"TATAWAGAN ko nalang ulit mamaya si Christine," aniya na inilapag ang sariling cellphone sa center table.
Katatapos lang niyang kausapin si Christine para sabihin ang tungkol sa party na sinabi din sa kanya ni Misha kaninang umaga speaking of that petite woman. Sinulyapan niya ito kahit na ano yata ang gawin niyang pagtataboy dito ay hindi aalis sa unit niya.
Nabanggit naman na niya na hindi niya gusto na nakakasama si Misha dahil may posibilidad na masira ang buhay niya.
Over acting man pakinggan ay yon ang totoo. Damang-dama naman kasi niyang hayok sa kaalaman ang kaibigan niya. Yon bang hindi ito titigil hangga't hindi napakikielam ang excitement na meron ka sa buhay at yon ang hindi niya gusto na nagugulo ang pamumuhay niya sa araw-araw.
Masaya na siya sa buhay niya na walang husstle. Sumasama sa kalokohan ng mga kaibigan niya, nagtatrabaho ng matiwasay sa botique niyang konting pagsisikap pa e, lalago na ngang talaga.
Ang noon na walang humpay niyang pagpunta sa bar ay hindi na niya magawa ngayon dahil kay Greg. Nasa entrance pa nga lang ata siya ng Duke's bar nasusundan na siya nito para kaladkarin pauwi.
Ang pinaka-masayang nagagawa niya sa araw-araw ay ang magmahal sa fiancè niya na sana ay tumagal ang relasyon na pinasok nila. Tatlong linggo palang ang lumilipas parang nakikita niyang nabo-boring na si Greg sa ugali niya o hindi niya masabi na ganoon nga dahil hindi pa naman nila gaanong kilala ang isa't-isa.
"Bakit mamaya pa? Tawagan mo ulit." si Misha prenteng nakaupo sa couch ito.
Hindi niya maintindihan itong kaibigan niya may binabalak nga siguro ito kay Christine. Ang hirap i-handle ng problema pag si Misha ang nagbigay.
"Tawagan mo ulit." pag-ulit pa ni Misha.
Nakapameywang na hinarap niya ang kaibigan "Nasa klase nga siya mamayang gabi ko nalang ulit tatawagan umalis ka na darating si Greg. Dito siya maglalunch sa bahay," sabi niya dito.
Matapos ang eksenang pagaalmusal nila ni Greg kanina ay naghiwalay ang mga landas nila ng maka-paghanda ang binata para pumasok sa opisina hindi niya muna sasakalin si Greg sa pamamagitan ng pagbuntot niya.
Baka makasama na sa kalusugan ng binata mabawasan pa ang genes sayang ang lahi.
Ngumisi lang si Misha at nangiinis na nahiga pa sa couch. Napasapo siya sa noo niya.
This girl making her sick.
Daig pa nito ang isang kabataan kung mang-inis.
Sana pala ay sumama nalang muna siya kay Greg sa opisina at hindi nalang umuwi para mag-ligpit sa unit niya.
Hindi niya alam na darating si Misha gusto talaga nito na sumusulpot nalang kung saan para mambulabog.
"Kumusta kayo ni Greg?" imbis na maghanda na itong umalis ay nagtanong pa. "Wala akong balita sa inyo masyado niyo naman kasing pina-private yang lovelife niyo," dugtong pa nito.
Gusto lang talaga nito na makibalita kung ano ang nangyayari sa kanila ni Greg. Wala namang ganap normal pa naman siyang namumuhay sa tatlong linggo na niyang fiancè na sobra na ang pagpa-pasensiya sa kanya.
"Umalis ka na nga Misha," sagot niya.
Wala siyang panahon patulan ang pagtatanong nito. Lalo lang magugulo ang isip niya kilala niya ito isang beses na magtanong ito panigurado na magtutuloy-tuloy na. Sa isang beses na sinagot mo naman ang isa sa mga tanong nito ay doon mas lalalim ng lalalim ang mga tanong niti.
Sasagot ka ng lutang at malalaman mo nalang na naisahan ka nito dahil sumagot ka ng totoo sa mga itinanong nito.
Because once you answer her question, you're dead.
BINABASA MO ANG
✔Greg Faustino | Seducing Series 3
RomanceGreg Faustino has been Czaira's schoolmate and ultimate crush since they were in high school. She used to be a chubby woman who was too shy to approach him. Sa madaling salita hindi siya nito kilala. Nasa isang star section ang binata at siya naman...