LBW 2

17 3 2
                                    

DENISE'S POV

Nagising ako sa ingay sa labas. Sabado naman ngayon, walang klase kaya pwede akong late ng bumangon. Pero hindi na ako makatulog dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Naririnig ko pa ang tawa ni Mami La.

Lumabas na ako ng aking kwarto ng pare-parehas kaming nagulat dahil sa pagsigaw ko.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya

"Di ba now natin i-make ang project natin" slang na sagot niya sakin

"10am sabi ko ah bakit ang aga mo?" balik kong tanong sa kanya

Oo nga pala ngayon kami mag-gagawa ng project ni Basty.

"Yeah I've just arrived here 9 am" ngiting sagot niya

At nagulat naman ako ng tiningnan ko ang wall clock namin, it is already 12 in the afternoon. WHAT! Halos 3 oras na din s'yang nag-aantay sakin. Kaya pala naghahanda na sila ng pagkain sa lamesa.

"I'll teach you next time, the Filipino time!" sigaw ko sabay takbo  pabalik sa kwarto para mag-ayos na ng sarili ko.

Bakit kasi hindi ka nag alarm Denise. Nakakahiya kay Basty. Baka isipin niya ang tamad-tamad mo.

Nagmadali na akong mag palit ng damit. Plain white v-neck shirt at maong short na lang sinuot ko tapos nag ponytail lang then bumaba na ako para makakain na kami.

"Oh ayan na pala si sleeping beauty eh" natatawang tukso sakin ni Mami La

"Mami naman sobrang napagod lang ako kahapon sa school kaya hindi ko na namalayan ang oras."

"Buti na lang hindi nainip itong si Basty" sabi ni Lola

"It's okay Lola, I'm happy with your companion." Ngiting sagot ni Basty

"So am I. S'ya tara na kumain ng masimulan n'yo na ang project ninyo nitong si Basty."

After Mami La blessed the food nagsimula na kaming kumain ng mga hinanda ni Lola. Mayroong buttered shrimp--my favorite, meron ding fried boneless bangus and pork adobo.

"Its so yummy all your food Lola especially this pork adobo" ngiting-ngiting sabi ni Basty na may laman pa ang bibig habang nagsasalita

"Kaya kumain ka lang ng kumain d’yan Basty. Marami pa r’yan." ngiting sagot din ni lola.

Masarap talagang magluto si Mami La. Isa sa binabalik-balikan ko dito sa Tarlac bukod kay lola is yung masasarap niyang luto. Nakakalimutan ko talaga ang diet ko pag si lola na ang nagluto kaya nga medyo lumulobo na ang pisngi ko dito sa almost 1 year kong pag stay kina lola. Buti na lang naiisingit ko pa ang mag jogging para fit pa rin ako.

"Ikaw Den-den kumain ka rin ng marami.” nang sa akin naman tumingin si Lola

“For sure Mami La! Pero stop calling me Den-den, so childy. It’s Denise Mami La.” maktol kong sagot kay Lola

“Ay si Den-den kita eh” natatawang sagot ni lola

*pout

Pag wala si Mom, si Mami La na talaga nag aalaga sakin lalo na pag may convention si Mom sa iba ibang lugar in and out of the country.

At masasabi kong sa edad niyang 68 ay talagang fit and hippie pa rin si Mami La. Sa kanya ko namana yung Thai looks ko and yung tangkad kong 5’9 dahil na rin sa mixed Thai blood ni Mami La.

“Basty iho, saan ka nga dito sa Tarlac nag-iistay?

“Sa may Gerona po La” sagot ni Basty habang enjoy na enjoy sa pagkain

Love Beneath WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon