Chapter 1

58 7 2
                                    

Sniper's POV

Tahimik na nakatutok ang aming mga mata sa laptop. Gamit ang suot na necklace ni Agent Lex ay malinaw naming nakikita ang mga nangyayari sa loob.

Ngayong gabi ay mayroong event, one of the most successful businessmen in Paris's wife celebrates her birthday tonight. But nobody is aware that this party is just a front for an illegal drug transaction, which is the actual reason for holding this gathering in the first place.

“There is no doubt that the reason they are successful in business is that they sell drugs rather than luxurious cars.” Seryosong wika ni Agent Moth.

He's right. Sino ba namang mag-aakala na sa likod ng malinis nilang image sa publiko ay nakasangla na pala sa demonyo ang kanilang mga kaluluwa. Dahil sa kasakiman at kagustuhan nilang magkaroon ng sandamakmak na pera ay maraming kabataan ang nalulong sa droga at nasira ang buhay, dahil din dito ay marami ang gumagawa ng kasamaan sa kanilang kapwa kaya naman pinadala kami rito ng BMA para lutasin ang ganitong kaso.

Kaya naman ngayong gabi ay sisiguraduhin naming mapapabagsak at mahuhuli si Mr. Maurice Moreau at ang asawa nito, maging ang lahat ng business partners nilang kasangkot sa illegal activities.

“Our people are on standby in the positions assigned to them.” Pagbibigay alam ng aming leader na si Agent Storm.

“All we have to do now is wait for Agent Lex to give the all-clear.,” wika naman ni Agent Moth.

Pero nangunot naman ang noo ko nang nag iba ang direksyon ng dinaraanan ni Agent Lex. Wala sa plano ang lumiko at mag tungo sa fourth floor.

“What is Agent Lex doing?” bulong ko na hindi malabong narinig din ng iba. Bumaling ako ng tingin kay Agent Storm at Moth, at maging sila ay nagtataka rin sa ginagawa ni Agent Lex. Agent Lex became the bait instead of me, siya ang sumailalim sa disguise for reasons unknown to us, our mission's leader assigned each of us an assigned task to do. Agent Lex applies to work as Mr. Moreau's secretary while posing as the Italian painter's daughter na agad namang natanggap dahil sa maamo nitong mukha.

Maybe the leader didn't base Agent Lex and I's appearance to be Mr. Moreau's secretary, right?

What are we doing here, Sir? tanong ni Agent Lex kay Mr. Moreau, unti-unti itong lumapit kay Agent Lex at inikutan. Maya-maya pa ay biglang tumapat ang mukha ni Mr. Moreau sa necklace na suot ni Agent Lex, hagip dito ang dahan-dahang pag haplos nito sa matayog na dibdib ni Agent Lex kaya nataranta si Agent Moth.  

“Damn! It wasn't in the plan! What are we going to do?” nag-aalalang tanong nito. Habang si Agent Storm naman ay seryosong nakatutok ang mga mata sa spy cam at itinaas ang kamay nang akmang tatayo na si Agent Moth.

“Stay still. Agent Lex can handle it.” Dahil sa sinabi nito ay napabuntonghininga na lang si Agent Moth ngunit lahat sila ay nagulat nang magkaroon ng dugo ang spy cam at natumba si Agent Lex. Nanlaki mga mata ni Agent Moth at Storm dahil hawak na ngayon ni Mr. Moreau ang necklace at sinira ito.

Kasabay n’on ay agad akong tumayo na ipinagtaka ng dalawa. Hinubad ko ang suot na MBA uniform at pants saka hinablot ang dress na nasa bag ko’t agaran itong sinuot. Nang lumingon naman ako sa dalawa ay laglag ang kanilang panga dahil sa ginawa ko.

“Wa—wait! Where are you going?” akmang lalabas na ako nang hawakan ni Agent Storm ang kamay ko’t balak akong pigilan. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad niyang binawi ang kaniyang kamay.

LUDM SERIES 4: Capturing The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon