CHAPTER 10 __Wedding Day

59 6 0
                                    

       Mula ng makausap ni Wynne si Bryle at malaman na pinsan nito ang mapapangasawa niya ay halos mawalan na siya ng ganang mabuhay, ni hindi siya makakain, dahil walang lasa sa kaya lahat ng pagkain, ni hindi niya maramdaman ang gutom. Palagi na lang siyang nagkukulong sa kanyang silid. Malungkot.Umiiyak. Ganoon kabigat ang kanyang kalooban.

         Hindi n'ya man lang marinig ang kanyang Mama na ngayon ay kumakatok sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Pinihit na lang nito ang door knob, at pumasok na agad ng ito'y magbukas.

         Kaagad siya nitong nakitang nakadapa sa kama at nakasubsob sa unan ang mukha. Umiiyak.

       Kung anong hirap ng kanyang kalooban dahil sa sitwasyon, ay doble naman ang hirap ng kalooban ng kanyang mga magulang. Lalong-lalo na ang mama niya, na ngayon ay hindi na rin mapigilang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.

        "Anak!" Umupo ito sa gilid ng kanyang kama. "Anak, tama na, wag ka nang umiyak. Nahihirapan din kami ng Papa mo, alam mo namang ayaw na ayaw naming nakikita kang ganyan," Hinaplos nito ang kanyang likod. " Wag mo na masyadong pahirapan ang sarili mo. Kung hindi mo naman talaga kayang magpakasal, pwede namang hindi ka magpakasal. Handa naman kami ng Papa mo na makulong, kung ganito na talaga ang aming kapalaran. Kasalanan rin naman namin na naging subra ang aming katangan, hindi man lang namin naramdamang may panganib na palang nag-aabang sa'min noong araw na iyon."

        "Mama!" Garalgal ang boses na tawag niya sa ina. Bumangon siya at niyakap ito.

        "Alagaan mo ng mabuti ang mga kapatid mo pag nasa loob na kami ng Papa mo. Pasensya na kayo mga anak, kung hindi namin kayo nabibigyan ng magandang buhay." Humihikbing sabi ng mama niya.

        Hinalikan niya ito sa noo. Don't worry, Ma, alang-alang sa inyo ni Papa at ng mga kapatid ko, magpapakasal ako."

       "Salamat anak! Pero kung..." Hindi na natapos nito ang sasabihin dahil tinakpan niya ng kanyang palad ang bibig nito.

        "Wag ka nang mag-alala ma, magiging okey din ako. Kakayanin ko 'to" Pinipilit n'yang magpakatatag. Ayaw n'ya ring nakikitang nahihirapan ang ina.

       "Paanong hindi ako mag alala sayo, ni hindi ka na kumakain. Swerte na lang at makakain ka isang bisis sa isang araw. Anak, wag mo naman masyadong pababayaan ang sarili mo, hindi namin kakayanin ng Papa mo kung may masamang mangayari sa'yo."

      "Opo, Ma, Pangako kakayanin ko 'to!"
      
. . . . . . . . . . . . . . .

        "Mikee! Pakitinganan mo kung sino 'yong nasa gate!"

         Nasa silid n'ya si Wynne nakaupo, tuwid ang paa at nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Nakaawang naman ng kunti ang kayang pinto kaya alam niyang maririnig siya ng kanyang kapatid.

        Patuloy ang kanyang pag e-scroll sa cellphone, ini-stalk n'ya si Bryle. Tiningnan kung sino ang mga kamag-anak nito. Tiya, tiyo at pinsan. Gusto n'ya lang namang makakuha o makakita ng clue kung sino 'yong mapapangasawa niya. Pero napaka private naman ng taong iyon. Wala naman siyang nakikitang mga post nito. Siguro naka share for friends lang ang sittings nito sa sariling mga post. Ang tanging makikita lang ay ang mga shared post nito. Hindi naman kasi sila friends sa kahit anong social media.

       "Mikee! May tao sa gate! Pakitingnan mo please!" Ulit niyang tawag sa kapatid.

      Pero parang napakatahimik ng kanilang bahay, parang walang ibang taong naroon kundi siya lang. Tumayo na lang siya at lumabas ng kwarto, wala nga si Mikee, pati ang bunso nilang si Micko.

       Nasapak n'ya na lang ang sariling noo ng maalalang nasa school na pala ang mga kapatid. Dapat nga ay nasa school na rin siya ngayon, pero kailangan n'yang mag-absent.

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon