SHE wanted to faint. Kung hindi lang talaga siya nalilito ngayon baka nangyari na ngang talaga na mawalan siya ng malay.
Napasulyap siya sa ama niyang ang lapad ng pagkaka-ngiti habang kumakain at kausap ang tatay ni Greg samantalang siya hindi niya alam kung ngingiti ba siya sisimangot o maiinis bakit hindi man lang siya naka-paghanda?
Magsuot daw ako ng eleganteng damit aniya sa isip ng maalala ang sinabi ng kanyang ama kanina.
Napangiwi siya hindi niya naman sinunod ang simple ng suot niyang dress ngayon at nakalugay lang ang buhok niya naco-consious tuloy siya kung ano ang itsura niya. Kaharap pa naman niya ngayon si Greg na hindi na siya tiningnan pa o kahit na sulyap lang.
Galit ba sa kanya ito? Parehas silang biktima ng dalawang matanda na kasama nila ngayon.
Kung mas matanda lang siya sa tatay niya baka binugbog na niya wala siyang magawa para kausapin ang tatay niya ngayon patungkol sa issue na meron sila ngayon ni Greg.
She can't imagine! Fiancè? Sobrang yaman na ba nila at nauso na din sa kanila ang fiancè-fiancèe thingy na yan?
Hindi man lang sinabi ng tatay niya ang patungkol sa pagkakaroon niya ng fiancè at hindi niya inaasahan na sa guwapong nilalang pa siya nai-reto.
Kung ibang babae lang siya baka mabuwiset siya at magalit dahil wala siyang alam sa pagkakaroon ng kasintahan na biglaan at dahil isa siyang maharot na babae at matagal ng may pagtingin kay Greg Faustino na fiancè na niya ngayon hindi niya kailangan na umastang hindi niya gusto ang nagaganap ngayon.
Kakausapin niya ng masinsinan ang tatay niya pag-uwi nila patungkol sa in-anunsyo nito kani-kanina lang.
"Ilang apo ba ang gusto mo kumpadre?" si Carlos iyon na nakangiti muli siyang napangiwi.
Apo agad? Hindi pa nga sila close ni Greg na sana e, mangyari.
She love the thought.
"Kung hanggang saan ang makakaya ng anak ko kumpadre," sagot ng kanyang ama.
Napataas ng bahagya ang kilay niya. So her father still care. Hindi nito gusto na mahirapan siya sa panganganak kung sakali.
Tumawa ng malakas ang tatay ni Greg at napailing-iling. "Ako kumpadre kung maaari gusto ko ng limang apo."
She cleared her throat. Saglit siyang napasulyap kay Greg na tahimik lang na kumakain wala yatang pakielam ang isang 'to sa pinaguusapan ng dalawang matanda samantalang siya kanina pa nakikinig at dama niya parin ang bahayang kaba sa dibdib.
Paano niya sisimulan ang araw niya bukas? Sigurado na magbabago na ang lahat. Tahimik lang siya na gumuguhit ng kung anong damit na maisipan niya kanina pagkatapos ngayon ay nasaan siya?
Sa bahay ng fiancè niya.
Shit lang ang sarap pakinggan! Fiancè.
Kay Greg kaya ay masarap iyon pakinggan?
"E-excuse me lang ho, comfort room." maya-maya'y pagpapaalam niya sa dalawang ginoo na naguusap.
Nagpasama siya isa sa mga katulong para ituro sa kanya ang banyo kanina pa siya nati-tense at kailangan niyang ilabas yon.
Kung hindi ay baka hindi na niya kayanin ang paninikip ng dibdib ng dahil sa kaba.
Si Greg Faustino ba naman nakaharap niya ng hindi niya inaasahan sa mga magazines lang niya nasisilayan ang binata. Hindi sa personal kahit pa na alam niyang katrabaho nito si Katherine ang kaibigan niyang modelo din.
Hindi naman siya papansin ng binata kung magpakita siya kay Greg at maging UFC; ultimate feeling close.
She's not Christine. Hindi niya kayang gawin ang ginagawa ng kaibigan niyang iyon para mapansin ng napupusuan niyon na si Dock Daomino. Nakaw na sulyap na lang at pagpapantasya sa magazines na si Greg ang kuha ang nagagawa niya at lahat ng magazines issue na ang binata ang nasa front page ay kumpleto siya.
BINABASA MO ANG
✔Greg Faustino | Seducing Series 3
RomanceGreg Faustino has been Czaira's schoolmate and ultimate crush since they were in high school. She used to be a chubby woman who was too shy to approach him. Sa madaling salita hindi siya nito kilala. Nasa isang star section ang binata at siya naman...