50

576 17 0
                                    

Third Person P.O.V

Naka tayo ngayon si Naomi habang sinusout sa kanya ang kanyang wedding dress. Ngayon ang kasal nila pero ang utak niya ay na iwan ata sa propose ni Justin nung nakaraang buwan. Para sa kanya ay sobrang bilis lamang ng panahon.

"Oh, bat ka nakatulala dyan?" Tanong ng matalik niyang kaibigan na si Misaki. Yung na meet niya sa palawan.

"Wala, ang bilis ng panahon akala ko kahapon lang siya nag propose tapos ngayon eto na ikakasal na ako" Sabi niya habang naka tingin sa sing sing na ibinigay ni Justin sa kanya.

Biglang pumasok ang Mama ni Naomi habang umiiyak dahil sa tuwa at lungkot. Hindi niya kasi mawari na aalis na ang anak niya dito at sasama na sa lalaking mahal niya ng ilang taon.

"Oh, Ma. Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Naomi.

"Aalis ka na kasi eh" Sabi nito. Kahit anong gawin niya ay hindi niya matutol si Naomi, dahil ito ang gusto ng anak niya at wala na siyang ginagawa kundi suportahan ang anak niya nasa tamang edad na rin naman si Naomi.

Hinawakan ni Naomi ang kamay ng Mama niya at inaggat ang tingin nito sa kanya. "Ma, kahit naman na may asawa na ako o kung anak pa yan. Di ko kaya iiwan, nasa ibang bahay ako pero tutulungan ko pa rin kayo ni bunso" Sabi niya at niyakap ang kanyang nanay.

---

Sa kabilang banda naman ay nagaayos si Justin para sa kasal nila. Sinuot niya ang necktie niya at coat saka tumingin sa salamin at inayos ang sarili. Bumukas ang pinto at tumingin si Justin doon hindi niya naman na inaasahan na pupunta sa kwarto niya ang Kuya niya.

"Kuya" Sabi niya at ngumiti dito. 

"Ikakasal ka na" Sabi nito na parang hindi makapaniwala na mas uunahan siya nitong mag pakasal. Parang dati lang ay tumatakas ito para lang mag bar kasama ang mga kaibigan niya pero ibang iba na ito sa Justin ngayon. "Alagaan mo si Naomi" 

Tumango si Justin at niyakap ang kapatid nito. Dumating din ang mga magulang nito para kamustahin siya.

---

Habang nag lalakad sa altar ay hindi maiwasan ni Naomi ang umiyak dahil sa nakikita niya ang isang lalakeng makakasama niya habang buhay. Nasa tabi niya naman ang kanyang pinakamamahal na ina.

Nang makarating sila sa harap ay sinalubong ito ni Justin para kunin siya sa mama niya. Kahit ayaw nito ibigay ay binigay pa rin nito. "Ingatan mo yan ah" Sabi ng Mama ni Naomi na umiiyak.

"Opo, pangako" 

"Justin, do you take Naomi for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

"I do"

"Naomi, do you take Justin for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

"I do"

"I now pronounce you husband and wife you may now kiss the bride"  Hinalikan ako ni Justin.

I love you.

Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now