sumakay ng elevator si John Lerry ay napansin kong naiwan niya ang kanyang Panasonic Portable Cassette Player.


Kailangan ko itong maiabot sa kanya dahil alam kong hindi niya kayang suungin ang matinding trapik ng lungsod kung wala ito.

Sinubukan ko siyang habulin ngunit mabilis siguro siyang nakasakay ng taxi. 

Naisipan ko nalang dalhin pauwi para maiabot sa kanya kinabukasan. 


______________________

Habang nasa biyahe ako, sakay ng kakarag – karag ng ordinary bus ng Marikina,

Naisipan kong galawin ang cassette player,

Isinuksok ang earphones sa tainga.

Napansin kong may bala naman sa loob at pinindot ang "play" button.


Tunog Kalye compilation album ng EraserHeads pala ang nakasalang.

"Bilanggo, sa rehas na gawa ng puso mo, Bilanggo-oh. sa gapos na dulot ng pag-isip sa 'yo."

sabi ni Eli Buendia sa aking tainga. 


Napangiti ako sa ganda ng kanta,

napalingon ako sa bintana na para bang ako'y nasa pelikula.

Sa sobrang paglingon lingon at kaartehan ko ay may napansin akong nakasulat sa likod ng sandalan ng upuan na nasa aking harapan. 


I need a friend, guys only!

Just beep me up, darling! 

1277-22219. Sabi sa sulat.


Natawa na lang ako bigla dahil sa awa para sa mga taong gumagawa ng ganyang mga bagay.

Desperasyong makahanap ng pag-ibig galing sa kawalan.


Hindi ko na lamang pinansin ang nakasulat

Tuloy – tuloy ang tenga sa pakikinig,

Kumukumpas ang aking braso sa kanta ng Eraserheads.


Pero hindi ako mapakali!


Napapatingin ako sa numero na tila ba umiikot sa aking paningin.

Naisip kong kopyahin ang numero sa tissue ng Tropical Hut na nakaipit sa aking bulsa,


"Ibibigay ko to kay John Lerry para tigilan na niya yung matabang GRO sa Ka-Efren Madulas' Beerhouse, nakakaawa." Sabi ko sa aking sarili. 


-itutuloy-
















LOVE HACKS: A Retro Love Story (Filipino Version)Where stories live. Discover now