DENISE’S POV
“Gravity plays an important role in our daily life especially on Earth. The attraction of objects toward the earth is known as the force of gravity that acts in every object in the universe, whether it is small or large object. They exerts a force in every other object and that is gravitational force.”
"Ang gwapo talaga ni Basty habang nagrereport" rinig kong bulungan nina Martina at katabi niya. "Ang lakas makagravity, kahit walang force naatract niya ako.yiiiihhihh" kinikilig pang pahabol niya.
Halos lahat ng girls sa school parang kiti-kiti pag nakikita si Basty.
“I’m Isabela Denise Medina.”
“I’m Lucas Sebastian Alvarez. And that is Gravitational Force. Thank you”
"Ayiiiihhhhh" sigawan ng mga kaklase ko pagkatapos ng presentation namin ni Basty "Sobrang bagay sila!"
Yung totoo, pinanood ba nila talagang mabuti yung video presentation namin o nafocus lang sila sa aming dalawa.
"Very good Ms. Medina and kay Mr. Alvarez na rin kahit wala siya dito. Plus points sa slideshow. Good job to both of you.” puri ni Sir Gomez
Ngumiti lang ako kay Sir then tumingin na lang ulit ako sa libro ko sa desk ko. Wala ako sa mood makinig sa klase.
Almost one week na rin mula ng huli kaming nagkita ni Basty. Wala akong balita sa kanya bakit hindi s'ya pumapasok sa school. Pero kahit missing in action s'ya hindi naman niya ako pinabayaan sa project namin.
"Mam Denise, pina-aabot po ni Sir Basty. Ito daw po yung para sa presentation ninyo." sabi ng driver ni Basty ng pumunta sa aming bahay.
"Asan po si Basty?" tanong ko kay kuya habang kinukuha ko yung maliit na paper bag kay kuyang driver.
"May emergency lang po sina Sir, pinasasabi n'ya po na pasensya na raw po." sagot ni kuya "Sige po Mam, kailangan ko na rin pong umalis."
"Sige po kuya, salamat po."
Binuksan ko na yung paper bag pagka-alis ni kuya. May laman itong flash drive, 2 toblerone na malaki at isang balot ng kisses na chocolate.
May nakita rin akong note. "I'm sorry Denise, I have important matters to attend to. I hope these small gift can make it up to you. Bawi ako sa’yo soon -Basty"
"Hmmp! If I know busy ka lang sa girlfriend mo." inis kong sabi sa sarili ko. "Bakit may mga importanteng gagawin din naman ako ah"
*Hay
Inopen ko na yung flash drive at nakalagay dun yung mga need kong video para sa presentation. And in fairness kay Basty editted na s'ya with intro and outro pa, kaya hindi ako nahirapang gawin yung project namin, kaya bago pa yung pasukan natapos ko agad yung video. Friday naman yung presentation namin.
"Okay class, naintindihan n'yo naman siguro yung topic natin about Gravitational Force. Sobrang linaw ng binigay na presentation nina Denise and Sebastian."
"Yes sir" sabay sabay nilang sagot at nagsimula ng maglecture si Sir.
"Sissy let's go na" tapik sakin ni Jam
Napatingin naman ako sa paligid at isa-isa na palang lumalabas ang mga kaklase namin. Hindi ko na namalayang tapos na pala ang klase.
"Okay ka lang ba? Lagi ka na lang wala sa sarili ah." si Jam
"Yeah, it's just wala lang ako sa mood makinig sa klase" sagot ko
"Namimiss mo lang si Papa Basty ihh yiihh!" natatawang tukso ni Jam

BINABASA MO ANG
Love Beneath Within
RomanceAng Love masarap maramdaman, yung tipong lahat gagawin mo para sa taong mahal mo... Kakayanin lahat kahit gaano pa kabigat o kalaki ng problemang darating basta hawak kamay ninyong haharapin.... Pag tinamaan ka na ng pana ni kupido wala ka ng kawal...