Aleia
"Badtrip! 'Yung Yakult na binili ko kanina sa labas, expired na!" Reklamo ni Tati at pinakita kay Aleia ang Yakult na hawak
"Three days expired na 'to, beh." Ani Aleia at natawa lang silang dalawa.
"Kapag sumakit tyan ko, 'lam mo na." Biro ni Tati.
Pakatapos nilang maglunch naisipan nilang tumambay muna sa ipinagmamalaking botanical garden ng university nila. May 30 mins pa naman sila bago magstart ang kanilang next subject.
Magkaiba ang section ni Aleia at Tatiana, pero parehas silang STEM student. They've been friends since their junior high school and continue to be friends up until now as they both transferred to the same university for senior high school.
"'Di ba class president niyo si Alexis?" Tanong ni Tatiana, napatingin naman si Aleia sa kanya at tumango.
"Bakit? Anong meron?"
"Wala naman, rinig ko kasi sa classmate ko na mukhang may meeting ang mga class president ngayon." Sagot naman ni Tatiana.
"Baka tungkol sa intrams o acquaintance?" Ani Aleia.
"Totoo ba na may akwe tayo?"
"Ewan, hindi 'ko sure. Nakita ko lang naman sa university freedom wall na halos lahat ng students nagrerequest ng akwe or intrams." Sagot ni Aleia at tiniklop ang kanina pang binabasa na libro.
"Nako, sana may akwe tayo! Or intrams man lang since miss ko ng maglaro ng volleyball!" Ani Tatiana.
Napailing si Aleia. "Palagi ka kayang naglalaro ng volleyball." Sagot nito.
"Iba ang level ng competitiveness ko kapag may mga audience or hindi kaya mga real deal ang kabalan." Saad Tatiana at pinaglaruan ang hawak na expired na Yakult.
"What if may intrams nga tayo? Ano kaya magiging set up? By section ba or strand or department? Or like parehas noon sa dating school natin na apat na teams tapos mixed up?" Sunod-sunod na tanong ni Aleia.
"Leia, huwag mo akong tanungin tungkol d'yan. Wala rin akong alam kagaya mo. Pero if ever nga talaga na may intrams, feel ko by department. University na kaya pinapasukan natin. Pero mga 90% sure ako na by department, like College of Technology, College of Commerce, Senior High School Department, mga ganon. Whole university kaya ang magce-celebrate nga intrams." Sagot naman ni Tatiana.
"Well, may point. Pero teka nga, kanina mo pa pinaglalaruan 'yang bote ng Yakult, what if itapon mo na 'yan?" Ani Aleia, natawa naman si Tatiana.
"Uminom ka ba n'yan?" Dagdag na tanong nito, nanlaki naman ang mata ni Tatiana.
"Luh, bakit naman ko naman 'to iinumin? Expired na nga. Hindi na pwede." Sagot nito.
Napatingin naman si Aleia sa wrist watch niya and it's already 12:45, 15 minutes before their next class.
"Anong oras na pala, tara alis na tayo." Pag-aya ni Aleia sa kaibigan.
"Anong oras na ba?"
"15 minutes before the next class." Sagot ni Aleia, without a word dali-dali namang tumayo at tumakbo si Tatiana, leaving Aleia behind in a state of shock.
"May meeting pala kami ng mga ka-groupmates ko para sa ESci! I need to go, see you later!" Sigaw na paalam ni Tati, napailing nalang si Aleia, buti talaga at walang tao sa botanical garden.
Aleia was about to leave when she noticed the bottle of Yakult na kanina pa pinaglalaruan ni Tati. It was opened pero walang bawas. Kinuha naman iyon ni Aleia at tinapon ang Yakult sa malapit na basurahan.
"Ops, ano 'yon?"
"Ay butiki ka!"
Nagulat naman si Aleia nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Good thing she didn't trip or anything. Agad siyang lumingon para tignan kung sino 'yon. Akala niya silang dalawa lang ni Tati kanina ang nakatambay sa botanical garden.
To her surprise it was the student na palagi niyang nasasalamuha sa corridor ng Gamboa Hall, she doesn't know him personally pero ang alam niya lang ay STEM student din ito.
How? He's giving STEM student vibes for Aleia. Isa pa, sa Rada at Aguirre Hall ang mga classrooms ng STEM na madadaanan ang Gamboa Hall.
"Do I look like a lizard to you, Miss?" Birong tanong nito at medyo natawa pa.
Gustong umirap ni Aleia pero pinigilan niya ang sarili kasi mas nauunahan siya ng kaba ngayon. Her social skills sucks.
"No, sorry. Nagulat lang ako." Aleia said, trying to calm herself.
"Are you okay, Miss? You look so tense." Bakas sa boses ng estudyante ang pag-aalala.
"A-ah, yes, of course. I'm okay." Sagot ni Aleia.
Why is he still talking to me? Hindi niya ba ramdam ang awkwardness? Or nag-ooverthink lang ako?
"Anyway, uh, can I help you with something?" Tanong ni Aleia since he's the first one to approach her.
The guy just waved his hands and shook his head.
"No, no. I just saw you throw away the Yakult. Mukhang walang bawas pa naman 'yon." Sagot nito.
Ay, marites din pala 'to.
"Hingin ko sana, favorite ko kasi ang Yakult." Bibong anito.
Aleia's faced changed, from tense to confused. "Ah, expired na 'yon." Maikling sagot niya. Napa-'ah' naman ang lalaki at mahinang natawa.
"By the way, I'm Gio..." he suddenly introduced himself, flashing a bright smile and offering a handshake.
Aleia was obviously taken aback because... Why would this guy suddenly approach her and introduce himself to her?
Not to be rude, Aleia returned the favour.
"Uhm, Aleia." Sagot naman ni Aleia and both of them shook hands.
"Nice to meet you, Aleia." He said flashing a (mischievous) smile.
"Likewise... Gio."
"Papunta ka ba ng Gamboa Hall?" Tanong ni Gio, Aleia was hesitant at first but just nodded at the end.
Technically, hindi siya pupunta ng Gamboa, dadaanan niya lang ito since sa Rada ang classroom niya, malapit sa Gamboa.
"Nice, sabay nalang tayo." He said and flashed a bright smile, again.
Hindi alam ni Aleia kung ano ang nangyayari.
Why would a total stranger just approach me and... makikisabay? Wala ba siyang friend? Ang bait niya naman. Isa pa, bakit ba 'to panay ngiti?
While Aleia's lost in her own thoughts, hindi niya namalayan na sinusundan niya na pala si Gio.
What the... It's okay naman siguro to follow him, hindi naman siguro ako mawawala sa sarili kong Uni. Pero what the hell just happened? What a weird, unusual, odd, unexplainable day.
BINABASA MO ANG
City of Love: Unveiling Her Heart
Novela JuvenilAleia is known for being the love guru in her circle of friends, but in reality she has never been in a relationship before. Yes, she has experience talking with guys (a lot, actually) but it never goes beyond that. She just doesn't see herself bein...