THE FIRST TALK

6 0 0
                                    


Dahil day off ko naman kinabukasan, naisipan kong bumili ng isang bote ng Gold Eagle Beer.


"Toy, iyan ay singkwenta pesos lamang ay." Sabi ng tindera.


"Eto ho ang bayad oh, salamat po." Sagot ko naman.


-----------------------------------------

Ako lamang mag isa sa apartment na aking tinutuluyan.

At hanggang ngayon ay pinapakinggan ko pa rin itong cassette ni John Lerry habang naglalaro ng Donkey Kong.


Ano pa nga ba ang gagawin ko, wala naman akong ibang pinag kaka abalahan labas sa aking trabaho. 


Naisipan ko pang sundan ng isang bote 'tong iniinom ko,

Nang sa paghatak ko ng tapwe sa aking bulsa,

Lumabas din ang tissue na pinagsulatan ko kanina.


Tinitigan ko lamang ang tissue ng matagal,

Para bang may demonyong mumubulong sa akin na tawagan ang numero.


Laking pagtataka ko na beeper number pala ang nakasulat at hindi telephone number.


Sinubukan kong tawagan.


"Hello, this is Alice, what's your message, sir?" Sabi ng isang operator.


"Uhh,.. ano, nakuha ko itong number mo kung saan, eh, Interesado akong makilala ka,"

"Pwede mo ring ako i-beep kung gusto mo."

Kabadong balik ko naman sa operator.


"Is that all sir? " Tanong ng operator.

"Yes" Sagot ko sa kanya. 

"Okay, sir" sambit ng operator. 


At doon na naputol ang linya.


Hindi ako sanay sa ganito,

Ang mangilala ng tao,


Pinagpapawisan ako ng malamig sa pag-aantay ng reply.

Nang biglang nag beep ang beeper ko.


"Hi, this is Sandra, Kamusta ka?"


Dahil narin siguro sa kalasingan,

nagiging magaan ang loob ko sa estrangherong kapalitan ko ng mensahe.


"Alam mo bang matagal na kitang hinihintay,"

"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? " 

Sabi ni Sandra sa kabilang linya.


Medyo kakaiba lamang dahil sa beeper lang niya gustong makipag – usap.

"Baka Introvert din tulad ko" bulong ko na lamang sa sarili ko. 


-itutuloy-






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE HACKS: A Retro Love Story (Filipino Version)Where stories live. Discover now