Ang daming nangyari na pinalipas ko lang. Ang dami kong pinagdaanan pero binalewala ko lang dahil kaya ko naman lagpasan lahat yun. Nasa punto na ako na sumuko na pero hindi ko rin kayang sumuko dahil wala akong kakampi kundi ang sarili ko kahit may mga tao naman na nasa paligid ko lang na kaya akong tulungan.
Bumuntong-hininga ako at binaba ang mga resibo na hawak ko. Umaga na at wala parin akong tulog. Kahapon pa ako aligaga sa trabaho dahil may ibang furnitures na kailangan ideliver ng maayos at dapat walang palya.
Kakaupo ko lang sa bench na nasa harap ng pinto ng opisina ko nang pumasok si Harry na wala pa ding tulog kagaya ko. Si Harry ang isa sa mga employee sa Martinee Inc, isang furniture company. Gumagawa ng furnitures si Harry. Graduated siya ng interior at furniture design at isang taon na siyang nagtratrabaho dito, nauna lang akong isang taon sa kanya.
Pagkakita sakin ni Harry ay pagod siyang ngumiti sakin. Sumandal siya sa dingding. Ang dami niyang ginawang furnitures. May kasama naman siyang gumawa pero kadalasan ay siya lang ang gumagawa dahil hindi bababa sa trenta na tao ang kagaya niyang manggagawa.
"Natapos mo ba?" tanong ko, nakapikit ang kanyang mga mata at minulat din nang magtanong ako.
Bumuntong-hininga siya at tumango. "Ang daming order. Kailangan maraming tauhan si boss dahil dumadami ang buyers natin. At loaded na kami sa trabaho." sabi niya.
Pinatabi ko siya sakin. Naging magkaibigan kami ni Harry dahil hindi siya mahirap kausapin at mabait siya. Akala ko nga lesbian siya dahil maporma siya pero uso na ngayon ang babaeng mahilig sa mga maluluwag na suot at syempre matangkad. Babae si Harry. Henriette ang totoo niyang pangalan pero nahahabaan siya kaya Harry nalang ang gusto niyang itawag namin sa kanya.
Pamilyar sakin si Harry, parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
"Wala pa akong tulog. Gusto kong matulog pero parang hindi pipikit ang mga mata ko." reklamo ko.
"Hmm, ako nga eh. Hindi na ako umuwi dahil kapag umuwi ako ay mahuhuli lang ako sa work. Sayang ang araw ko."
Napatango ako. Sayang nga ang araw dahil kada araw, one thousand pesos ang bayad. Monthly ang sahoran. Mas mataas ang sahod ko dahil sales manager ako dito sa kompanyang ito. Dalawang taon na rin ang nakalipas ng umalis ako sa Manila, bumabalik naman ako dahil may apartment ako doon. Umalis ako sa dati kong apartment dahil ang dami kong alaala ni Phoebian doon.
Hindi kami nagkita na ni Phoebian pagkatapos kong bisitahin siya sa mansyon. Paglipas ng isang buwan ay naging okay na siya, pero ang masakit sa nabalitaan ko ay may kasama siyang modelo nung bumalik siya sa trabaho. May bumalik sa kanyang alaala, pero... hindi ako bumalik sa isip niya. Wala ako doon. Parang nabura ako sa kanyang isip.
Nagresign ako sa Oxford Jewelry company dahil naging konektado yun sa amin ni Phoebian. Rerespistuhin ko kung ano man ang para sakin, tatanggapin ko naman dahil yun ang nakatadhana.
Nakahanap ako ng bagong trabaho dito sa Davao. Hindi malaki ang kompanya pero unti-unti itong lumalago dahil narin maraming buyers ng gawa ng Martinee. Maayos din ang pagpasweldo ni sir Martinee kaya hindi siya binibigo ng mga trabahador niya. May branch na siya sa Manila pero hindi ko pinili doon dahil hindi ko pa kayang harapin ang kinalakihang mundo ko doon.
Presko ang buhay ko dito sa probinsya dahil bago palang ako. Ang dami kong naranasan sa probinsya na hindi ko naranasan sa syudad dahil parang ang imposibleng gawin. Kapag okay na ay babalik ako doon. Doon din ako magtratrabaho sa branch ng Martinee. Magiging sales manager parin naman ako. Balang araw ay magiging ayos din ang buhay ko.
"Hindi ka ba uuwi Harry? Sure ka?" tanong ko ulit kay Harry na nasa tabi ko na.
"Hindi na. May damit naman akong baon at may hygiene kit naman akong dala, wala din akong problema sa pagkain dahil sagot na yun ni boss."
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...