Chapter 18

24.1K 363 6
                                    

"MAGANDANG umaga Toff. Ito na si Jack." sa isang matandang lalaki nanggaling ang boses.

Naabutan nila na nagbubukas ng isang kuwadra, inilabas nito ang isang kulay abo na kabayo na sa dinig niya ay may pangalan na Jack.

"Pinagbilin ni Misha na ingatang wag makarinig ng kahit anong sigaw si Jack para hindi makadisgrasya." malumanay na paliwanag ng matanda.

"Salamat. Mang Bert hindi ka po ba sasama samin? Baka po may naghahanap na sa inyo sa mansyon."

"Mamaya ay pupunta ako doon may okasyon na ginaganap at nakakahiya na magpunta." sagot ng matanda na napakamot pa sa ulo na tila nga nahihiya.

Natawa si Kristoffer dito at kinuha ang kabayo na si Jack siya ay nanatiling tahimik at hindi na nagawang magtanong.

Naramdaman niyang niyang nababasa ng malamig na tubig ang paa niyang walang sapin. Yumuuko siya upang tingnan kung ano ang nangyayari, hinuhugasan pala ni Kristoffer ng tubig ang mga paa niya.

"What are you doing?" mataray na tanong niya na kunwa'y di niya alam ang ginagawa nito.

Napansin siguro nito na madumi na ang mga paa niya. Hindi niya inaalis ang paa sa pagkakatapat ng host na may umaagos na tubig.

"Ang taray mo kung kapatid lang kita kanina pa kita binatukan sasakay ka dito kay Jack," wika nito, ibinalik na nito sa kung saan ang host na hawak at binalingan siya. "Masyado na tayong matagal. nagtatagal prinsesa ka ngayong araw kung gusto mo na makarating agad sa Prinsipe mong kanina pa naghihintay sumakay ka na dito kay Jack." dugtong nito.

Hinaplos nito ang likod ng kabayong sasakyan niya.

Umiwas siya ng tingin.

"Ayoko gusto kong maglakad."

"Hindi ka pwede maglakad itong kabayong 'to kay Misha to. Sumakay ka na," sambit nito.

"Sumakay ka na hija, marami ng bisitang naghihintay naiinip na ang iba." sabat naman ni Mang Bert, ang matandang kanina ay kausap ni Kristoffer.

Abala na ito sa pagaayos ng mga kuwadra na magkakatabi.

Napakunot-noo siya bumaling ang tingin niya kay Kristoffer.

"Meron talaga kayong isini-sekreto sa akin." aniya.

"Wala magpapakain lang ang mga Daomino. Ganon talaga sila kapag may bisita dito sa BIP isang pagbabasbas lang naman dahil bago lang naman itong lugar namin," Paliwanag nito.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ako ilalaglag nito?" umiling si Kristoffer, "Sigurado ka?" tumango ang binata nilapitan naman niya ang kabayong si Jack, "Paano sumakay dito?"

Nagkamot ng ulo si Kristoffer at nilapitan siya ng kaunti. "Umapak ka lang sa stirrup. Yung renda hawakan mo side lang ang upo." ani nito.

Sinunod niya ang sinabi nito, maya-maya lang ay ligtas siyang nakasakay ng kabayo ni hindi man lang humalinghing o gumalaw iyon.

Unang beses siyang nakasakay sa kabayo.

"Congratulations Ma'am!" sigaw ni Mang Bert.

Nang magsimula ng maglakad ng marahan si Jack ay nasa gilid niya lamang si Kristoffer na umaalalay. Ito na ang humawak ng renda, napalingon siya sa matandang sumigaw na kumaway pa wala sa loob na ngumiti siya at kumaway din ng balik ang bait ng matandang iyon.

Binati pa siya dahil nakasakay siya sa kabayo bibigyan niya talaga ng regalo ang taga-pagsilbi na iyon pag nagkita ulit sila.

"Malapit lang naman tayo nakikita mo ba yung malaking gate na yon?" maya-maya ay ani ni Kristoffer sa kanya.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon