03

1.3K 23 3
                                    

Justin.

Dali dali akong pumunta sa backdoor para malaman kung bukas ba o hindi. "Shit" Sabi ko ng pinilit buksan yun naka lock.

Bumalik ako sa kwarto ko at dali daling binuksan ang binatana malaki na yun kaya kasya ako. Handa na akong tumalon pero napa tingin ulit ako sa baba kaya nalula ako dali dali akong pumasok ulit at napag desisyonan na hintayin na lang maka tulog sila kuya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng marinig ko ang pag sara ng pinto ni Kuya katabi lang kase ng pinto ko ang pinto ng kwarto nito. Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse at ng main door. Dahan dahan akong lumabas at siniguradong walang ingay. Nang makalabas ako ay dali dali naman akong tumakbo pa puntang garahe. Mahina kong pinaandar ang sasakyan at umalis. Napasigaw ako ng makalayo ako sa bahay. Mission success.

"JAH!" Sigaw ni Ken at kumakaway pa dali dali akong pumunta sa table nila at binatukan siya. "Akala ko ba di ka sasama?" Sabi niya habang hinihimas himas ang ulo niya.

"May sinabi ba akong di ako sasama? ang sabi ko sunduin mo ako, hayop ka" Sabi ko umupo "Sila Pab?" Tanong ko hindi ko sila nakita kanina sa smoke area masyadong maraming tao ngayon dahil sunday.

"Nandoon naghahanap ng chix" Sabi ni Ken at ibinigay sa akin ang isang cocktail. Ininom ko yun ng mapansin kong nawala si Ken ay tumayo ako at lumapit sa mga babaeng nag kukumpulan sa bartender table.

Nakipag inuman lang ako sa kanila at nakikipag landian hindi ako interesado sa mga babae kaya wala lang sa akin to' sanay na rin naman ako. You just need get along with other people even na hindi sila matino.

Last thing I know we make love at CR at wala rin naman sa akin yun. Iniwan ko siya roon at dali daling inayos ang polo saka umalis CR. 

"Naks, nadiligan yan?" Tanong ni Stell nasa couch napala sila hindi ko man lang napansin. 

"Hindi magaling" Sabi ko at umupo sa couch at kumuha ng cocktail. 

Habang nag kwe-kwentuhan silang apat ay panay ang lingga ko sa paligid. Baka kasi ay narito sila Kuya at pinasundan ako mahirap na. Tumigil ang mata ko sa isang babae sa kabilang table kasama niya ang mga kaibigan niya at paniguradong first time niya rito.

Mahaba ang buhok niya, maputi, matangkad, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, rose lips, maganda rin ang hubog ng katawa nito at mukang matalino. Hindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatingin sa babae kung hindi lang ako kinalabit ni Ken ay hindi maalis ang tingin ko sa babae.

"Sino bang tinitignan mo diyan?" Tanong ni Ken habang lumilinga linga sa paligid hinahap ang tinitignan ko.

Ituturo ko sana kaso ng bumalik ang tingin ko ay wala na siya wala na rin yung mga kasama niyang babae kaya pinabayaan ko lang. "Wala" Sabi ko kay Ken at tumingin na kay Stell na nag kwe-kwento. Panay ang tawa ko sa sinabi ni Stell pero hindi ko maalis sa isip yung babae kaninang nasa kabilang table.

3:00 Am na kami na kauwi dahil hindi nag papatinag si Stell at si Josh paano may pustahan pang kung sino ang unang matumba ay siya ang mang lilibre bukas, buti na lang ay 24hrs ang bar na pinuntahan namin. 

Sumabay sa akin si Josh at Ken umuwi habang si Stell ay na kay Pablo. Problema pa namin ni Ken kung saan iuuwi si Josh hindi dapat siyang makita ng magulang niyang bagsak dahil paniguradong grounded siya buong linggo.

"Sa Condo mo na lang kaya, Ken?" Suggest ko tutal mag isa lang siya sa condo niya kaya pwede si Josh doon, bawal sa akin dahil tumakas na nga lang ako ay pag uwi ko may bitbit pa ako ng lasing.

"Bawal hoy mamaya sumuka pa yan doon" Sabi ni Ken saan naman namin to ilalagay alangan namang sa tabi tabi na lang.

"Sa bahay niya na lang bahala siya sa buhay niya" Sabi ko at dineretso pa puntang bahay nila ni Josh.

Nag doorbell si Ken habang naka sabit sa aming dalawa si Josh. Ang bigat, putik. Bumukas ang pinto at niluwal nito ang maid nila.

"Nandyan ba sila tita at tito?" Tanong ko at sumilip sa loob ng bahay nila.

"Wala ho, nasa business trip ho" Sabi ng maid at tinulungan kaming buhatin si Josh.

Buti na lang kaya pala ang lakas ng loob nitong makipaglaban kay Stell dahil walang makakahuli sa kanya pag uwi niya ng bahay niya. Tsk. Inihatid ko si Ken sa condo niya at ako naman ay umuwi na sa bahay 4:23 na ng makauwi ako kaya dalawang oras na lang ang itutulog ko dahil may pasok pa ako mamaya. 

Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now