Chapter Twenty-seven

676 23 1
                                    

Chapter 27-You

Thea's POV

"So, what do you wanna eat?" tanong ni Mayor pagpasok namin sa isang napakaganda at sosyal na café. Wala akong kalam-alam na dito kami pupunta. Basta lang naman kasi ako sumunod dito paghinto ng sasakyan at agad itong bumaba. Nagtataka man kung bakit kami patungo sa isang café samantalang kagagaling lang namin sa isang kainan, eh sumunod naman ako. Nasa isip ko kasi baka gusto nitong kumain ng something na wala doon sa party. Tapos ngayon bigla akong tatanungin kung anong gusto kong kainin? Tinanggihan ko na nga 'yong inihain ng waiter doon eh. Tapos ngayon papakinin din pala ako.

Gusto ba ko nitong patabain o ano? Napabuga ako ng hangin.

"Hello, Mayor! Kainan iyong pinanggalingan natin okay. Baka nakakalimutan mo," saad ko. Then I rolled my eyes at him.

"Hindi ka naman nakakaing mabuti doon. Hindi ka nabusog."

Bahagya naman akong na-guilty dahil sinusungitan ko ito. Mukhang worried lang naman siya dahil hindi ako nabusog.

"Nabusog kasi ako. Kaya hindi natin kelangang tumakas doon eh. Nagtataka naman kasi ako kung bakit biglang bigla na lang tayong umalis doon."

"Well, you looked offended dahil sa pang-aasar sa'yo ni Jared. Kaya hindi ka nakakaing mabuti."

Napabuntunghininga ako. Iyon pala ang dahilan kaya biglang kulang na lang akong bitbitin para makaalis sa grupo. Okay. Since kapakanan ko naman pala ang iniisip niya. Forgiven na siya sa halos pagbitbit sa'kin at paglapag doon sa silya na animo bagay ako at hindi tao.

"Hindi naman sa ganun," sagot ko na may kasama pang irap. Kunwari nagsusungit ako ngunit ang totoo ay may kilig na dumaloy sa aking katawan mula ulo hanggang dulo ng mga daliri ko sa paa.

"Eh ba't natahimik ka. Hindi ka na kumikibo."

Huh. Bahagyang napataas ang aking mga kilay habang nakatitig dito at nag-iisip ng isasagot. He looked so hot tonight actually. Kasi nakasuot siya ng black na cap at sunglasses. Biruin mo gabing-gabing naka-sunglasses. Noong sinuot niya ang mga iyon bago lumabas ng kotse nito ay hindi na ako nagtanong pa kung bakit may paganung style ito.

Disguise niya iyon. Kasi wala siyang bodyguard tonight. Kung hindi nga siya nagsuot ng mga iyon hindi ako papayag na lumabas kami ng sasakyan nito. Hindi ko naman kasi akalain na papunta kami ng café at kakain ulit. Ang akala ko ay magmamaneho lang ito or something. Baka nais lang magpaalis ng topak. Hindi ko naman maintindihan talaga kanina kung bakit agad na lang kaming umalis eh.

Iyon naman pala ay kakain din ulit dito nga sa café. Kung alam ko lang naku, hindi ko paalisin ang isang ito. Kesehodang hilahin ko suot niyang damit hanggang mapunit haha.

"Wala lang. Wala lang akong masabi, okay. Kelangan ba may sabihin din ako sa kanila? Kelangan ba mang-asar din ako? Sa wala naman akong sasabihin eh."

Hindi ko kelangang gayahin ang mga kaibigan niyang mapang-asar.

"When you went to the restroom, you looked pale."

Huh. Nakita niya akong papunta sa restroom? Well. Okay. Eh iyon ba namang marinig mong ipapakasal na pala siya eh. Ba't hindi ako mamutla?

Bakit ka nga namutla, Alethea?

Haist. Wala naman. Nabigla lang naman ako.

Whatever, Alethea.

"Medyo sinamaan lang ng katawan. Pero nawala naman agad."

"Dahil nga nagugutom ka.

"Nakakain na nga ako, di ba?"

"But not enough."

Haist. Ang kulet din talaga pag naisipang mangulit eh. Makakain na nga ulit. Makapili na nga lang ng masarap na lasagna at milk tea haha. Para matigil na lang itong wala namang sense na usapan namin.

Formerly The Mayor of Santo CristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon