CHAPTER 11 __The Unexpected Groom

54 7 3
                                    

      "One minute more! Humanda na lang kayo Mr. and Mrs. Metawin, hindi na siguro darating pa ang anak ninyo!" Umiiling na sabi ni Mr. Chivaaree.

        Nakahanda na rin ang mga pulis na magpoposas at dadakip sa mga magulang ni Wynne kung sakaling hindi na talaga siya darating.

        "5 seconds, 4 seconds, 3, wala pa rin s'ya!" Nagbibilang ng sandali si Mrs. Chivaaree.

        "Pusasan n'yo sila!" Utos naman ni Mr. Chivaaree sa mga pulis.

        Namuo ang mga luha sa mga mata ng groom. Naaawa ito sa sinasapit ng mga magulang ni Wynne, pero wala naman siyang kapangyarihan para awatin ang mga magulang sa mga maling ginagawa ng mga ito.

       "Sandali!" Sigaw ng humihingal na si Wynne. Napahinto siya sa may pinto ng matanaw niyang pinuposasan ng mga pulis ang Mama't Papa n'ya. Kaagad umagos ang kanyang mga luha.

         Napalingon sa kanya ang lahat ng taong naroroon.

        Bigla namang umaliwalas ang mukha ng groom, obviously masaya ito sa pagdating n'ya.

         "I'm not totally late! It's just exactly 3:00 o'clock." Ang sabi n'ya na kaagad nang lumapit sa kanyang mga magulang.

        Nangingilid din ang mga luha ng  kanyang mga magulang, napaiyak ang mga ito sa kanyang pagdating. Kaagad niyang niyakap ng mahigpit  ang mga ito.

       "Narito na ako, Ma, Pa, hindi ko kayang pabayaan kayo, Mahal na mahal ko po kayo!"

        "Salamat, anak!" Magkasabay na bigkas ng kanyang mga magulang.

        "Sige na, tama nang iyak. Masisira ang make-up mo," Mahinang sabi ng Papa n'ya.

        "Yes, anak, umayos ka na, napakagwapo pa naman ng groom mo." Bulong naman ng Mama n'ya. Marahang Pinahid nito ang kanyang mga luha sa mata at pisngi.

        Tumayo na s'ya, ng maayos na pagtayo, at pilit kinakalma ang sarili. Nag inhale, exhale s'ya. Then nilingon niya ang mag-asawang Chivaaree.

      "Ituloy na po ang ka... "Huh!" Napatda, nagitla, natigilan, s'ya. Hindi na natapos ang sasabihin ng mapako ang kanyang paningin sa lalakeng nakatayo sa may mesa ng judge na siyang magkakasal sa kanila.

          Nakatingin ito sa kanya at nagtama ang kanilang paningin.

        "B-Bryle?!" Gulat na gulat na sambit n'ya. "You?!"

        Marahan itong tumango.

       "God! I can't believe this!" Sambit n'ya naman sa sarili. "Ikaw ba talaga 'yan? Ang mapapangasawa ko? Hindi ba ako nananaginip lang?" Mga tanong nasa isip n'ya. Gustong-gusto na nga n'yang tumakbo papalapit dito at yakapin ito ng buong higpit.

        "Oh, s'ya sige, let's start the wedding!" Mr. Chivaaree said.

        Hindi naman maalis ni Bryle ang paningin sa kanya. At siya naman kahit naiilang ay tumitingin rin dito. Nagtitinginan silang dalawa.

        "Sige na hijo (iho), lumapit ka na sa groom mo, nang makapagsimula na," Iginiya na siya ni Mrs. Chivaaree patungo sa tabi ni Bryle.

       Ng nasa tabi na siya nito ay bigla niya itong inirapan. Napaawang na lang ang bibig ni Bryle at nagtatanong ang mata nitong nakatingin sa kanya. Siguro'y nagtaka ito kung bakit n'ya inirapan ng napakatalim.

        "May kasalanan ka sa'kin, Bakit sinabi mong pinsan mo ang groom ko? Bakit hindi mo sinabing ikaw pala 'yon? Tuloy isang linggo kong lubos na iniyakan ang sitwasyon ko! Isang linggo akong hindi makakain, at makatulog, Isang linggo Kong pinagluksa ang pagkamatay ng puso kong nagmamahal sa'yo! May pagkagago ka rin eh, No? Dalawang linggo ko na ngang iniyakan 'yong malaman ko na nakatakda na akong ikasal sa hindi ko man lang kilalang tao, ni sa pangalan man lang, dinagdagan mo pa ng isa! At ang isang linggo na iyon ay lalong nagpahirap sa'kin dahil nalaman ko na pinsan ng taong pinakamamahal ko ang mapapangasawa ko., isipin na lang i-congratulate ka ng mahal mo dahil ikinasal ka sa pinsan n'ya. 'Yong pinsan ng minamahal mo ang makakasama mo!
    Kung sinabi mo na sana agad noong nagkausap tayo na ikaw yon, eh di sana naging masaya pa ako. Eh de sana ginawa ko pang lahat para mas lalo pa akong gumanda sa paningin mo! (Charroott!) Nasayang lang ang balde-baldeng iniluha ko. Tapos ikaw lang naman pala 'yan. Mabuti na lang talaga malaki ang takot ko sa itaas at hindi ako nagpakamatay. Loko ka talaga-eh! Pinahirapan mo ang kalooban ko ng isang linggo." Ang mga salita sa isip n'ya na gusto n'yang isumbat dito.

        "Ano 'yan? Galit ka ba sa'kin?" Pabulog na tanong sa kanya ni Bryle dahil sa napakatalim na tingin niya rito.

       Napailing na lang s'ya.

       At sinimulan na ang kanilang kasal.

(Paxenxa na 🙏 hindi alam ng author kung ano 'yong mga tinatanong ng judge sa dalawang taong kinakasal, hindi pa kasi ako ikinasal 😊😅😂 tsaka tinatamad na rin ako mag research ✌✌✌. Basta 'yon na 'yon)
        
          Nag I do -han na sila sa isa't-isa.

          "And now I pronounce you legally married," Ang sabi ng Judge pagkatapos ng kasal. "Now you may kiss each other."

          Syempre ganoon ang sasabihin ng Judge, kasi hindi naman pweding sabihing husband and wife dahil puro naman sila male. Alangan namang sabihing I will pronounce you husband and husband, then you may kiss the bride, or you may kiss your groom, puro naman sila groom. Ewan basta ngayon ay magkaharap sila, hinawakan ni Bryle ang kanyang mga kamay (Wynne's hand) kabilaan.

        "Go ahead couple, do your first kiss!" Said the judge again.

        Napangiti si Bryle, siguro naalala nitong tapos na ang kanilang first kiss. It was three years ago.

        Nag blush naman si Wynne, parang gusto na n'yang matunaw dahil sa ngiti nito. Hindi na nga siya halos makahinga ngayon dahil sa malakas na kalabog-kabog ng dibdib n'ya.

        Napapikit na lang siya ng marahang dumampi ang labi ni Bryle sa labi n'ya. Parang gusto na n'yang mahimatay dahil sa tela libo-libong volts ng kuryenting dumaloy sa kanyang mga kaugatan. Naalala n'ya tuloy ang minsang halikan n'ya ito sa lips noong awarding night ng kanilang intramurals three years past. Hindi naman ganito ang naramdaman niya noon. Bakit ngayon ay parang tinatakasan na siya ng lakas.

. . . . . . . . . .
     
       Isang munting salo-salo lang ang ginanap. Ang tanging narito lang ay ang Judge na nagkasal. Ang apat na witness  o ninang at ninong. Ang mga pulis na magdadakip sana sa mga magulang ni Wynne, at ang both family member ng newly wedd.

          Ang sabi ng mga magulang ni Bryle ay pagpasensyahan na lang daw muna nila ang munting handa dahil simi secret wedding lang naman ito. Babawi na lang sila pag ipapakilala na sa lahat na legally couple na sila.
        
          Parents mismo ni Bryle ang naghatid sa newly wedd patungo sa lugar na kung saan ang kanilang tatlong araw na honeymoon. Oo tatlong araw lang dahil kailangan pa nilang pumasok sa eskwela. Dahil kahit kasal na sila dapat ay magtapos pa rin sila ng pag-aaral.

      Daddy mismo ni Bryle ang nagmamaneho ng kotse at katabi nito sa front set ang Mommy. Habang ang newly wedd ay sa likuran naman magkatabing naupo.

      Katwiran ng parents ni Bryle ay kailangan silang ihatid dahil baka daw ano pang mangyayari sa kanila, lalo na't pareho nilang hindi ginusto ang pagpapakasal.

         Maraming kung anu-anong pinag-usapan sina Mr. and Mrs. Chivaaree habang nagbebyahe. Habang tahimik sa likuran ang newly wedd.

       Panay lang ang buntong hininga ni Bryle. Na hindi naman alam ni  Wynne  kung saan Ito nakatingin, dahil nakapikit lang siya. Oo paminsan-minsan ay dumidilat s'ya para tumatanaw sa labas ng kotse at titingnan ang kanilang mga nadadaanang  mga lugar. At higit sa lahat kung ano-ano na rin ang laman ng isip n'ya.

      Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa lugar na kanilang pupuntahan? Ang kasama pa naman niya ay magkadugo. Ama, ina at anak. Siya lang mag-isa ang ang ibang tao sa mga ito. Baka kung anong gawin ng mga ito sa kanya doon. Baka katakot-takot na kasagutan sa kanyang mga tanong ang sasalubong sa kanya doon.

          Pero Hindi naman talaga totoong takot ang nararamdaman n'ya ngayon. Kundi naiilang at nag-aalangan siya dito sa asawa n'ya, What? tinawag n'ya talagang asawa 'to? Haha! Hindi n'ya nga alam anong saloobin nito sa kanya. Sana nga kusang loob na nitong magpakasal sa kanya at hindi napilitan lang. Sana pareho na lang sila ng nararamdaman sa isa't-isa. Sana tutuparin nito ang ipinangako sa kanya na liligaya siya sa piling ng mapapangasawa niya.

To be continue...

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon