Prologue

36 3 5
                                    

“Pangako ko sa’yo I will give you my heart, cross my heart hope to die.” sabi ng batang umiiyak sa isa pang bata na kausap n’ya

“Talaga?? Pinky promise?” sagot ng batang cute na cute sa kanyang ipit na malaking butterfly

“Promise! When I grow up, I'll find you. Peksman! Pinky swear!” sagot ng bata na umiiyak pa din habang inaabot ang kanyang pinky finger sa batang kaharap.

Then the promise is sealed.

.........


DENISE'S POV

Andito ako ngayon sa lugar, na kahit kailan hindi ko inasahang magiging tagpuan natin.
Nakatitig lang ako sa kanya, habang tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha.

“Bakit kailangang mangyari sa atin ‘to Basty?! hmmm  Ang sakit sakit! Nangako ka sakin hindi mo ko iiwan!” sigaw ko sa kanya

“Sumagot ka Basty! sumagot ka!” sigaw ko pa rin sa kanya

“Kulang ba ako, para lumaban ka, at wag sumuko? Kulang ba ang pagmamahal ko sa ‘yo, para hindi ka bumitaw?! Bakit ang daya mo?! hmmmm *sob *sob *sob sobrang daya daya mo Basty!!” umiiyak kong sumbat sa kanya

“Sabi mo sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin! ---‘Di ba, we will travel around the world, and eat all the street foods sa iba’t ibang lugar na mapupuntahan natin. Yung tipong magdadrive lang tayo ng magdadrive kung hanggang saan tayo abutin ng sunset, tapos sabay nating papanoorin ang paglubog ng araw.” sumbat  ko pa rin sa kanya, baka sakaling magbago ang lahat.

Sobrang bigat na ng nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Pilit akong naghahanap ng sagot sa kanya kung bakit n’ya ko iniwan.

“Hindi ko ‘to deserve. Ang dami nating mga plano Basty! paano na lahat ng mga yun?

pati na ang plano na  makasama ka hanggang sa pagtanda, naglaho na din” umiiyak  kong sabi sa kanya.

Hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko, pati ang walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko hindi ko na din mapigilan.

Hanggang sa nawalan na ako ng lakas at napaupo na lang ako sa lupa kakahanap ng sagot sa kanya.

“Ngunit kahit sigawan pa kita, sisihin sa lahat. Wala na ding saysay.. Wala na ding magagawa ang lahat ng panunumbat ko sa ‘yo.. wala na...
---hmmmm *sob *sob  kung hindi iiyak at iiyak ko na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko.” nanghihina kong sabi

Sobrang halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam, how will I start my life again. Marami akong tanong sa isipan ko habang lumuluhang nakatitig

.....sa puntod ni Basty..

Its been 2 years since Basty died from a car accident. That accident... that quickly change my life.

My life with him is pure of love. Hindi lumilipas ang araw na hindi n’ya ko napapasaya. He make sure that buo palagi ang araw ko even he’s being so corny na with his jokes just to put a smile on my face.

Pero things change, ang  dating makulay na mundo ko naging madilim at malungkot na.

Kahit ngumiti, hindi ko na din magawa. Hindi ko alam bakit nangyari ito. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Nagagalit ako sa mundo, bakit si Basty pa ang nawala. Maraming mas masasamang tao sa mundo na dapat wala ng karapatang mabuhay pa, pero still living at nagagawa pa din ang mga kasamaan nila.

Sobrang unfair ng mundo...

“Bakit???...... Bakit s’ya pa???... Bakit?!!!” sigaw ko sa kalangitan, baka  sakaling maramdaman Nila ang sakit dito sa puso ko.

Love Beneath WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon