Chapter 2

44 2 1
                                    

Sniper's POV

“Mom, Dad, nakakuha po ako ng mataas na marka sa school!” nasisiyahang sabi ko kay Mommy and Daddy habang hinahanda nila ang aming hapunan.

“Wow! Congratulations, my baby girl!” ika ni Mommy at niyakap ako.

“We're so proud of you, Darling! Manang-mana ka talaga kay Daddy—” pinutol naman ni Mommy ang sinasabi ni Daddy at hinila ang necktie nito.

“Anong mana sa ’yo na sinasabi mo r’yan, Dimistro? For your information, sa akin mana ang anak ko.” Hila-hila pa rin ni Mommy ang necktie ni Daddy habang naniningkit ngunit mabilis na nahawi ni Daddy ang kamay ni Mommy at inilagay sa magkabilang gilid ni Mommy ang kaniyang mga kamay dahilan upang makulong si Mommy sa mga bisig ni Daddy.

Bakas naman ang gulat sa mga mata ni Mommy at hindi inaasahan ang ginawa ni Daddy, napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya napahagikhik ako habang nakalagay ang mga palad sa aking magkabilaang pisngi.

Dahil naman sa ginawa ko ay sabay na napatingin si Mommy at Daddy sa ’kin at muling ibinalik ang tingin sa isa't isa ’tsaka tumango. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita tumakbo sila kaya tumakbo ako patungo sa salas. Pero sa huli ay nahuli nila akong dalawa.

“Akala mo ba makakatakas ka sa amin?” natatawang tanong ni Mommy at Daddy sabay pugpog ng halik sa leeg ko at kiniliti ako sa bawat parte ng katawan ko.

“Ahh! M-mommy—s-stop, D-Daddy!” pilit akong kumakawala sa atake nilang kiliti ngunit mas kiniliti nila ako kaya napapikit ako at panay halakhak.

Ngunit ang masayang senaryong iyon ay naputol sa biglaang pag bukas ng pinto na ikinagulat ni Mommy at Daddy lalo na nang makita ang lalaking naka-suite.

Itinago ako ni Mommy at Daddy sa likod nila kaya nag taka ako. “What are you doing here, Zamoro?” pero mas nagtaka ako sa pagbabago ng tono ng boses ni Daddy.

Sumilip ako sa pagitan ng hita ni Daddy kaya nakita ko ang lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil may suot siyang scary na maskara.

I'm aware of what your wife did. But if you return my wife's life, I'll forgive you!” nanlaki mga mata ko nang makitang may hawak na siya ng baril. Ramdam ko ang gulat ni Mommy dahil sa panginginig ng mga kamay niyang nakatago sa likod niya.

Zamoro, you know what you want is impossible! I am not God, and I cannot return the life that God has taken away!” sagot naman ni Dad.

I know you can because I read your inventions document in my wife's office. It claims that you invented something that can extend the life of a dying person—”

But your wife is no longer alive! That medication is only for the terminally ill, not the dead!

Then, whether you like it or not, you'll come with me in making medicine to save my wife's life!” nanlaki mata ko nang itutok niya ang baril kay Dad. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Mom and Dad kaya bumilis ang kabog ng aking dibdib.

Daddy, Mommy...

“Bad ka! Bad ka!” lumapit ako sa lalaki at pinagpapalo ang tyan niya, napapikit naman ako nang makitang hahampasin niya ako ng baril ngunit ng mag mula ng mga mata ay hawak na ako ni Mommy habang si Daddy nakikipag-agawan ng baril sa lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LUDM SERIES 4: Capturing The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon