LBW 1

14 3 2
                                    

DENISE’S POV

2007

“Hi Miss, is this sit taken?” tanong sakin ni kuyang, hmmm I can say na may itsura naman at mukhang yummy. Yun lang nerd sa suot n’yang eyeglasses.

Tiningnan ko lang s’ya then continue eating. Mas yummy pa rin etong palabok ko.
“Miss, pwede bang can I sha—” putol n’ya sa sinasabi n’ya

“ahh I forget what is the tagalog word of share ahhmm I think upo ba . Hindi eh hmm” bulong na pakikipagtalo n’ya sa sarili n’ya.

Akala ba n’ya hindi ako nakakaintindi ng english,... Hindi ba pwedeng ineenjoy ko lang kumain mag isa at ayaw ko maistorbo.

Yeah, I may be rude sa hindi pagpansin sa kanya pero hindi lang ako ang tao dito sa resto.. and he is being rude by judging me not understanding him by being silent and having a peaceful breakfast here... sama ng ugali ah.

“Miss, ahmm ..pwede ba ko-- sit here?” tanong n’ya ulit na nauutal utal pa sa pagsasalita

Tiningnan ko lang ulit s’ya at kumain na lang ulit. Kaya pala sa pag slang palang ng pagsasalita n’ya, for sure dayo lang s’ya dito.

Magsasalita pa sana s’ya ulit ng when I cut him off.

“It’s all yours. And by the way ang tagalog ng share is pahati. Can I share with your table is Pwede ba akong makihati sa ‘yong lamesa. That’s it! Okay Amboy.” I said sabay kuha ng bag ko at alis sa resto. Kala mo ha!

Iniwan ko na si kuyang Amboy na yummy sana pero masama naman ang ugali. I just head my way to the school.

Pagpasok ko pa lang sa gate, as always lahat sila nakatingin sa akin. Paano ba naman kasi, I am the only daughter of a well known Dra. Grace Medina, one of the best doctor I must say but not a best mom.

I just continue walking, sanay na ako sa mga tingin nilang amazed na amazed. Ang iba nakatulala pa, at ang iba tinatakpan na lang mga mata ng boyfriend nila, as if naman, aagawin ko mga jowa nila eh kahit hindi ko gawin yun, magkakandarapa sila pansinin ko lang. Hmmp!...

At di rin mawawala ang mga tingin ng mga inggiterang froglet sa paligid, so I just flip my hair to them then head to our very own tamabayan.

“Hi sissy!” bati sakin ni Jam. Isa sa mga closest friend ko dito sa school at pinakamakulit sa grupo.

“Hi Jam” I greeted then sit

“Wala na bang mas lolow pa sa energy mo Denise? Ghaad! Good morning pa lang pero yung energy mo pang goodnight na. Baka naman penge kahit man lang pang good afternoon energy” natatawang sabi ni Jam

“Ha-ha-ha funny ka na n’yan Jam?” sarcastic kong balik sa kanya

“Alam mo gurl try mo kayang mag boyfriend ng sumaya saya naman ang life mo. Ang dami namang boylet d’yan na gwapo din katulad ng mga gwapo sa Manila ah, like ni Papa Jake, hindi ba sobrang tagal mo na yung manliligaw, or si Drew, yung varsity player natin. Yun gurl pwede na yun... hmmm  Kung hindi pa rin si Mark na lang,.. yung anak ng principal! Yun! ..yun! pwede.. pwede.. di ba?!, ” kinikilig n’yang sabi na akala mo ganun lang kadaling makipagrelasyon.

“Wala pa ba yung iba?” tanong ko just to change the topic

“Si Mitch on the way na with Cj then si Popoy baka nasa palagid lang naghahanap na naman siguro ng mabobola.” sagot n’ya

“Pero sissy, seryoso ano ba talagang hinahanap mo sa isang lalaki? Kasi sa dami ng manliligaw mo wala pa ding nakakasungkit d’yan sa nakalock mong puso” tanong ni Jam with matching turo pa sa dibdib ko.

Love Beneath WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon