14

619 18 0
                                    

Justin.

Nasa harap ako ngayon ni Naomi na abalang kumakain habang nasa tabi niyaa naman si Ken na abalang kinukuhanan ng litrato si Naomi habang kumakain ito. Ramdam ko rin ang tinggin ng  tatlo sa akin, mukang nang aasar.

Hindi na ako makapagpigil at agad na padabog na tumayo, nakuha ko naman ang atensyon ng dalawa. 

"Oh, Jah di ka pa tapos kumain aah? Saan ka pupunta?" Tanong ni Ken habang naka ngiti sa akin. Sinusubukan talaga ako netong lalakeng toh, pinigilang ko ang sarili kong maiinis dahil baka masapak ko pa.

"Wala, kailangan ko pang mag review. May exam pa kami bukas" Walang gana kong sagot at kinuha ang bag ko  saka tuluyang umalis sa harap nila. Narinig ko pa ang tawag ni Pab sa akin pero hindi na ako muling lumingon pa at pinaggpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa St. La Salle Hall.

Parang bumalik ang lahat nung una kong makita si Naomi sa Bar. Pagkatapos noon ay nakita ko  naman siya sa Cafe at nung ipinagtanggol ko siya sa mga babaeng yun. Bakit ba ako nasasaktan ng ganit? Sino ka ba, Naomi?

Pumunta ako ng Library at doon inabala ang aking sarili. Pero biglang nag vibrate ang cellphone ko ng binuksan ko yun ay massage lang pala ni Pablo. Agad agad kong  binuksan yun at ng makita kong tinatanong niya ako kung na saan ba ako ay sinabi kong nasa Library lang ako.

Habang nagmemesage kay Pab, ay muling may lumabas na notification sa phone ko si Ken naman, post niya lang sa fb. Binuksan ko yun ng makita kong picture ni Naomi yun ay agad kong tinignan ang commmets nakita ko na puro lahat ay sinasabing girlfriend daw ni Ken si Naomi, kaya pinatay ko na lang ang phone ko at tinutok ang atensyon sa binabasa.

---

Ilang lingggo ang lumipas ay mas naging malapit sa apat si Naomi, habang ako ay patuloy  pa rin siyang hindi kinakausap. Nasa Cafe kami lima kung saan kami nag kita ni Naomi.

"Naomi meaning, beauty diba?" Tanong ni Pablo kay Naomi. Tumango si Naomi.

"Hindi bagay" Sabi ni Ken, agad naman kaming napatingin sa kanya. Naka ngisi pa ang baliw. "Kasi mas bagay baby" Pambobola ni Ken kay Naomi. Napa irap naman ako ng palihim. Ang corny.



Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now